"Find a beautiful place and get lost." ๐

No title available

tannertan36
๐ชผ

Origami Around
Noah Kahan

@theartofmadeline
Cosmic Funnies
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

JVL
Peter Solarz

oozey mess

romaโ

โ
untitled

pixel skylines
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
he wasn't even looking at me and he found me
d e v o n
wallacepolsom
Aqua Utopia๏ฝๆตทใฎๅบใง่จๆถใ็ดกใ

seen from Germany
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Italy

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States

seen from Singapore
seen from United States

seen from Tรผrkiye

seen from United States
seen from Italy
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Japan
@donnabernardino
"Find a beautiful place and get lost." ๐
Silยทhouยทette is ๐๐๐ Mixed of light & dark contrast ๐
4th of our 14th ๐๐๐
September 16, 2018 at Luljettaโs Hanging Gardens Spa
Together is a beautiful place to be.
Madami kaming choices sana since Anniversary naman at yearly travel goals talaga ang peg namin... at least once a year... go to a place youโve never been before. and for us sa Anniversary namin ang best time.
ย At dahil naubos na din lahat ng RO ko nung umuwi sila kuya and Chai, nagdecide na lang kami ng something simple lang. Due to lack of time and money nga (tipid mode hahah) pumili na lang kami ng place kung saan kami makakapag relax, kung saan maganda, tahimik, malapit lang, and at the same time hindi pa namin napupuntahan.
So...ayan na nga.. :) Luckily, konti lang ang tao (kahit na Sunday, siguro dahil rainy season) at madalas namin ma-solo ang place. :) Bonus na lang na sobrang picture perfect ng place! sobrang ganda ng view at ng style! 10/10. :)
Dami namin quality time.. nag relax lang talaga kami at nag bonding. Sobrang perfect lang ng napili naming celebration kasi kahit 1 day lang nakawala kami sa stress at pagod ng work.
#BokDonnaSweetEscape #4thAnnivCeleb
It doesn't have to be perfect to be wonderful ๐ #selflovefirst
4 fruitful weeks
Aug 12 - Sept 8, 2018
Almost 3 years ang inantay namin na makasama namin sila ulit at mabuo kaming pamilya. Kaya ganto na lang ako kasabik na makita sila muli. :) Salamat sa Dyos!
Napaka iksi ng 4 na linggo pero sinubukan namin na maging mahalaga ang bawat segundo na mag kakasama kami.
Kung pwede lang mag leave ng isang bwan sa trabaho para mabigay ko ang buong oras ko para sulitin na makasama sila.ย
Naging kahati man ng trabaho ko ang panahon ko sa kanila, sinigurado ko naman na pag katapos mag endorse ay diretcho uwi na ako, madami na din akong tinanggihang yaya ng mga kasamahan ko para lang maka diretcho bahay na at makita ulit sila. Pinili ko na nga sana wag sumama sa outing ng aming 3a station pero sadyang nakonsensya ako at naisingit ko pa din kahit wala na akong naging tulog para lang din makapag duty pa. Sobrang hirap mag singit ng personal mong oras pag ikaw ay isang alipin ng iyong trabaho. :( Nananalangin din akong madalas na wag muna sana akong mag straight sa trabaho dahil kakainin nanaman neto ang oras ko. โpls...wag ngayonโ.. yun yung lagi kong dasal. :)
August 13, 2018 at Bon Chon SM Taytay
Una naming labas, kahit na 10pm-6am pa ang pasok ko ng mismong araw, Okay lang saakin ang walang tulog basta mas mahalaga sakin ang quality time. halos lahat ng night duties ko ng panahong umuwi sila ay wala akong tulog dahil mas pinipili ko ang makabonding sila at lumabas kesa matulog sa bahay at magpahinga.
Nung nasa UK pa si Chai may mga bucket list na siyang mga kakainan pag balik niya ng Pinas, kaya eto ang #1 sa bucket list niya. :) #checked
August 15, 2018 at Yakimix, SM Masinag
