Umulan. Nagising. Nagsulat.
Intro. Matagal tagal na rin nung huli akong nagsulat ng aking mga naiisip sa ganitong porma. Kadalasan, ito yung mga pag-iisip na ballpen at papel na lang ang nakakabasa. Haay, bes. The struggle is real talaga magising ng madaling araw at matulog muli (mula sa halos buong araw ng pagkatulog o excited na akong pumasok sa trabaho)
Body. Grabe, bes. Ang bilis ng araw. Naalala mo pa ba yung mga ganap mo nung nakalipas ng sampung buwan? Nobyembre na naman, lumipas na ang mga araw ng mga patay. Disyembre na ang kasunod, kabi-kabilang Christmas Parties at reunion na namang muli ng mga pamilya at ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Sikolohiya... ay, SMS pala yun. Samahan ng mga Malalamig ang Pasko pala ang tinutukoy ko. At ilang tulog pa matapos ang pagdiriwang ng Pasko, bagong taon na! Gawa na naman ng mga New Year’s Resolution na hindi ko alam kung natutupad! Bagong buhay, bagong hairstyle, bagong damit, bagong kaibigan, bagong crush, bagong pakikipagsapalaran, bagong mga pangarap at oportunidad na naman ang dadaan o kaya tatahakin nating lahat. Dadaan ang Valentine’s Day, Graduation month, summer vacation, pasukan uli, Pagpapatuloy sa mga nasimulang #goals. Dadaan ang birthday mo, birthday ko, birthday ng kaibigan mo, birthday ng crush mo, birthday ng crush nya, at birthday ng crush ng crush nya (ay, pati pagbe-birthday, one sided. Sad. HAHA). In short, birthday nating lahat! Makakabuo na naman ng mga alaalang hindi malilimutan at mga okasyong lilipas at uulit lamang.
Sa taon-taon, buwan-buwan, linggo-linggo, araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundong lumilipas, may mga pagbabago na nakakaapekto sa hinaharap. Maaring isang gawi upang makamit ang matagal ng pangarap,isang salitang makakapagpabago ng lahat, isang haplos na maaring makapagparamdam ng kanyang halaga para sa iisang tao. Ngunit ang tanong: ginagawa mo na ba ang mga bagay na ikakaunlad mo o doon ka pa rin sa dating istilo mo? Sumubok ka na ba ulit ng bago o nililimitahan mo pa rin ang sarili mo?
Alam mo kapag tumatanda ang isang tao, ang dami na nyang isinasaalang-alang bago sya magdesisyon? Alam mo ba na katakot-takot na lakas ang loob ang kinakailangan nila? Alam mo bang kakaibang kakayahan ang ipinapamalas nila? Para sa pagbabagong kailangan nila. Ako, nandun na ako at patuloy pa rin sa pag-iisip. Kung paanong maitatagpi ang aking sarili sa lumang ako at sa aking future self. Minsan, sa gitna ng aking byahe, mapapaisip na lang ako sa aking buhay na “alam mo naman kung saan ka patungo ngunit hinahayaan mo na ang mga nakikita mo at mga nararamdaman mo ang pumigil sa’yo.”
Kelan ka pa babangon sa mga pag-iisip mong iyan? Kapag huli na ang lahat? Pero hayaan mo na lahat ng nabasa mo sa itaas, isang repleksyon lamang nyan ang oras at lumilipas na sikolo ng buhay. Ang mahalaga, buhay ka, nagpapatuloy, lumalaban, umiibig, tumatawa, nasasaktan (kasama sa buhay), nakakaalala sa Diyos, masaya ka, naglilingkod, at patuloy na nangangarap. Gawin mong isang paalala ang iyong nakaraan kung gaano na kalayo ang narating mo, isang motibasyon ang hinaharap para makapunta kung saan ka nararapat at isang regalo ang ngayon dahil sa ibinibigay nitong pagkakataon para makaalis sa nakaraan at makatungo sa iyong kinabukasan.
Closing. Ganern, bes. Live in the moment (while knowing your limitations). And “Remember your Creator in the days of your Youth...” Ecc. 12:1a and ask the Lord to “teach us to number our days that we may gain a heart of wisdom.“ Psa. 90:12
Yun lang. PS: Sarap pag may katawagang bes. Lakas makapagbigay ng sense of security sa mga gusto mong i-disclose. Haaay, language. HAHAHA.
Haba na ba? Sige, hahabaan ko pa ulit sa susunod at mas mahaba sa mga susunod. Have a nice day!