Totoo pala yung burnout nuh? I just realize it now.
Napakahirap nyang, maranasan.
Actually hindi lang hirap yung mararamdaman mo.
Nakaka-miss yung feeling na gigising ka tapos alam mo sa sarili mo yung mga dapat mong gawin.
Ngayon kasi, pakiramdam ko madami akong gustong gawin pero wala akong lakas na gawin yung mga yun.
Magbabasa ka ng mga self help books, pero walang pumapasok kasi ramdam mo pa rin yung pagod.
Manunuod ka ng mga how to's sa youtube pero walang magagawa yun kasi iiyak ka lang din mamaya nang di mo malamang dagilan.
Titingin ka sa salamin tapos sasabihin mo sa sarili mo na kaya mo pero wala eh. Mararamdaman mo lang na down na down ka.
Gusto mong maramdaman ulit yung fire mo to do things you wanted but then you'll just suddenly see yourself watching mukbangs, playing mobile games, eating anything you crave for wishing it could help you somehow relieve the sadness you feel...
Nakakapagod kahit wala naman talaga akong ginagawa.
I know it's draining me inside.
And deep down, gustong gusto ko na sumuko pero kumakapit pa din ako kasi alam ko hindi naman ako nag-iisa eh. Nandyan si God alam ko, pinapanuod nya ko.
Masakit at nakakapagod man ngayon. Umaasa ako may maganda bukas or araw din ako na masisilayan.
Ayokong makinig sa sinasabi nila na wala akong ginagawa para bumangon. Hindi nila alam kung ano yung nasa isip ko, si God lang nakakaalam.
Kaya nakakapagod na araw araw kang maju-judge kasi nakikita nila outside mukha akong walang ginagawa, tamad na tamad, at walang ibang ginawa kundi tumapat sa cellphone.
Ayoko din naman kung ano yung nangyayari sakin ngayon, gustong gusto ko din naman yung may ginagawa ako paggising ko.
Anong gagawin ko kung wala akong ganang gawin yung mga bagay na dati masigla akong ginagawa.
Anong gagawin ko kung hindi na ako masayang bumabangon araw-araw.
At anong gaggawin ko kung sa bawat araw na didilat yung mga mata ko, wala akong ganang kumilos kasi napagod akong umiyak kagabi?
Kaya sana, sana lang po. Matapos na tong mga araw na to. Miss ko na yung sarili ko na bumabangon ng masigla araw araw.