Isang dula na isinulat ni Millicent Marco
Mga tauhan-
Jolene Miko
Toby Jun
Lukas Mang Domeng
Chris Aling Sinang
Basti ( ang alagang aso ni Lukas)
… at isang kaluluwa.
——————–pagbukas ng kurtina—————–
Eksena 1: Sa school canteen
Nakaupo sila Jolene at Toby malayo sa ingay ng mga ibang estudyante.
Toby: hay nako, eto na naman si ma'am Doringo, nagbibigay ng proyekto na hindi naman kaya ng mga estudyante!
*napakamot sa ulo si Toby, hindi na naman niya alam kung anong gagawin niya.
Jolene: relax lang Toby. Pinagpartner- partner naman tayo ni ma'am eh, kaya yan.
Toby: *nagbuntong hininga* Ayun na nga eh, mistulang walang gustong gumawa ng proyekto kasama ako. Ganoon ba ako kasama?
Jolene: *natawa* iwasan mo na kasing pumingot ng mga kaklase natin, yan tuloy parang ako nalang ang nakikisama sayo.
Toby: pati ba naman ikaw? Ayaw mo na bang makihalubilo sa akin?
Jolene: hindi naman sa ganoon. Basta iwasan mo na lang pumingot ng tenga ng mga klasmeyt…
Toby: teka maiba ako, inaya nga pala ako ni Lukas bukas sa sementeryo. Dun daw tayo gagawa ng organizer para sa isa pa nating proyekto. Naku! Napakarami naman pala ng proyekto natin.
Jolene: teka, bakit sa sementeryo? Bawal ba sa bahay nila Lukas?
Toby: Ewan ko dun , basta sabi niya sementeryo daw, sabado naman ng umaga. Wag kang mag- alala. Teka… Natatakot ka no? *tumawa ng malakas, binibiro si Jolene*
Jolene: hindi ah! Masyado na akong matanda para magpaniwala sa mga gan-
*pinagsamantalahan ni Toby ang papatahimik na canteen at biglang ginulat si Jolene*
Jolene: hindi ka nakakatuwa Toby! *hinampas ng pabiro si Toby*
Toby: sige na, sige na. Hindi na kita ulit gugulatin, basta tulungan mo lang ako makahanap ng kapartner ko.
Eksena 2: Sa bahay nina Mang Domeng at aling Sinang
bumukas ang pinto at pumasok si mang Domeng na para bang pagod na pagod at pagewang-gewang
aling Sinang: hay diyos ko po! Umuwi ka na namang lasing! Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakainom?
mang Domeng: H-hindi… Ako-o lasiiiiiing….!
aling Sinang: Talaga ba? Eh hanggang dito ba naman sa kinatatayuan ko eh amoy na amoy ko yang alak sa bibig mo!
mang Domeng: T-tulog na mga bata… Kaila…ngan ba n-nating magsigawan ng dis-oras ng gabi?
aling Sinang: hay ewan ko sayo, dito ka matutulog sa baba. Ayaw kitang katabi!
mang Domeng: Bahala k-ka sa buh..ay mo.
Habang naggigirian ang mag-asawa na para bang mga panabong na manok, rinig na rinig naman ng magkapatid ito sa kanilang kuwarto.
Chris: nag-aaway na naman sila no?
Lukas: Malamang. Hindi ka pa ba sanay?
Chris: Syempre sanay na. Para ngang sirang plaka si nanay dahil paulit- ulit niyang sinasabi yon kay tatay tuwing ginagabi siya ng uwi.
Lukas: tingin mo may kabit si ‘tay?
Chris: Huwag ka nga mag-isip ng ganyan! Mahal pa rin naman ni ‘tay si ‘nay kahit parang armalite yung bibig ni nanay.
parehong natawa ang magkapatid at nagpatuloy na lamang sa pagtulog.
Eksena 3: Sabado ng umaga (Sementeryo)
Nagpatuloy sa paglalakad sina Miko at Jun papunta sa napag-usapang lugar. Silang dalawa ay nasa 18 anyos na.
