CALAGUAS, AKO’Y NABIGHANI.
Ika-7 ng Abril ngayong taon ng 2021, kami ng mga pinsan ko ay dumayo ng Camarines Norte para marating ang isang paraiso - Calaguas Island o Mahabang Buhangin ng Vinzons, Camarines Norte.
Halos tatlong oras kaming nasa dagat dahil sa Centennial Wharf ng Camarines Norte na nasa Munisipalidad ng Daet na dumaong ang aming sasakyang-pandagat. Nung una ako ay natatakot dahil ang lalakas at ang lalaki ng mga alon. May pansariling suliranin ako noong araw na iyon ngunit walang katumbas ang kagandahan ng isla.
Bakit at paano ko nasabi?
Ang Calaguas ay may malinis na pampang, pinakapinong buhangin, at pinakamalinaw na tubig! At, walang mga dayuhan sa paningin para sa isang pagbabago.
Talagang inaalagaan ng mga lokal ang dagat at lalong lao na dalampasigan kaya tiyak na walang bahid-dungis. Sa katunayan, wala kaming namataang basura sa paligid.
Ang kumbinasyon ng tabing-dagat, malinaw na asul na tubig at isang kaibig-ibig asul na kalangitan ay perpektong destinasyon ngayong tag-init sa kabila ng pandemya.
Napatunayan kong, “It’s More Fun in the Philippines!” Samakatuwid, Go CamNorte na! Where the #Excitement Begins



















