Larong Pinoy (Hugot Version)
Patintero - Para nalang ba tayong patintero na pilit kitang hinuhuli pero iniiwasan mo lang ako.
Taguan - Lagi mong tandaan na meron isa sa kaibigan natin ang magaling sa taguan, taguan ng feelings.
Teks - “Set na pati pato!” kumbaga sa pag-ibig isusugal ko ang lahat mapanalunan lang kita.
Tumbang Preso - Sana ‘wag kang maging pamatong tsinelas gaya ng nasa tumbang preso, na kapag nakatira na, tatakbuhan ka pa.
Habulan - Hindi ako yung taya sa habulan, na hahabulin ka kapag naisipan mong iwanan ako.
Trumpo - Minsan kailangan natin mag-sakripsyo para sa taong mahalaga sa atin, kahit na alam mong masasaktan tayo. Parang sa trumpo, kailangan muna nilang tamaan yung trumpong nasa loob para mailabas nila ito.
Nanay, tatay - Ayoko magaya sa bagong bersyon ng ‘Nanay, tatay’ ngayon: “Nanay, tatay gusto kong tinapay. Ate, kuya, gusto kong kape. Lahat ng gusto mo ay hindi ka gusto…” sana gusto mo rin ako.
Holen - Iba’t ibang disenyo, iba’t iba ang halaga, pakiramdam ko para sa’yo ako ‘yung holen na walang disenyo at mababa ang halaga.
Chinese Garter - Minsan ba napitikan ka na ba ng goma habang ang saya-saya mong lumulundag? Sakit diba? Ganun talaga siguro, minsan kung saan ka masaya, doon ka rin masasaktan.
Piko - Minsan ba nasunugan ka na ng bahay sa larong piko? Ang sakit diba? Yung tipong effort ka ng effort mauuwi rin pala ang lahat sa wala.
Pukpok palayok - Minsan pinagsisigawan na sa’yo ang dapat gawin, pinagpipilitan mo pa rin ang gusto mo.
Agawan buko - Maputik, malangis, mahirap at malaki ang posibilidad na masaktan ako sa mga kalaban ko, pero gagawin ko ang lahat para lang manalo. Parang pagmamahal ko sa’yo. Gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang.
Bonus hugot: Minsan marerealize mo na saling-pusa ka lang pala sa buhay niya.