Idea ko ito!. :) gusto ko sila itreat sa Yakimix kasi isa din ito sa bucket list sa mga kakainan ni Chai, and wala nito sa UK. :) isa pa gusto ko din matry ni Papa kasi ayaw niyang bumabyahe ng malayo para lang kumain kaya first time ito na medyo malayo na to sakanya. :)
PS: From night duty ako ulit kaya tiis tiis ang antok at puyat. :)
Sobrang saya ko naman na buo ulit pamilya ko. :) #forthefirsttimeinforeveragain
August 17, 2018 at Tokyo Tokyo SM Taytay
One of our bondings puro grocery lang sa SM Taytay, si kuya mahilig bumili ng groceries at pagkain kaya never kaming ginutom sa buong bakasyon nila. :) Yung usually pag may duty ako hindi na ako sumasama sa mga grocery nila Mama pero nitong mga panahon na ito, from duty man or wala pang tulog basta may lakad sasama ako! :) hindi pwedeng hindi! hahaha
Another bucket list ulit ni chai. #checked
Most important girls in my life <3
August 18, 2018
Birthday ng pinaka masarap mag luto at pinaka generous naming kapit bahay. :) Birthday ni Malou. :) Bongga ang celebration! at syempre kumpleto ulit kami. :)
August 19, 2018 at Enchanted Kingdom
Nirequest off ko to! :) Muntik na ngang hindi matuloy kasi umaga pa lang umuulan na, pero pinilit na lang din kasi sayang naman dahil bawat araw na lumilipas ay mahalaga. <3 happiest girl in the world si Chai. :) Favorite place niya daw in the world ay mga amusement parks :)
Sobrang quality at sulit lang ng araw na ito. One of the best moments! :)
August 26, 2018 at Venice Grand Canal Mall, McKinley Hills, Taguig City
Capistrano semi reunion dahil may pa mini surpise sila kila Kuya and Chai. :) Kaya bago mag punta sa venue kila Tita Evy, dumaan muna kaming Venice dahil special request din ni Mama maka punta dito. :) Well, ang ganda! :)
โil mio amoreโ <3
At Acacia Estates Taguig City
Thank you Capistrano Family sobrang sweet niyo!. <3
Bonding, swimming, kwentuhan, foodtrip..... eto ang mga panahong sana hindi matapos. sana forever... sana ganto na lang kami... pwede ba? <3
โI am so blessed that we are sisters.โ <3
โFriends are come and go but sisters are forever.โ <3
โSisters are joined heart to heart.โ <3
Thank you for always being with us.
August 27, 2018 at Chowking SM East
Bucket list ulit ni Chai :) hahaha pero ang pinunta talaga namin dito ay para manuod ng Miss Granny.ย
PS: night duty ulit ako today, tiis tiss :) hahaha #WalangTulog
Done watching Miss Granny then Starbucks after. <3
Ang sexy naman ng little sis ko hahah :p
August 29, 2018 at Ace Water Spa
Naipilit lang na Ace water spa dahil saktong off ko, biglang yaya lang kaya epic fail pa ako sa pag bili ng ticket sa Metrodeal. Kami lang nag Ace water spa then sila kuya ay nag pa massage na lang... mas bet daw nila yun. :)
September 2, 2018 at Bag of Beans, Tagaytay
#CousinsTime #CousinsBond
Waaaaaahh!!! oh no!!!! September na agad! bakit ang bilis?.... eto yung mga panahong pinag dadasal ko na sana bumagal ang oras...sana po bumagal, sana po bumagal pa...pero ang bilis pa din. :(
Brunch here sa overpriced na restaurant na ito, masarap siya pero overpriced talaga, like 500 isang meal...ganern! hahaha
Libre sakin ni Chai ito kaya pinag mamalaki ko...hahahaha :)
Family time and Bebe time at the same time :)
At Caleruega Church
Trekking pala ito, early pinetensya. hahaha pero ganda ng church! :) #DreamWeddingChurch :)
โLive for the moments you canโt put into words.โ
Picture perfect. <3 #dreamchurch
At Puzzle Mansion
Amazing hobby ni Gina na kapit bahay daw namin dati sa 1st gate. :) hahah #cool
โIt's always the small pieces that make the big picture.โ
โEvery work of art belongs to his time.โ #MonaLisa
Dinner time! First thing na pagkain na papasok sa utak mo pag sinabing Tagaytay ay BULALO! :) hahaha