Miko: mukhang malubak ang daan papunta ah, mukhang mali ata ang nasuot kong sapatos.
Jun: Malapit- lapit na tayo. Okey pa ba yang pamporma mong sapatos?
Miko: *natawa* Oo, saka hindi ito pamporma no.
Nakarating na sila sa sementeryo, namukhaan agad ni Jun sina Lukas at Chris ngunit hindi niya maalala kung kilala niya ang iba pa nilang makakasama.
Lukas: sa wakas kumpleto na rin tayo!
Chris: *bumulong kay Lukas* akala ko ba hindi sila kasama?
Lukas: *sumagot rin ng pabulong* Hindi dapat, pero nakausap ko na sila bago pa nag-iba desisyon ko.
Halata kay Chris ang pagkadismaya, ngunit hindi niya ito pinakita. Hindi ngayon.
Miko: kamusta, parang hindi ko pa kayo nakikilala. Ako pala si Miko. *nakipagkamay kay Jolene bago kay Toby*
Jolene: ako si Jolene, eto pala si Toby. Klasmeyt ko.
Toby: marunong akong magpakilala ng sarili ko, Jolene.
*lahat sila ay nagtawanan*
Lukas: dala ko rin pala si Basti, *hinimas ang aso*
Basti: *inamoy ang kamay ni Lukas, naghahanap ng pagkain*
Jolene: So, tungkol sa project… Kailan natin sisimulan?
Lukas: huh? Anong project?
Toby: uh, ano kase… Hindi tayo nandito para sa kahit anong proyekto.
Jolene: *galit dahil pinagsinungalingan siya ni Toby.* Edi kung ganon pala eh. Wala na akong rason para magstay.
Lukas: sandali lang Jolene!
Jolene: baka hanapin pa ako ng mga magulang ko. Sa susunod na lang.
Chris: Jolene! Wag ka muna umalis, pangako, hindi ito kalokohan ‘tong gagawin natin.
Jun: kung iba ang sinama niyo, hindi ‘to magiging kalokohan.
Chris: Manahimik ka nga Jun!
Toby: Huwag ka mag-alala ‘Jols’, hindi tayo gagamit ng droga o kung ano man. Maniwala ka.
Jolene: ano ba kasi talagang rason bakit tayo nandito sa sememteryo ng tirik na tirik na araw?!
Lukas: kung gusto mong malaman, umupo ka na lang sa tabi ni Toby.
Halatang ubos na ang pasensya ni Lukas kay Jolene ngunit kaibigan niya rin ito kaya’t pinalipas niya nalang ang kaunting init ng ulo na naidulot niya
Toby: bakit nga ba tayo nandito? Naguguluhan na rin ako eh.
Chris: Ikaw muna magsalita, Lukas.
Lukas: may kakausapin tayong kaluluwa
Buhat ng pakiramdam ng pagkagulat at pagkatakot, si Jolene ay napatayo sa kanyang upuan
Toby: seryoso kayo? Tss, di kayo seryos- seryoso talkaga kayo?
Chris: ‘Wag kayong mag-alala
Lukas: kaya nga maaga tayo dito para hindi nakakatakot. Hindi rin tayo gagamit ng 'Ouija board’ o kung ano man.
Jun: eh pano natin matatawag yun?
Lukas: simple, tatawagin natin siya.
Jolene: hindi ako sang-ayon tungkol dito.
Chris: Alam kong may mga katanungan kang gusto mong magkaroon ng sagot.
Jolene: oo, pero hindi sa ganitong paraan.
Lukas: magtiwala ka lang sakin Jolene. Kung ayaw niyang makipag-usap ngayon, edi 'wag natin siyang pilitin.
Chris: para lang sa karagdagan niyong kaalaman, may mga kaluluwa na nakakakita ng hinaharap. 'Tong si kuya, napagdesisyunan niyang pumili ng mga taong malapit sa kanya na nagkaroon ng hindi magandang nakaraan.
Lukas: ang punto ko lamang dito ay tumulong. Jolene, hindi na kita pipilitin kung ayaw mo.
Nagisip ng mabuti si Jolene.
