HELLO TUMBLR WORLD after over 2 years my damn tumblr finally isn't marked as explicit anymore i’m finally free from that fucking curse thabk GOD we’re back in business babey
YOU ARE THE REASON
trying on a metaphor
TVSTRANGERTHINGS
ojovivo

roma★
Monterey Bay Aquarium
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
No title available
I'd rather be in outer space 🛸
d e v o n
Misplaced Lens Cap

tannertan36

Kaledo Art

Product Placement

#extradirty
Claire Keane

Discoholic 🪩

ellievsbear
No title available
h

seen from Hungary
seen from Germany

seen from Canada

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Philippines
seen from Russia

seen from Kuwait
seen from Germany

seen from Hungary

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Russia
seen from Australia
seen from China

seen from United States
seen from Brazil

seen from India

seen from Singapore
seen from Netherlands
@deadsnainside
HELLO TUMBLR WORLD after over 2 years my damn tumblr finally isn't marked as explicit anymore i’m finally free from that fucking curse thabk GOD we’re back in business babey
palaging ikaw ang nandiyan para sa kanila pero walang nandiyan para sa’yo
so mejo nagkakausap kami ng crush ko lately at inis na inis ako sa kanya kasi ang tawag niya sakin ay 'men' na tawag ko sa mga tropa kong lalaki. nakakainis kasi bakit 'men'??!? feeling tropa ko amputa. masyado akong pinapangunahan pagdating sa lugar niya sa buhay ko eh pwede naman siya lumugar bilang jowa ko ayie (sige na jowain mo na aq pls) tsaka pwede namang 'baby' ang itawag sakin o kaya 'love' or 'mahal' hindi naman ako magrereklamo kahit nga 'khuletz qoh' ayos lang sakin eh kainis ka naman crush hmpkkk
MISS U SOBRA
MISS KITA TOO HOPE U'RE DOING WELL!!!
ganito talaga siguro kapag pinagmumukha ka laging may kasalanan ng mga taong nakapaligid sa'yo eh sorry ka nang sorry kahit alam mong wala kang ginagawang masama ultimo maliliit na bagay ihinihingi mo ng tawad kahit hindi naman dapat kasi pakiramdam mo kasalanan mo kapag hindi umayon ang isang bagay sa dapat na mangyari o dapat niyang kalagyan lmao di ko alam kung gets niyo at kung naranasan niyo na yung ganitong pakiramdam pero ayun basta ewan ko ba sobrang weird haha sorry
tara inuman tayo pero ang iinumin ay mga tinunaw na maling desisyon sa buhay tapos walang chaser para mas solid at gumuguhit sa lalamunan kasi mahirap lunukin ang katotohanang marami kang bagay na nasayang ngayon dahil sa mga pagkakamali mo noon lmao ano pre g?
ok so bale ganito uhm malungkot ako tapos dadating ka sa buhay ko pero hindi mo kakayanin i-handle yung kalungkutan ko kaya iiwanan mo ako pero babalik-balik ka kahit itinataboy na kita palayo tapos pipilitin mong pumasok ulit sa buhay ko at sasabihin ang mga bagay na makakapagpahulog ulit ng loob ko sa'yo kahit sa huli ay iiwan mo lang ulit ako at ipapamukha sa akin na kasalanan ko kung bakit malungkot ang buhay ko at kung bakit ako ganito kasi isa akong mahinang tao in short sisirain mo lalo ang mental state ko hehe ayos ba yon ha?