Once again Thank you Capistano Family specially cousins na nag plano at nag spend ng whole day nila para itour at maka bonding kami. :) The best kayo!
September 5, 2018 at Donโs Korean Buffet
Family Dinner! :) suppose to be dapat with Auntie Zeny and Auntie Lucy para may bonding kami with them bago umuwi sila Kuya, pero short notice na sa kanila kaya too late na may appointment na silang check up.
First time nilang lahat dito except kami ni Mama, pero ito ang mga panahong masaya ka pero nararamdaman ko na ang lungkot sa puso ko kasi alam kong konting araw na lang magkakahiwa-hiwalay nanaman ulit kami. :(
Last dinner ngayong taon na complete kami. :( why...why.. :(
September 08, 2018 at NAIA Terminal 3
The day has finally come. :(
Personally ako yung taong ayaw sumama sa airpost especially lalong lalo na pag hahatid, mas okay pa sakin ang sundo, wag lang talaga ang paalis. Natrauma kasi ako last na sumama ako mag hatid sa airport ay para hatid si Kuya to UK, first time niya mag UK nun at sobrang di ko kinaya ang lungkot, sa pag bye bye pa lang niya papasok ng airport tumulo na luha ko... after nun never na ako sumama sa pag hatid. Ngayon na lang ulit. :(ย
Pero this time tinatagan ko ang loob ko at sabi ko sa sarili ko, sayang! huling pagkakataon na, huling kita na ngayong taon after so many years kaya tatatagan ko na lang loob ko.
May kirot sa puso ko at pinipigilan umiyak, tanging mga ngiting masaya lang ang huling pinakita ko sakanila dahil ayoko din silang masaktan gaya ng nararamdaman ko.
Etong araw na ito pinaka malungkot na araw ko ngayong taon. :(
Muka lang akong happy pero deep inside pain scale 10/10 :(
Nag wagi ako! hindi ako lumuha sa paliparan, pero di ko na napigilan sarili kong umiyak nung nasa kwarto ko na lang ako at nag iisa.ย Yung umuwi ako ng bahay at maalala lahat ng mga masasaya naming pag sasama sama, yung umuwi ako ng bahay galing sa kasiyahan kasama ng aking mga kaibigan (gals, dahil 13th Anniversary na namin) pero pag uwi ko lungkot at katahimikan ang sumalubong sa aming bahay. :(
Kahit si Raku na aso namin ay malungkot at hinahanap niya si Chai at Kuya nung pag uwi naming galing airport. :( siguro ramdam niya din ang lungkot namin.
Eto ang pinaka malungkot na sandali pero ang buong pag uwi naman nila ang pinaka highlight ng taon ko.
Time spent with family is worth every second.
Madami pa kaming moments sa bahay lang na hindi na captured ng cellphone like the unlimited bonding time ni Chai with Raku, pag walang magawa sa bahay manunuod kami ng movies like 50 first dates, a dogโs purpose, Coco at yung tinulugan niyang Heneral Luna. The day before they left we watched Goyo: Ang Batang Heneral na ayaw na ayaw niya at naka ilang pilit pa ako. hahaha nag ka lagnat pa siya bago sila umalis at nag TSB pa ako sakanya ng may Yelo. :)
Goyo movie with Mama, Chai and Bebe <3
Nainspired sa Puzzle Mansion kaya nag hanap din siya na mabubuong puzzle sa bahay hahah :)
Sweet 16
Naipilit pa namin iadvance celeb ang 16th birthday ni Chai <3ย
Wala man kami sa tabi mo sa special na araw mo, lagi mong tandaan andito lang kaming pamilya mo. lab u bebe girl <3ย
Family is God's best gift.
Naiwang tanong sa isip ko...bakit kailangan umalis?, bakit eto ang kapalaran ng madaming pamilyang pilipino?, maikli lang ang buhay pero bakit kailangan pang mag hiwa-hiwalay?. bakit hindi na lang mag kakasama para lahat masaya?.
Sa kabilang dako ng isip ko, pag uwi ba nila sa susunod ay andito pa ako sa Pilipinas?. Pareho pa din kaya kami pag uwi nila?. or baka nasa ibang bansa na din ako?. kung ganun man..paano ko sila makikita ulit?. Kelan ko kaya sila makikita ulit?. Etong araw na din kaya ang huli or kaya ko bang lumisan din sa tamang panahon? :(
