The Last Daughter of Gaia - Chapter 6 (on Wattpad) https://my.w.tt/8hlF2t034W Pagkatapos ng limang daang pagkahimlay, muling nabuhay si Darrah sa tulong ng isang cryosurgeon. Pero sa malas ay sinalakay ng mga taga-Coerruleus ang Gaia o Earth. Dahil dito ay siya ang tanging natitira sa buong mundo. Pangalawang malas ay nabihag siya ng mga Coerrulean at mukhang paglalaruan lang siya ng prinsipe ng mga ito. Pero anong magagawa niya? Wala siyang takas kay Prinsipe Zue'rb kahit na magda-drama pa siya o kaya ay alukin itong patayin na siya dahil ayaw namang gawin iyon ng lalaki. Sa pagdaan naman ng mga araw ay lumitaw ang pangatlong malas niya-napapaibig na siya sa kaaway na prinsipe na siyang kumitil sa lahat ng buhay ng mga tao sa mundo. Dapat ay labanan niya ito hangga't kaya niya-hangga't hindi pa siya nito maisasama sa planeta nitong Coerruleus. Malay niya ba kung ano ang mangyayari sa kanya doon... kaya kailangan niya ang tulong ng isang batang cyborg at ng binuhay nitong isang lalaki, si Denver na isang cryogenicist.












