- Noong unang panahon ay ginagamit ng mga ninuno natin ang biyas ng kawayan, dahol ng palaspas at balat ng punong kahoy bilang papel at dulo ng matutulis na bakal naman ang kanilang panulat.
- Baybayin o alibata naman ang tawag sa katutubong paraan ng pagsusulat ng mga ninuno natin bago sakupin ng mga dayuhan ang ating bansa. binubuo ng labingpitong titik, 3 patinig, labing-apat na katinig.
- Ang kavi na paraan ng pagsulat ng mga java ay ang inspirasyon upang mabuo ang alibata o baybayin.
- Ginamit ito noong ika-14 siglo hanggang ika-19 siglo.
- Ang paraan ng pagsalin ng panitikan noon ay pasalin- dila, bihira lamang na isulat ang mga panitikan.
- Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan sitwasyon o sa pormang patalinhaga.
Fajutag, V. (2017, September 24). Wika sa Panahon ng Katutubo [Video]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=I-MgZDa_rjw
Javier, C. (2010). Panitikang Pilipino Noog Panahon ng Katutubo at panahon ng pananakop ng Kastila [PowerPoint slides]. Retrieved from https://pt.slideshare.net/christinejjavier/panitikang-pilipino-noong-panahon-ng-katutubo-at-panahon-ng-panankop-ng-kastila-5240707/2
Katutubong Panitikan. (2015, April 17). Retrieved from https://katutubongpanitikan101.wordpress.com/2015/04/17/katutubong-panitikan-2/