Bakit kailangan PERIOD ang katapusan, bakit hindi pwedeng palaging COMMA na lang para palaging may kasunod. ???
#FamilyLove #FamBam
Ten Cents to Heaven
Summer 2k17
Summer outing with family and bebe.
Goal ko sana once a year kahit summer time lang maka labas kami ng family para may bonding man lang kami once a year. :) kaya kahit sa malapit at Day tour lang push ko na.... somewhere in Tanay. <3
April 15, 2017
Entrace: 300 (Inclusions: 1 activity + hanging-bridge)
Picnic cottage: 500
Konti lang ang tao kaya naenjoy namin kasi hindi crowded ang place. :)
Yung cottage namin walang harang kaya hindi namin maiwan mga gamit namin ng walang bantay, mostly kasi ng guest naka check in sa mga rooms... eh kami day tour lang.
Ganda ng spot namin, overlooking! :)ย
Ideal talga hindi allowed ang foods kasi may resto daw sila at mag corkage na lang daw kami, pero hindi naman sila nag check ng bag at hindi nag tanong if may dala kaming foods.... Pero allowed naman daw light snacks kaya yun lang naman dinala namin, kung alam lang namin na hindi mahigpit sa pagkain sana nag dala na lang kami ng meals... kaya medyo ginutom lang kami. hahahaha
Habang nililibot namin ang place, bawat lugar nag stop kami para mag picture. :) Kuddos! namaintain nila yung place na malinis at maganda.ย
Malaki ang place... may restaurant pa sa loob, overlooking, mahangin at malamig.ย
โThe most simple things can bring the most happiness.โ
Hanging bridge :)
Lula bridge.. nakaka nginig ng tuhod at nakaka pawis ng mga paa pag nag lalakad ka at naka tingin sa baba. hahahaha :)
Ganda ng view!... picture perfect! <3
Super lamig na tubig!.. as in parang 30 minutes lang na nag lubog ako kasi mahangin at maginaw talaga... swimming pool ba namanย sa taas ng bundok eh :)
Best ang lugar na ito sa team building or company outing kasi madaming obstacle course at madaming group activities na pwedeng gawin.
Bagay ang name ng resort sa place nila, and mas advisable if overnight para mas mamaximize ang place at hindi mabitin.
HALAMANAN at Tanay, Rizal
Isa sa mga sikat na kainan dito sa Tanay. 2 thumbs up! sarap ng foods at sulit ang bayad. :)
Thankful because of them... Never talaga ma wawaste ang time if pamilya ang kasama at palaging treasured ang bawat sandali.
Time is always precious with them. <3
#familyloves #BokDonnaSweetEscape
After 10 years nakumpleto ulit kami. :) kahit gaano katagal ang lumipas parang wala pa ding nag bago saamin.ย
kwentuhan to the max + non stop laugh trip + unli eating + all day dreaming = friendship goals <3
Mamimiss ka namin ulit Liz! more to come next year :)
#HSbff
Staycation
June 27-28, 2018 at Hotel H2O and Manila Ocean Park
Nag commute lang kami mga besh kaya nag lakad lang kami sa ilalim ni haring araw. hahaha
First time niya sa Luneta. :)
AQUA ROOM - P 5,502
Room Accommodation inclusive of Breakfast Buffet at Makan Makan Asian Food Village & Hotbed Treatment from Zenyu Eco Spa good for two (2) persons. Other Amenities: 1. Wifi access 2. Welcome drinks at Club Lounge 3. Complimentary welcome amenities 3. Complimentary parking 4. Use of jet-pool & fitness centre
Incidental Deposit: PhP 2000 deposit will be asked upon check-in for incidental charges. Should there be no additional charges incurred, the full amount will be refunded upon check-out. Reservation: - Check-in time 14.00 hours. - Check-out time 12.00 hours. - The room rate is for a maximum of 2 adults, any additional person will be charged at PhP 1,500, including children older than 12 years.
Ang GANDAAAAA ng ROOM!!!!!!!! <3 yung pag pasok pa lang namin na pa WOOOOOOOW kami. :)
BBF kami ni Aizel since 2004 (1st yr. HS), pero first time pa lang namin mag overnight together.. hahaha kaya kahit medyo pricey dito pinush namin kasi deserve naman ng friendship namin ang pagkagastusan paminsan minsan. :)