Jolene: Sige, gawin na natin 'to.
Inabot sila ng ilang oras, si Lukas ay mistulang nagdadasal ng ibang lenguwahe samantalang ang iba naman ay manghang- mangha sa kanilang nakikita
Miko: *bumulong kay Chris* patapos na ba siya? Naiihi na ako eh.
Chris: *tumingin ng masama kay Miko* kailangan mo pa ba talagang mag-paalam? Umihi ka na lang diyan sa mga damuhan!
Miko: ehhhh…. *napabuntong hininga siya sabay alis sa kanyang kinauupuan.
Jolene: nagawa niyo na ba ito dati?
Chris: maraming beses na, noong una ay hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
Jolene: may nakita na ba kayong hindi niyo dapat makita?
Chris: kaunti, pero lahat naman ay mabait.
May biglang sumigaw sa damuhan
Miko: AAHHHHHHH!!! ANAK NG TINAPA AYOKO NA DITO!!!!!!
agad nilang pinuntahan ang pinaggalingan ng boses ni Miko.
Miko: M-may n-nakita ako.
Lukas: siya na siguro yon
Pinilit ni Toby na hindi matawa sa hitsura ni Miko; basa ng ihi ang kanyang pantalon at nanginginig sa takot.
Jolene: Bakit siya nagpakita kay Miko?
Lukas: hindi ko rin alam.
Lumapit si Basti sa paanan ni Lukas, tila ba parang may inaamoy.
Lukas: Nakita mo kung saan siya nagpunta Basti?
Basti: *tumahol at pumunta pabalik sa direksyon ng kinauupuan nila kanina lamang.
Doon ay nakita nila ang isang babaeng kaluluwa, nakayuko ang ulo at nakaputi at mukhang kaedad nila. Nakaupo sa puntod malapit sa inupuan ni Jolene kanina
Lukas: *Lumapit siya sa kaluluwa* kamusta. Ako yung tumawag sayo, okey lang ba kung may mga itatanong kami sayo?
Kaluluwa: *tumingin ang siya kay Lukas at tumango*
Jolene: bakit ko siya nakikita?
Chris: hindi totoo na hindi mo sila nakikita. Nasa paligid lang sila palagi pero walang nakakapansin.
Toby: *nilapitan ang kaluluwa at tumabi kay Lukas* Hello, ako si Toby. Sinilipan mo si Miko no? Anong nakita mo?
Ngumiti ang kaluluwa at nagmosyon siya ng 'maliit’ gamit ng kanyang hintuturo at hinlalaki
Miko: Narinig ko pangalan ko ah.
Lukas: hindi ka nandito para mamboso, may katanungan lang kami na gusto namin malaman ang kasagutan.
Lahat sila ay pumaikot na umupo sa kaluluwa, nasa kabilaan sina Chris at Lukas
Chris: okey lang ba na umupo ako sa tabi mo?
Lukas: sige, sinong gustong maunang magtanong?
Jolene: sandali, hindi ka naman sasanib sa kung sinuman samin diba?
Kaluluwa: *ngumiti at tumango ulit*
Jun: pero paano ka sasagot, kanina ka pa hindi nagsasalita ah.
Lukas: kaya bibigyan natin siya ng lapis at papel para makipagkomunikasyon sa atin
Jolene: akala ko ba hindi nakakahawa ng mga matitigas na bagay ang mga kaluluwa?
Chris: may mga kaluluwang nagsasanay para makahawak ng mga bagay dito sa mundong ibabaw, kagaya na lang niya.
Nagsimulang magsulat ang kaluluwa sa binigay na papel ni Lukas.
Lukas: Anong pangalan mo?
Kaluluwa: *nagsimulang magsulat* “Alice”
Lukas: hello Alice, may mga tanong lang kami para sayo. Okey lang ba yon?
Toby: oh, ako muna! Sige, sa tingin mo ba magkakaroon ako ng partner sa proyekto ni ma'am Doringo?
Jolene: *di makapaniwala sa tanong ni Toby* yan pa talaga tinanong mo?
