Manakawan na ko ng pera, wag lang ng mapapangasawa :)

No title available

Discoholic 🪩
Sade Olutola
Game of Thrones Daily
official daine visual archive
No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
d e v o n
Mike Driver
Monterey Bay Aquarium
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Interview Vampire Daily
almost home
Lint Roller? I Barely Know Her
art blog(derogatory)

tannertan36

Game Changer & Make Some Noise
Cosimo Galluzzi

Jar Jar Binks Fan Club

shark vs the universe
seen from Bangladesh
seen from Brazil
seen from Laos
seen from United States
seen from Türkiye
seen from United Kingdom

seen from Chile
seen from Chile
seen from United Kingdom

seen from South Korea
seen from Belgium
seen from Bangladesh

seen from South Korea

seen from South Africa
seen from Argentina

seen from United Kingdom

seen from Türkiye

seen from United States

seen from South Korea
seen from Malaysia
@dianecamille
Manakawan na ko ng pera, wag lang ng mapapangasawa :)
"Baka naiinlove ka na sakin ah?!" Tanong ko sayo when I started to feel that you became more protective, sweet and caring. Sabi nga ni kenji gangster "wag mong pangunahan lahat, hayaan mong mangyari. Wag kang magrason. Tumaya ka nlang. At maging matapang ka" And I did. We did. We let everything happen. And I have no regrets. "Tayo ay isang case ng good timing". Hindi ako magsasawa at mapapagod na pangitiin ka araw araw. I love you! Happy silver monthsary :)
Kapag ako'y galit, ganito ang naiisip
Minsan mag-isa Ako'y napaisip sinta Ikaw nga ba'y mahal ko talaga? Ako'y mahal mo rin ba? Katulad sa meeting kanina Ang nais iparating nila Ang pagmamahalan natin ay pangangailangan ba? O kagustuhan lang nating dalawa? Ako'y napaisip lamang sinta Hindi sa pinagdududahan kita O ang nararamdaman ko sa twina Biglaan lang talagang napaisip O sadya lang akong badtrip? O di kaya'y sadyang inis lang ako? Kaya napapaisip ng ganito Pasensya ka na irog ko Di ko talaga mapigilan ang sarili ko Biglaang aya ng barkada Ako'y iniwan mo na Kunwari nagpaalam pa Yun naman pala'y nakaalis na Pagkaing pangsorpresa Inubos kong mag-isa Pero habang binabaybay ko Ang daan pauwi sa bahay ko Aking napagtanto Sa kabila ng inis at sentimyento Sa isip at puso ko Ikaw pa rin ang laman nito Wala akong pakialam sa ibang tao Di ka mawaglit kahit isang segundo Iniisip ko na lang pagtapos ng gabing 'to Lilipas din ang tampo ko...
Bilog na pasyalan
Isang gabi naisipan Nitong magkasintahan Nahumanap ng kalayaan At kanilang napagpasyahan Pumunta sa bilog na pasyalan Miyerkules ng gabi Sila'y sumalisi Sinulit ang bawat sandali Bawal magpahuli Unang naglakad ng malaya Unang lumabas ng maginhawa Malayo sa mga mata Ng mga taong mapanghusga Sinulit ang gabi Magdamag magkatabi Nagpalitan ng kwentong sari-sari Puno ng ngiti sa mga labi Umuwing walang pagsidlan ang saya Tinapos ang gabi ng magkasama Bukas ay panibagong umaga Para sa pag-iibigang itinatago sa madla
Ang pinagmulan
Simpleng batian sa kanyang kaarawan Ang di malilimutang pinagmulan Ng aming magandang pagkakaibigan Mula sa palitan ng mensahe Kung minsan ay debate Hanggang sa pag-uwi At paglabas sa gabi Ang pag-ibig nga raw namin ay parang jet Kay bilis tinamaan Kasabay ng hanging nagdaan Puso namin ay nagkatagpuan Sa mabilis na sandali lamang Parang jet na nagdaan Nag-iwan ng palatandaan Tumatak sa aming puso at isipan Ang pag-ibig nagpaiwan Lumikha ng pagmamahalang di matatawaran Nagdulot ng kaligayahan Sa puso't isipan At pag-ibig na di mapapantayan At ang pagkakaibigan, Nauwi sa pagmamahalan Nawa'y matuloy sa simbahan Kulitan, tawanan, kwentuhan, asaran, kindatan at ngitian Yan ang aming pinagmulan
Sinayang na pagkakataon