MANILA OCEAN PARK
MARINE VOYAGE 15 PACKAGE ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย P 995.00
ย Oceanarium
Jellies Exhibit
The Barnyard
The Birdhouse
Symphony Evening show
Sea Lion Show
All Star Bird Show
o ย Penguin Talkshow
o ย Back of the House
o ย Fish Spa
o ย World of Creepy Crawlies
o ย Birds of Prey Kingdom
o ย Trails to Antarctica (Penguin Exhibit & Christmas Village)
o ย Neon Rides
A happy kid inside of me :D
Ang kukulit ng mga birds, super human friendly nila... lilipad lang sila papunta sayo. :)
Etong mga hayop na ito ay bihira mong makikita sa araw araw, kaya masaya ako at namamangha na makita sila :)
Nakakalungkot man kasi wala sila sa Natural habitat or sa totoo nilang tahanan pero on the good side naman hindi sila mapapahamak and sigurado naman na minamahal at inaalagaan silang mabuti dito, plus madami din silang napapasayang mga tao pag nakikita sila. :)ย
Hi daw <3
Dito talaga ang highlight ng Manila Ocean Park, yung Oceanarium nila <3
Nemo <3
โThere are plenty more fish in the seaโ
โLife under the sea is better than anything they got up there.โ
Madami pa, madami pa silang klaseng underwater creatures na WOW!.. may ganto pa lang hayop? :) marerealize mo na napaka laki pala talaga ng karagatan at madami ka pang mga isdang hindi pa nakikita at madami pang hindi pa nadidiscover. :)
โI am the ocean..I am the sea... There is a world inside of me.โ
โSee the line where the sky meets the sea?... it calls meโ
Baby sharks :)
Waaaaah dito lang ako nakaka lapit sa kanila ng ganto. :)
Napa sigaw ako dito...hahahaha nagulat kasi ako ang gaspang ng balat, akala ko madulas eh... expectations vs reality ang peg ko :)
3 shows ang inclusion ng package namin, may bird show, sea lion at sounds & lights show. :) enjoy naman at nakaka aliw :)
Yung fish feeding na ako lang ang nag pa feed...hahah sobrang takot ni Aizel sa isda..whahaha
Ang saya kasama ni Aizel :) sana mas dumami pa ang mga laboy at overnight trips namin together <3
#perstym :D sobrang cute nila at AMAZING!
Nakangiti lang kami pero pagod na pagod na yan...hahahahaha :D pero masaya!
Wala kaming ginawa kundi lakad ng lakad ng lakad, kaya kami ay gutom palagi hehehe
Midnight movie bonding... Now watching: โMidnight Sunโ habang nag midnight snacks din kami ng pinadeliver namin sa McDo.<3 Yung plano naming movie marathon naging isang movie na lang hahaha lack of time... sad!ย
GOOOOD MOOOOORNIIIIING! :D
Waking up to this! :)
Sarap ng foods!.... gusto ko pang kumain ng kumain pero busog na busog na ako whahaha #gluttony
Yung moments na nakahiga ka lang sa bed at naka titig sa aquarium...ganyan lang ako, super happy moments and relaxing sa feeling. Ang saya nila panuorin, sakanila pa lang sulit na eh. :)
100% babalik ako dito, sobrang sulit! :) Thank you Lord kasi naisingit ko pa itong staycation sa 2 days off ko. :) Your timing is always perfect.
Seas the day
Huling hirit sa tag-init! :)
May 10-11, 2018 at Real Coast & Surf Real, Quezon
Entrance: P210ย (Weekday adult rate)
Tent pitching: P350/tent (small tent)
A really nice and comfy place to stay. :)
Weโre so swerte kasi halos walang tao. :) kaya mas naenjoy namin ang lugar.ย
Ang nagustuhan ko sa lugar na ito, mababait ang staff, malinis ang CR, maganda facilities andย masarap ang foods. :)
โHappiness is a moment with you.โ
Surf board rental: P200/hour
โYou canโt stop the waves but you can learn how to surf.โ
FOODS! you can bring your own baon of foods, bawal lang ang drinks na meron silang tinda. May corkage daw. :)ย