henlo buhay pa ako wew story time muna kasi tawang tawa ako kanina sa sobrang kalasingan ko hindi ko na alam pinaggagagawa ko pauwi amp thanks nga pala kay kuya na di ko kilala na umalalay at pumara ng taxi para sakin after ko magsuka kaso tangina binaba ako nung driver kasi lasing daw ako at baka sukahan ko taxi niya so bumaba nalang ang ate mo girl tas edi sumakay nalang ako ng jeep sabi ko sa quiapo ako ibaba tas okay daw edi umidlip muna ako kasi tangina hilong hilo na ako nun pota tas bigla ako naalimpungatan kasi may bumaba na pasahero tas hindi ko alam kung baket pero bumaba din ako amp pagtingin ko sa paligid nasa city hall palang ako shet kaya wala umupo nalang ako sa gilid ng kalsada taena gusto ko na dun matulog sa 22o lang cyst napakatagal ko dun may mga lumalapit na sakin kaya natakot na ako edi sumakay naman ako ng fx sabi ko pababa nalang po sa cubao or anonas please tas taena sabi nung mga tao pa fairview daw yun gago ahahahahahaha sabi ko nalang ibaba ako kung san pwede makasakay pacubao tas (ok hinga ka muna ikaw na nagbabasa) taena may bumaba bandang españa pa yata yon o rotonda basta di ko sure kung saan pero bumaba din ako hindi ko din alam kung bakit ahahahahahhahah bobo amputa buti di ako iniwan nung driver don kaya pinasakay niya ulit ako jusq nakakahiya sa ibang pasahero pero la na akong pake gustong gusto ko nang umuwi gago edi ayon nakatulog ulit ako tas binaba niya na ako at feeling ko sa qc circle yon kalayaan siguro idk udk no one knows basta nakaupo lang ako sa kalsada nagaantay ng jeep eh wala akong salamin so hindi ko mabasa kung san papunta yung mga jeep tas sa sobrang tagal ko nakaupo lang don bigla ko naalala may grab nga pala ako sa phone ang bobo ko amp hindi nalang ako nagbook pauwi eh kaso magbbook na sana ako naalala ko ulit patay na nga pala phone ko ahahahahah bobo talaga shet kaya pumara nalang ulit ako ng taxi buti mabait yung driver pinasakay ako tas ginigilid niya pa taxi niya para daw sumuka muna ako amp so suka nalang ako kunyari kahit la nalabas lmao sabi niya eh ahahahahahah thanks kuya ang bait mo wag mo na ako suklian tas ayon hindi ko na alam kung paano ko naituro yung way pauwi at kung magkano ibinayad ko basta bumaba na agad ako kasi ang iniisip ko nalang non ay makapaghubad, makahiga, at makatulog the end
ang layo pa ng pagiinuman ko puta pero hindi parin ako nakabihis tapos 10% nalang phone ko anuna ha
idk sobrang saya ko tangina ahahaha narealize ko na sobrang selfish ko these past few months kasi wala akong ibang inisip kung hindi tapusin na lang lahat ng natitira sa akin kasi putangina nga ng buhay ko diba at nakakapagod na din magpanggap pero shet thankful ako sa mga tropa ko at sa pamilya ko na walang sawang nagpapakita sa akin kung gaano kaganda ang buhay at salamat sa pagtanggap at pagiintindi sa akin sa kabila ng lahat ng pagkakamali ko at mga kagaguhan ko grabe guys ang sarap pala sa feeling ng magbreakdown sa harap ng mga taong pinagkakatiwaalan mo at alam mong nandiyan para sayo sobrang nakakawala ng pasanin tbh salamat sa pagpaparamdam sa akin na lahat ng bagay ay magiging maayos din, hindi man ngayon, pero unti-unti sa hindi mo inaasahang panahon tangina salamat talaga sa inyo naiinis ako sa sarili ko habang iniisip ko mga kagaguhan ko nitong mga nakaraan hindi ko man lang naisip yung mararamdaman niyo kung tinuloy ko yung mga makasariling desisyon ko noon ewan ko mahal na mahal ko kayong lahat sana alam niyo yon tsaka pasensya narin sa mga iniwasan ko nitong mga nakalipas na buwan minsan talaga mali ang mga desisyon ko sa buhay at nawawalan ako ng pake sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko lalo na sa mga nagmamahal sa akin sorry din sa mga bago kong nakilala sorry sa pagiging bobo ko mahal ko din kayo sana maging kaibigan ko kayo tas laplapan tayo pag may time ayie ahahaha natutunan ko i-appreciate lahat kahit maliliit na bagay at ayon everything is just a matter of perspective tandaan niyo yan ha tangina niyong lahat ang sarap mabuhay gago
