Kagaya ng isang bulaklak, sumibol muli ang kakayahang magmahal. Pinagtibay mo ang paniniwala, ang kakayahang umasa at magtiwala sa bawat milagro at dasal. Ikaw, ang nagbigay ng mas malalim na pakahulugan sa liwanag, kaligayahan, at pag-asang pinadarama ng kulay dilaw. Ang bawat paglaban mo, at paghinga sa dibdib ko, ang nagturo sa akin sa kung paano patuloy na lumaban, at sa kung paano mas maging matibay ng dahil sa pagmamahal.. Ang unang pagtulog mo sa dibdib ko ng mapayapa, ang nagturo sa akin sa kung paano unti-unting palayain ang sarili sa sakit.. Hindi man madaling tanggapin na yun na rin ang huli, pangakong palaging aalalahanin at dadamahin ko ito upang patuloy na maghilom.. Bukas, isang linggo na ang nakakalipas... Paalam, patawad, Tiny Miracle, aking Bulinggit.. Mahal na mahal kita. Mananatiling ikaw, ang dilaw na bulaklak ko dito sa lupa. https://www.instagram.com/p/CeOCi4Irrmld3KM7ePUuF0QIlSh_KCHprFM_xA0/?igshid=NGJjMDIxMWI=