Sabi mo ang pangit ng pinili nya Sino ka para manghusga? Nakita mo ba ang kinang sa kanilang mga mata? Ang saya na nailagay nya sa labi ng iba? Dahil ba ngayon hindi ikaw ang kapiling nya? Kasalanan ba ng iba kung pinakawalan mo ang pagkakataong meron ka? Pero isinantabi mo sya Ang sabi mo babalik ka Pero walang kasiguraduhan ang iyong mga salita Ngayong kapiling nya'y iba na At iba ang nagpapaligaya at nag-aalaga Kung di ka magiging masaya, tumahimik ka na lang kaya At tanggaping baka di kayo para sa isa't isa -sa customer na binalikan ang item na gusto pero nabili na ng iba
Wag magmadali. Sulitin ang bawat sandali.
Ang lamig ng panahon ngayon. May bagyo. Walang pasok sa school.Sarap magkape. Makaulayaw ang kama maghapon. Kaso..kaso.. di na ko estudyante. Naalala ko noon, kapag ganitong panahon. Wala akong ibang ginawa kundi kumain at matulog. Eskwela at paminsan minsang lakwatsa ang buhay ko noon. Paminsan kinakapos pero di ko alintana. Katwiran ko kasi mga magulang ko ang bahala. Maraming bagay na bawal noong nag-aaral pa ako. Bawal umuwi ng gabi. Bawal maglakwatsa kahit pa may ipon ka ng pera galing sa allowance mo. Bawal ang boyfriend. Bawal pumunta ng mall ng barkada ang kasama. Bawal makipaginuman. Bawal sumama sa mga outing. Kapag di naniniwala na may pasok talaga sasabihin pang ihahatid ka para malaman kung totoo talagang may pasok ka. Laging naghihinala kapag nagpapaalam ka na gagawa ng project sa bahay ng classmate. Magagalit ka pa at mangongonsensya na babagsak ka kapag di ka nagpunta. Sa dami ng bawal lagi kong hinihiling na sana makatapos na ko. At sana magkatrabaho na ko. Para magawa ko na lahat ng gusto ko. Wala ng bawal dahil kumikita na ko. Paglipas ng taon, nakatapos ako at nakapagtrabaho. Ngayon, mas mahirap pala ang buhay. Ikaw na ang bubuhay sa sarili mo. Dati kapag ihahatid ako ng tatay ko sa school ayaw ko, ngayon nagmamakaawa pa kong ihatid ako sa opisina dahil bawal malate. Ngayon, pwede ka ng gumimik. Yun ay kung kakasya sa allowance mo at kaya ng oras mo. Ngayon, pwede ka ng magboyfriend. Pero siguraduhin mong hindi ikaw ang bubuhay sa kanya. Ngayon, pwede ka ng magout of town. Yun eh kung kaya ng budget mo. At ngayon ako na ang bahala sa sarili mo. Reaponsibilidad mo na ang sarili ko. Tapos na ang obligasyon ng magulang ko sa akin. Kumbaga sa sanggol, tapos na kong maggabay. Nakakalakad na ko. At ang bawat hakbang ng mga paa ko ay responsibilidad ko na. Ngayon kapag ganitong panahon nababahala na ko. Dahil siguradong may pasok at dapat pumasok kahit mahirap pumasok. Alam kong marami ng nakapagsulat ng ganitong paksa. Ganitong pananaw. Pero maniwala kayo, sa ngayon bigla kong gustong bumalik sa ganung panahon. Na wala kang ibang iisipin kundi mag-aral lang. Yung mga araw na hindi kumplikado ang lahat. Mga araw na wala lang poproblemahin kundi ang mga assignments, projects at exams na sigurado ang sagot. Kelangan mo lang pag-aralan. Kaya payo ko sayo, wag kang magmadali. Lahat ng bagay ay darating sayo sa tamang oras. Lahat ng pagkakataon ay mararating mo sa takdang panahon. Sa ngayon, sulitin ang bawat sandali. Dagdagan mo pa ng ngiti. Para kapag dumating ka sa panahong kagaya nito. Masasabi mong sulit ang mga panahong pinagdaanan mo.
Baliktanaw baliktawanan
