
PR's Tumblrdome
TVSTRANGERTHINGS
hello vonnie
EXPECTATIONS
Show & Tell
sheepfilms

⁂
untitled

❣ Chile in a Photography ❣

pixel skylines
Noah Kahan

ellievsbear
we're not kids anymore.
Stranger Things
🩵 avery cochrane 🩵
trying on a metaphor

Product Placement
Claire Keane
he wasn't even looking at me and he found me
Cosmic Funnies

seen from United States

seen from India
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Germany
seen from United States

seen from Malaysia
seen from France

seen from Saudi Arabia
seen from United Kingdom
seen from Malaysia
seen from Brazil
@currentlylost-blog1
Muli
Eto na naman tayo
Kung san merong ikaw at ako
Ikaw at ako, imbes na tayo
Tayo na dati naman ay okay at masaya
Pero nagbago ang lahat ng magsawa ka
Nagsawa ka at nakahanap ng iba
Ngayon, isusulat nalang ito
Dahil ano pa nga ba ang magagawa ko?
Kung iba na ang tinitibok ng puso mo
Kaya muli, paalam mahal ko
Muli, magpapaubaya ako at kasabay nito...
Ay muling madudurog ang puso ko
Panaginip
Pagkagaling sa trabaho, direcho na sa bahay. Wala ng pupuntahang mall, sinehan, o kainan. Pagkauwi sa bahay, magbibihis, manonood, mag-iinternet, kakain, matutulog. Matutulog buong hapon, buong magdamag. Tapos gigising na sa bagong araw. Kaya lang, minsan, habang tulog, nananaginip ako. At sa dami dami ng pwedeng mapanaginipan, ikaw pa.
Hindi ko na maalala lahat. Ganun naman di'ba? Madalas nakakalimutan natin ang panaginip, pero sigurado tayo na napanaginipan natin iyon. Weird, di'ba? Ang naaalala ko, magkasama tayo sa loob ng isang malaking tent. Parang nasa bakasyon. Naaalala ko din na nakita ko kayong dalawa, na wallpaper sa phone mo.
Iyon lang ang naaalala ko. Pero yung naramdaman ko sa panaginip na iyon, ‘di na bago sa'kin. Masakit. Matagal na akong nakakaramdam ng sakit, bago pa man ako nanaginip kagabi.
Alam mo ba? Nanaginip din ako dati. Pero ibang babae naman. Sa panaginip na iyon, nagising ako na umiiyak. Sa panaginip ko kagabi, nagising lang ako. Hindi ako umiiyak. Pero masakit pa din sa pakiramdam.
Sana sa susunod, maganda naman ang mapanaginipan ko. O kaya naman, huwag nalang ako managinip.
Sa Paggising
Minsan nagigising ako sa madaling araw. Hahanapin ang cellphone. Bigla nalang maaalala na wala na nga palang matatanggap na, “nakatulog ka na ata, goodnight, i love you!,” “text mo ako paggising mo ha,” “miss na kita agad.” Wala na nga palang rereplyan ng, “nakatulog ako, i love you!,” “text nalang kita ulit paggising ko,” “miss din kita agad.”
Hindi lang sa madaling araw, minsan kahit nasa office at pupunta lang ng locker para magcheck ng phone. Maaalala nalang at marerealize na wala na nga palang magti-text. Wala na akong hihintayin. Wala na akong missed call or mahabang thread ng unanswered SMS.
Kapag walang magawa sa bahay, kapag naghihintay ng masasakyan, habang naglalakad palabas ng opisina, habang nasa pantry at breaktime; wala na nga pala akong dapat hintayin na text message. Pero bakit parang naghihintay pa din ako? Ah, nasanay lang kasi.
Sa katagalan, nasanay na din. Nasanay na na mukha ko na naman ang makikita pagbukas ng phone. O kaya text message from Smart, o kung ano anong promos, or si Mommy. Pwede din random friends. Pero hindi ikaw. Walang galing sa'yo. Wala ng manggagaling sa'yo.
Ngayon, sa paggising ko, magbubukas nalang ako ng facebook, instagram, email, youtube. Dahil wala naman ng dahilan para unahin ang inbox at recents sa phone.
Paano?
