Kasabay ng pag labo ng aking mga mata, ang pag labo ng pag titinginan nating dalawa
Heto na Heto na ang mga salitang gusto ko sabihin sayo sinta mga salitang di ko alam kung paano ko bibitawan tulad ng pag bitaw mo sakin aking sinta. Heto na ang mga huling linyang mang gagaling sakin kasi napabayaan mo na Heto na ang mga sanang sana'y nagawa ko pa Heto na yung mga pangarap nating naging pangarap mo nalang kasama ang iba Heto na ang mga salitang sanay nasabi ko pa Heto na ba ang sinasabi nilang kung hindi takda ng langit, Hindi naman ipipilit. Ngunit paano malalaman, Kung ‘di man lang susubukan? Kausap lagi ang sarili Magtatapat o mananahimik? Nasasayang bawat sandali, Bawat kandilang tinitirik. Heto na sasabihin kona na wala na wala kana pala, kaya heto mag papaalam na. Mahal, Pinalalaya na kita.
