Bibihira to kaya alam nyo na.. Masunurin ang katawan ko.. ayaw ng maalala ang mga kagaguhang pinaggggawa natin nun tulad ng... *pagpapakopya sa accounting na akala ko seatwork lang. Ayun kalahati ng perfect ang grade ko.. 45.. tig 45kami ni Arjo Cagatin. Lugi pa kami ng 5 hahaha *ang pagtatakehome ng finals nyo sa accounting.. tig 3 bawat araw. *ang 5 maghahati sa 8oz na softdrinks kasi mahal *ang sumali ang kalahati ng klase sa swimming class..dahil yun ang pinakamasayang special class *ang tumawa ng malakas dahil sa epic na linyang "sino kausap mo? Mga maliliit na tao" *ang mga linyang "ikaw ba'y bingi? *ang feeling mall na school na kapag ipapatawag sa guidance eh inaannounce sa buong school *ang mga tuwang tuwa kapag feb na..at kapag interschool competition *ang mga nagsapakan at inawat ng nagmamadaling buntis na teacher sa biology *ang pinaghiwalay na lalake't babae dahil pinagalitan ng adviser *ang iyakan sa loob ng room dahil 2nd place lang sa basketball *ang mga nakickout pagraduate na *at nakaaway ang admin dahil sa graduation fee *ang mga nagprotesta dahil sa maling computation ng grades *ang nagprotestang teacher na nanay dahil di mabantayan ang kalaban ng anak.. *ang mga kumamping teacher (salamat po) *ang epic na js prom na inabot ng umaga may nagsasayaw pa *ang walang kamatayang cheering dahil sa napakagaling na volleyball player.. *at walang hanggang pagtatago nh mga magssyota dahil bawal sa school *at ang kopyahan sa klase *abg homework na ginagawang seatwork dahil sa klase ginagawa.. *ang kaklaseng inaasar na mangkukulam dahil may sinusulat sa dahon ng saging *ang babaeng laging lukot ang papel dahil oa na ayaw magpakopya.. super takip *ang walang hanggang paghingi ng papel.. papel ng isa papel ng buong klase *at ang batuhan ng papel kapag nakakaantok ang klase *ang mga may loyalty award..at acting award *ang mga swimmer *player,gymnast,writer *ang mga silent killer (ang baho ng utot) *ang mga mahilig pumalatak sa armchair at magpatugtog ng westlife *ang mga make up artist *ang mga buraot *ang mga matakaw *ang mga maraming baon *at mga baboy na nagpalabas ng kamandag sa armchair *ang mga mayayabang gumawa ng kagaguhan mukhang mga pinitpit na luya pag pinagalitan *ang mga walang ballpen *at worksheets *at ang pagkakaibigang nabuo nasira at nabuong muli.. Bwisit kayong lahat.. nakakamiss :)
Lawiswis Kawayan Resort and Spa
“Serene and peaceful hideaway” We were looking for a place to relax away from the stress of the city to celebrate our anniversary and we found this resort in the internet. The pictures posted looks good plus they offered massage services so we decided to choose this over the other. After inquiring, they send us their proposal including the package rates and the map. We were quite impressed because their check in time fits our sched. Not the typical 2pm check in 12nn check out. They allow us to check in 6pm and check out at 5pm the following day with the same rate. We avail the couples package for 3000 pesos. That includes accomodation, welcome drinks, complimentary breakfast and massage for 2. Upon arrival, we were welcomed by Ms. Connie and Ms. Berni. Hands up for their accomodating and kind staff. Our room was ready when we arrived. It was neat and cozy. It was so quiet for they only have 3 groups that night. 2couples including us and a group of 10. We were very relax. The place was very peaceful. We didnt even notice that it was raining the whole night because the roof of the rooms were made of nipa. We had a very goodnight sleep. We woke up early the following day and enjoyed the view of fresh green carabao grass covering the garden. The chirping birds and fresh air. They allow us to have our breakfast outside our room and enjoyed the view more. After some picture taking and walking, they gave us our complimentary massage which we can upgrade to whatever services they offer. You will just pay additional amount.It was very relaxing and they made it worth the pay. We are very relaxed and spoiled during our stay. A must try resort if you want to have peace of mind. There is no wifi in the area. Maybe it is intended not to have one to enjoy the stay more. Nevertheless, it was worth the time and money.