Trust Issue
“Batch 81” Movie Review
Bago ang lahat, narito muna ang pahapyaw na detalye at kuwento mula sa pelikulang aking irerebyu. Ang Alpha Kappa Omega Batch '81 o mas kilala bilang AKO Batch '81 (1982) ay isang pelikulang ginawa ni Mike de Leon. Tinatalakay nito ang karahasang dinaranas ng mga kabataang sumasali sa isang kapatiran. Isa ito sa mga pinakamahusay na pelikulang nagawa noong ikawalong dekada, at nag-angat nang tuluyan kay de Leon na mapabilang sa mga pinakamagagaling na direktor ng bansa.
Ang "batch" sa titulo ng pelikula ay nangangahulugan sa mga "neophytes" o mga baguhan pa lang na sumasailalim sa rituwal na mas kilala rin bilang "hazing" upang maging karapat-dapat na maging mga miyembro ng Alpha Kappa Omega fraternity o pagkakapatiran.
Si Sid Lucero, ang pinakadeterminado, ay isang mag-aaral ng pre-med na naghahanap ng maipapalit sa wasak na pamilyang kanyang kinabibilangan. Ang kanyang kaibigan at kasama sa kuwartong kanyang tinutuluyan, si Arni Enriquez na mayroong nobya, ay nagdadalawang-isip sa kanyang paniniwala kung ang pagsailalim ba sa pagpapahirap at pangpapahiya ay makabuluhan sa pagsali sa kapatiran ng AKO na pinamumunuan ni Vince. Si Ronnie Roxas, Jr. ay anak naman ng isang kilalang miyembro ng AKO. Kung kaya naman wala siyang ibang magagawa kundi sumunod sa yapak ng kanyang ama at sumali sa AKO. Si Pacoy Ledesma ay isang "mama's boy", na ang pagpili niya sa pagsali ay pagpapatunay ng kanyang pagkalalaki. Ang panlimang miyembro ng "batch", si Santi Santillan, ay ang pinakamatanda, isang propesor na nais lamang maranasan ang samahan ng mga kabataan.
Bilang pinakapursigidong miyembro, pinatunayan ni Sid na kaya niyang panatilihing magkakasama ang kanilang "batch" sa kabila ng mga pagsubok, hindi pagkakaunawaan at kung anu-ano pang mga dinanas. Nang ang mga miyembro ng kalabang kapatiran ay binugbog hanggang sa mapatay si Arni, nagnais si Sid na maghiganti, at pinilit niya ang mga miyembro at mga "neophyte" ng AKO na pantayin ang laban.
Isang madugo at bayolenteng laban ang naganap, na nagresulta sa pagkakaroon ng mga biktima sa dalawang panig. Sa "batch", tatlo lamang ang umabot hanggang sa pinakahuling seremonya na kung saan ang mga "master" at ang mga "neophyte" ay magiging mga "magkakapatid".
Nagtapos ang pelikula sa eksenang si Sid Lucero ay muling nasa seremonya, ngunit sa pagkakataong ito, siya'y isang ganap na "master" na namumuno sa mga panibagong "batch".
Ayon sa unang talata, ang nabanggit na pelikula ay tumatalakay sa mga karahasang dinaranas ng mga kabataang sumasali sa isang kapatiran. Negatibo ang pagpapalagay rito, ngunit sa kabilang-banda, ayon naman sa aking nakita at naramdamang emosyon, ay may positibo din. Ilan dito ay ang tinatawag na hazing ay ginagawa upang subukan ang tiwala ng mga neophytes. Nagiging negatibo ito dahil madalas sumosobra na ang mga master sa pagte-test ng tiwala nila, hindi na makatao. Ngunit, positibo pa rin dahil sa dahilan ng mga master na hindi nila ipinapagawa sa mga neophytes ang isang bagay kung naiisip nilang hindi nila ito kakayanin. Oo nga’t nakakainis ang mga pagsubok sakanila, lalo na ang pagpapainom at pagluwa sakanila ng beer noong kaarawan ng isa sa miyembro ng “batch”, sobrang kadiri bes, pati ikaw masusuka. May time talaga na sobra na yung mga pagsubok ng master pero kaya parin ng mga neophytes.
Yung expectation ko nangyari. Namatay si Arni, boyfriend ni Tina. Nakakaloka yung way ng pagpatay sakanya, sobrang disturbing pero nakakaawa at nakakainis! Hustisya bes. Narealize ko, kaya siguro may mga namamatay sa hazing, ang ilan ay dahil siguro napapatay sila ng kabilang frat dahil sa alitan parang ganun. Cheated expectation ko naman, yung feeling na pinaasa ako, noong ayun nga, pinapatay na si Arni, noong nilulublob na yung mukha niya sa bowl. Dahil siguro ‘to sa kakapanood ko ng Korean drama, yung biglang to the rescue na yung tropa during the war, pero sa batch 81, walang ganun. Sigaw lang ng sigaw si Tina, pinanood lang ni Sid. Tapos yung biglang makakawala si Tina sa mga naghahawak sakanya para tumakbo tapos humingi ng tulong, wala umasa lang ako. Masakit. Hehe. Sobrang saklap ng pagkamatay ni Arni. Well, part naman non, kasalanan niya rin at ni Tina. Aba, hindi pa rin tinigilan ni Arni si Tina e alam naman niyang delikado. Ito namang si Tina, alam nang binabalaan ng kuya niya si Arni, e hindi pa rin lumayo, umiwas, hala haraught pa rin, di man lang naisip na nanganganib si Arni, hindi man lang ipinagtanggol si Arni ni isang beses, nakakaloka!! Eh kuya niya naman yon, duh. Kainis!
Sa elements naman ng batch 81, ang masasabi ko sa narrative e, okay lang, nabigyan naman ng hustisya ni Mark Gil ang role bilang Sid Lucero, bawat cast. Kaya lang parang nag-skip yung kwento, pero naintindihan ko naman na part yun ng movie, sadya yon kaya lang nakakabitin ganern. Pero maganda yung script, sobrang hanggang ngayon pinoportray niya pa rin ang ilan sa mga frat sa Pilipinas. Sa stylistic element naman is, syempre 1982 pa ‘to, hindi pa HD, hindi pa ata uso noon ang term na “cinematography”, kaya wala rin ako masabing ganyan. Ngunit, noong niresbakan na nila si Arni, ang ganda ng angles. Nakakaloka yung tumatalsik na dugo ahahaha. Sumisirit haha.
All-in-all 7/10. Very informative naman siya, magkakaroon ka ng idea tungkol sa hazing hazing na yan. Na 50/50 talaga ang hazing, dipende sa frat, matino ba o hindi. Ganern. Para saking pananaw lang naman. Dito susubukin ang trust issues mo bago ka makapasok sa frat, parang ganern. Pak ganern.















