just xiuchen things - when you have to deal with an untamed kitten

@theartofmadeline
Stranger Things

PR's Tumblrdome
Show & Tell

#extradirty
sheepfilms
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

izzy's playlists!
Cosimo Galluzzi
occasionally subtle
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
DEAR READER
Not today Justin

oozey mess
Peter Solarz
taylor price
Sweet Seals For You, Always
h
trying on a metaphor
Alisa U Zemlji Chuda
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States

seen from Greece

seen from United Arab Emirates
seen from Germany

seen from United Kingdom

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Indonesia

seen from United Kingdom

seen from Peru
seen from Netherlands

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
@chenausor-blog
just xiuchen things - when you have to deal with an untamed kitten
ANG pagiging isang mabuti at mahusay na lider ay hindi nakabase sa edad, sekswalidad, nasyonalidad, at relihiyon ng isang tao. Ito ay nakadepende sa ‘yo―sa kung paano mo huhubugin hindi lamang ang pagkatao ng iyong nasasakupan, kundi na rin ang pagpapalaganap ng kabutihan at importansya ng pagmamahalan sa kapwa sa mga taong tumitingala at umaasa sa ‘yo.
Pinili ko ang aking ina bilang isang lider na talagang hinahangaan ko sapagkat sa kanya ko nakita ang mga katangiang dapat tinatagtalay ng isang pinuno. Oo, para sa iba ay isa lamang siyang maybahay, ngunit para sa akin at sa aming pamilya, siya ang nagsisilbing liwanag at gabay na tumutulong upang lumaki kaming responsable, may mga pangarap, at may respeto sa kapwa.
Siya si ELENA D. ALIARTE, apatnapu't anim na taong gulang. Siya ay isinilang noong Agosto 03, 1972 at sa awa ng Diyos ay nakapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan, na may kursong Junior Secretarial. Nakilala niya ang aking ama sa pamamagitan ng penpal, at doon umusbong ang kanilang pag-iibigan, at syempre, kaming dalawa ng aking ate ang magagandang bunga. Maraming problema na ang aming napagdaanan, kabi-kabilang unos na ang aming naranasan, ngunit hanggang nayon ay nagagawa niya pa ring tumayo at ngumiti upang bigyan kami ng inspirasyong magpatuloy sa buhay. Sa kadahilanang nasa ibang bansa ang aming ama upang magtrbaho, siya ang nagsisilbing haligi at ilaw sa amin ngayon. Sa kanya ko natutunan ang kahalagahan ng oras, pamilya, pag-aaral, at sariling kaligayahan. Siya rin ang dahilan kung bakit mataas ang tingin ko sa mga kababaihan. Siya ang sagisag ng pag-asa. Siya ang lider ng aming tahanan. Siya si Elena.