Madaling araw, nagising ako. Laging ganito. Nagising ako na malungkot. Na mabigat ang pakiramdam. Na nasasaktan. Dahil sa'yo. Dahil pa rin sa'yo. Bakit dahil pa rin sa'yo? Paano? Paano ba ako makakalaya sa hawak mo? Sa alala mo? Kasi masakit na. Sobrang sakit na. Halos hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magkunwaring matapang pa sa harap ng mga kaibigan at pamilya ko, na hindi ko man lang masabihan ng mga nararamdaman ko. Bakit hindi? Alam mo naman kung bakit. Dahil ikaw lang. Dahil sa'yo lang. Ikaw lang ang nasasabihan ko ng mga hinaing at bumabagabag sa'kin.
Ang hirap. Sobrang hirap. Gusto kong umiyak ng umiyak pero hindi ko magawa. Ayokong aminin na mahina ako. Na marupok ako pagdating sa'yo. Na hindi ako makahinga sa tuwing iisipin ko na hindi na ako ang laging kasa-kasama mo. Na sa loob ng halos sampung tao, ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko, pero dinurog durog mo na daig pa ang pamintang pinapabili ni Mommy sa kapatid ko. Paano? Paano ba ito? Madaling araw na pero gising na gising ako. Sakit na sakit ang puso ko. Sampung taon, akalain mo. Pero parang wala lang sa'yo.
Minsan natutulala nalang ako, eh. Minsan bigla nalang babalik sa'kin lahat ng magagandang alaala ng mga alis natin. Nang mga lakad natin. Saklap. Yung madaming madaming mga litrato, ano na gagawin ko? Buburahin ko ba? Yung mga naka-print pa, pupunitin ko na ba? Susunugin ko na ba? Kapag ginawa ko lahat ‘yan, kasama bang mabubura yung kirot na nararamdaman ko? Sana ganun. Sana ganun kadali lahat. Pero alam mong hindi. Alam kong hindi. Alam ng nakararami na hindi. Burahin ko man lahat, punitin, at sunugin, ano'ng gagawin ko sa mga alaala na nasa puso ko, na nasa utak ko? Sabihin mo sana sa'kin, paano?
Ang sabi mo, bigyan ka ng oras? Nang kaunti pang panahon? Ang hinihingi mo buwan. Ilang buwan? Madaming buwan. Para saan? Para kanino? Kung ako lang, ako lang dapat. Kasi ako, ikaw lang. Ikaw at ikaw lang. Na alam na alam mo kaya siguro, nagaganito mo ako. Kasalanan ko din naman. Hinayaan kita na gawin ito. Kaya ayan. Ako din ang talo. Pero sana sabihan mo ako na tama na. Na wala na. Na tigilan na natin. Tigilan na natin. Iyong totoo na. Hindi puro sabi sabi lang natin. Iyong puputulin na din natin lahat. Iyong hindi na din ako makikipag-usap sa pamilya mo. Iyong parang walang tayo, kahit halos sampung taon na. Tang ina… Sampung taon na pala. Paano na ito? Ganun ganun nalang ba talaga tayo?
Pagod na'ko. Matagal na'kong pagod. Sa totoo lang. Kinakaya ko lang lahat, tinitiis ko lang lahat, para sa'yo. Para sa'kin. Para sa'tin. Pero wagas, eh! Ako nalang pala mag-isa. Pero ikaw, may iba na. May iba na naman. Hindi naman na bago iyon. Kaya nga mas masakit. Kasi paulit-ulit. Ako ba problema? Parehas tayo, sa tingin ko. Ang gusto ko ikaw lang, ang gusto mo, iba iba. Pero ayaw mong mapunta ako sa iba. Ang galing! Napakadamot. Paano naman ako? Paano naman ako magiging masaya? Binitawan mo ako, binibitawan mo ako, pero ayaw mong may makasalo? Ayaw mong may kaagaw? Saan ako pupunta? Nasa ere lang? Paano? Paano ako lalapag? Kung ayaw mong may ibang hahatak sa kamay ko… Na ayaw mo namang ingatan kahit na alam mong sa'yo lang gustong kumapit nito. Paano? Paano ba ako makakawala sa'yo kung ako mismo, hirap na bumitiw sa'yo.
Nawawala ako. Hindi ko mahanap ang sarili ko. Sana isauli mo na ang puso ko. Kasi baka hindi na makayanan ang sobrang sakit at dalamhati na ito.
Nawawala ako. Sana naman, may makahanap na sa nawawalang ako.