Toby: Syempre! Priorities first ika nga nila.
Napangiti ang kaluluwa sa sinabi ni Toby
Alice: “hindi ka magkakaroon ng partner, dahil meron ka na.”
Alice: “kagustuhan ng puso, hindi maipanubali. Lalabas at lalabas rin kapag isa ay aamin kung sakali.”
Namula ang mga pisngi ni Jolene. Alam niya ang ipinapahiwatig ng kaluluwa.
Toby: seryoso hindi ko parin gets…
Miko: ako naman! Alice… sa tingin mo, may uwing pizza si dad ngayon sa bahay?
Kumunot ang noo ni Alice, hindi niya maintindihan ang sinabi ni Miko
Alice: “maaring may matatanggap ang katawan, maaring hindi.”
Lukas: mas seryoso naman na tanong guys…
Chris: Maghihiwalay ba sila nanay at tatay sa hinaharap?
Alice: “Pagmamahal na sinubok ng panahon, hindi kailanman pinagtagpo ng kasiyahan ngunit itinadhana na maging walang hanggan.“
Chris: Maraming salamat Alice.
Ngumiti ang multo sa pasasalamat ni Chris.
Jun: Madalas akong mapag iwanan ng mga kapatid ko simula nang mamatay sina mama at papa. Sa tingin mo, Alice, may maganda bang kinabukasan para sa akin?
Alice: “Pagsumikapan ang matamis na alak ng kinabukasan, hindi magtatagal ito'y makakamtan.”
Jun: *gumaan ang pakiramdam* salamat Alice.
Hindi nila napansin ang lumalamig na hanging bumabalot sa kanilang paligid
Jolene: huling katanungan na lang, bakit hindi kami binalikan ng tatay namin?
Alice: “Mga taong pinilas ng buhay na parang pahina sa isang aklat, hindi ito mahalaga bagkus buo parin sa huli itong lahat.”
Patuloy parin ang palitan ng tanong at sagot ng magkakaibigan hanggang sa abutin na sila ng hapon.
Lukas: masaya kaming makausap ka Alice. Maari ka nang bumalik sa pinaggalingan mo.
Umiling si Alice, tila ba ayaw niyang marinig ang sinabi ni Lukas.
May sinulat si Alice sa papel na binigay ni Lukas, malapit na itong maubos ngunit pinagkasya parin ng kaluluwa ang mga salitang hindi nila batid makita sa papel
Alice: “Pulang mga kamay, itim na mga mata at buhok. Nanlilisik sa galit at poot. Kailanma’t hindi na babalik roon sapagkat naaninag na ang liwanag.”
Lukas: ngunit hindi ka naman dapat nandito.
Nagsimulang umiyak ang kaluluwa, iyak ng nagmamakaawa at pakatakot.
Miko: 'wag kang umiyak Alice. Hindi mo pa naman kailangan umalis.
Lukas: hindi pwede, maaring may makasunod sa kanya dito sa mundong ibabaw at dumami pa sila. Mahirap na.
Jolene: Alice, sorry, pero kailangan mo nang bumalik. Ipagdarasal ka namin. Pangako.
Malungkot na tumango si Alice
Alice: “Panalangin hihintayin nang sa gayon, ginhawa ang mabatid.”
Eksena 4: nasa silid aklatan ng paaralan
Lukas: maayos na sila nanay at tatay ngayon, kahit papaano.
Jolene: napagaan talaga ni Alice yung kalooban ko.
Chris: oo nga eh kuya, oarang mas lalo pa silang naging sweet sa isa’t isa
Toby: hindi naman pala mahirap yung proyekto eh, Jolene… Uh salamat nga pala.
Namula ang pisngi nina Toby at Jolene at nagtawanan sina Chris at Lukas
Lumapit sa kanila ang tagabantay ng silid aklatan.
“Maaring tumahimik sapagkat lahat dito ay nagbabasa.”
Silang apat ay natawa dahil parang si Alice kung magsalita ang matandang tagabantay.
Ang hindi nila alam si Alice mismo iyon.
--------------pagsasara ng kurtina----------------