hello
gago sa sobrang desperate kong magkaroon ng kasama sa fete indie bukas naghanap ako sa tinder huhu gulat ako dami nag pm sa tele ko kasi 2 days ko nang bio ‘to kaso naisip ko bigla tama bang mag sama nanaman ako ng hindi ko kaclose?? baka matulad nanaman dati nung naghanap ako ng kasama manood ng siargao sa cinema ‘76 ahahahah ang ending sobrang awkward namin dalawa sa buong pagkikita namin tangina nakaubos kami pareho ng tig isang kahang yosi eh almost 8hrs lang kami magkasama non ahahahahah baka hindi ako mag-enjoy bukas kasi imbis manood ako, buong gig lang ako mag-iisip kung kumportable ba sakin yung kasama ko o kung nagsisisi na ba siya na sinamahan niya ako haixt
sabi mo sakin noon kapag nagkasakit ulit ako babantayan mo nako at hindi mo ako pababayaan hangga't hindi bumubuti yung pakiramdam ko tapos sabi mo din sakin "ako ang gamot mo, hug lang kita mawawala na yung sakit mo" tangina cancer na sakit ko san na hug mo gago
payong
"hindi ako mahilig magdala ng payong," sabi ko sa'yo noon. totoo naman dahil tingin ko nakakadagdag lang 'yon ng bigat sa bag. "ang hassle kasi eh." dagdag ko na lamang. "ayos lang, maswerte ka kasi may payong akong laging dala." bawi mo.
maliit man ang payong na dala mo, naaalala ko kung paano mo ako payungan sa takot na baka mabasa ako o mainitan. naaalala ko kung paano tayo magsiksikan sa ilalim nito, hindi inaalintana ang mga ampyas ng ulan o ang init ng araw na tumatama sa ating balat basta't magkasama tayo.
ngunit isang araw, nakalimutan mong dalhin ang payong mo. malakas ang ulan, pareho tayong walang masilungan. "dapat kasi palagi ka din nagdadala ng payong, hindi sa lahat ng oras magkasama tayo" sabi mo nang may halong inis. "paano nalang kapag wala ako?" gusto ko sanang sabihin na ayos lang sa akin ang mabasa pero inunahan mo ako at sinabi mo, "ayaw kong magkasakit ka."
dahil sa sinabi mo, sinubukan kong hindi kalimutang magdala ng payong araw-araw. hinihiling na makalimutan mo ulit ang payong mo para sa akin ka naman susukob kung biglang umulan o maski man umaraw.
"hindi ako mahilig magdala ng payong." sabi ko sa'yo noon. nakakatawa dahil walang araw ko nang kinalimutan ang pagdadala nito ngayon. tama ka pa nga yata noong sinabi mong maswerte ako, natupad rin kasi yung hiniling ko na makalimutan mo laging magdala ng payong. tamang-tama, matutuwa ka siguro sa akin ngayon dahil sakaling umulan man ay may masisilungan na tayo. sa wakas ay makikita ko na rin ang saysay at importansya ng araw-araw kong pagdadala ng payong.
pero mali ka, hindi pala ako maswerte. sana sa tuwing malakas ang buhos ng ulan o matindi ang sikat ng araw maalala mo parin ang sinabi ko sa'yo noon na hindi ako mahilig magdala ng payong. nakakadagdag lang kasi 'yon ng bigat sa bag. hindi ko naman alam na makakadagdag din pala 'yon ng bigat sa damdamin. wala nga yatang saysay ang payong ko kapag araw-araw ko pang dinala, lalo na ngayong nakikisukob ka na sa iba.
kung sa tingin mo'y ako ang kumot na magbibigay ng init sa'yo sa malamig mong tag-ulan, nagkakamali ka, dahil ako ang namumuong bagyo na pipinsala sa lahat at sa'yo sa oras na dumaan ako.
sino ba naman ikaw para hayaan ang sarili mong patuloy na sirain ng taong nagsisilbing hagdan pababa sa sarili mong libingan?
Baka kaya wala pang nakakakita sayo kasi matagal ka nang nahanap, itinatanggi mo lang sa sarili mo. Kasi wala nang maghahanap sa isang bagay na natagpuan na.