Ang Pagkamatay ng Ating Wika
Akda ni: BAQUIANO David.D
Alam mo ba? na ang ating pambansang Wika ay pinpatay ng ating sariling bayan ng paunti-unti, Ayon sa sa dokumentaryo ng GMA na ang pinaka huling desisyon ng Korte Suprema tinangal na sa kurikulum ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan dahil mahal ito ng marami sabi nila parang pagpatay daw ito sa pag papahalaga saating pagka Filipino ang isyu daw sa desisyon na ito ay kung dapat ba or tama ba ang itong pinapatupad. Aton din sa CHED Order number S.2013 hindi na kailangan kunin ng mga kolehiyong mag-aaral ang mga paksang Filipino at Panitikan. Dahil meron daw pagtalakay ng CHED pati ng DEPED na ang idad ng unang at ikalawang taon ng kolehiyo ay nasa idad ng labing-isa at labing-dalawa ng Senior high para kapag dumating sila sa kolehiyo sila ay handa.
Komunikasyon ang ginagamit natin sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng mga mamamayang pilipino dahil ito ang nagbubuklod saatin. Ngunit bakit nais tanggalin ang asignaturang filipino nang tuluyan sa paaralan?
Hindi natin maiwasang isipin na ang pag tanggal ng asignaturang filipino sa kolehiyo ay isang uri ng kolonyalismo na itinatago sa pamamagitan ng edukasyon.
Ang isyu ng pagtanggal ng Filipino ay nagiging manipestasyon ng kolonyal na katangian ng ating edukasyon na naglalayong pagsilbihan ang mga dayuhan. Sa mga nagdaang taon, hindi na rin mabilang ang mga naipatupad na panandaan sa balangkas ng edukasyon. Ang mga ito ay mas pinapaigting ang layuning pagsilbihan ang interest ng mga dayuhan at naghaharing-uri. Ang nakakalaugmok na resulta nito ay ang paghulma sa mga mangmang at sunud-sunurang kabataan. Magiging malaking suliranin ito dahil hindi lamang mawawalan ng oportunidad ang mga mag-aaral na matuklasan at mahalin ang wikang sariling atin; marami ring guro ang mawawalan ng trabaho dahil dito.
Napaka halaga ng kaalaman ukol sa sariling wika para mapreserba ito. Ang wikang ginagamit ng mga ordinaryong mamamayan ay ang wikang siya ring dapat inaaral at dinadalubhasa.Katulad ng naganap sa ating kasaysayan kung saan ipinaglaban ng ating mga bayani ang kalayaan, Oras na para ipagtanggol naman ng bagong henerasyon ang ating wika at bayan.