Kung wala ka naman madadalang foods, nag papaorder din naman sila ng snacks and meals. May burgers, Nachos, waffles, Silogs at may mga drinks din like shakes. Konti lang ang choices at medyo expensive siya pero madami naman ang servings at masarap.
Silog foods na pinaka mura nilang mga meal, starting at 150 pesos. :)
Other than swimming and surfing, wala ka ng ibang magagawa sa place na ito kundi mag relax at mag relax at mag relax... hahaha :) No wifi, no signal, no TV. Wala... as in tititigan mo lang ang dagat hanggang sa pag lubog ng araw, pagmamasdan at papakinggan ang mga alon ng tubig, dadamhin ang mga hangin sa paligid at susulitin ang mga oras na kasama mo ang mahal mo. <3
#BokDonnaSweetEscape #BokDonnaโฅReal
A Home
CORON 2k18
FLIGHT
It all started syempre sa isang pangarap at kagustuhan namin makapunta sa Coron, matagal ko ng pangarap yun eh... syempre pag may dream ka hindi lang basta pangarapin mo lang, kundi gagawan mo ng way to make that dream come true! :)
Hindi madali, ilang beses ako nag hanap at nag abang ng seat sale pero epic fail palaging nauubusan...OO flight to Coron palaging meron yan, pero super expensive like 5k one way or more pa... Luckily, in Godโs perfect timing nakapag book din :) P4,996 Roundtrip for 2 pax :) OO madami pang mas mumura dyan kung piso fare... pero aangal pa ba ako? 2,500 per person na lang yan eh :)
At first, ang flight na nabook ko pa na pabalik ay Coron-Clark since expensive ang Coron-Manila....pero God moves in mysterious ways talaga... ayaw niya kami mahirapan eh :)
waaaaaaaaah!!!... nakakapang init ng ulo nung nakareceive ako niyan via email... akala ko wala na talagang pag asang matupad ang Coron ko. Agad agad akong tumawag sa customer service ng Cebupac... at after 30 mins na pakikipag usap... na reroute ang aming flight from Clark to Manila na lang. :) Blessing in disguise pa pala ang nangyaring yan. :)
ACCOMMODATION
Sa dami dami ng napag inquire ko ng mga ibaโt ibang hotels, Inns, hostels, backpackers, resorts, lodges, pension houses, etc.
Kundi sobrang mamahal ay pangit naman ang reviews or malayo sa town proper or fully booked na. First thing na tinitignan ko syempre yung price. Budget ko ay at least 1k per night lang sana since 3 nights yung samin. Halos lahat ng standard room na may AC ay nasa 1300-1500 per night. kung fan room naman ay madami ding mura nasa 500-600 per night pero ang pangit naman ng location nila at di ganun kaganda yung house. Second na tinitignan ko ay yung location of course, nag google map pa ako if gaano kalayo yung tutuluyan sa mismong town proper, baka kasi patrike pa or ilang kilometro pa, hanap ko ay yung walking distance lang para madali din makahanap ng kainan sa labas. And Lastly na tinitignan ko ay yung reviews... oo it matters! :) halos lahat naman ay may negative akong nababasa pero tinitimbang ko kung gaano kalala yung negative, baka naman simple lang at maarte lang talaga yung nag review. :)
so after long search... naka hanap din ako :)
At JIMS Castle INNย
(Dinagpan Street, Barangay 5, Palawan 5316, Coron, Palawan, Philippines.)
Ang medyo nahirapan lang ako dito ay yung sa booking kasi medyo matagal sila mag respose sa facebook at sa SMS kaya sa Agoda ako nag book, mabilis naman sa Agoda pero yung payment kasi ay direct pa din sa JIMS. Kung hindi ko pa tatawagan yung JIMS sa cp nila hindi nila mapplot sa room plan nila yung binook ko sa Agoda, so parang nonsense yung pag book ko sa Agoda kasi hindi din naman nila nakita kung hindi ko sinabi... so good thing na tinawagan ko sila. Major lesson! wag makampante sa pag book sa Agoda.... sa mismong Hotel talaga dapat para maassure ang slot.
Madami silang rooms to offer na mura na compared sa iba. :) pero syempre dun kami sa pinaka mura... sa FAN ROOM! :) 600/night for 2 pax x 3 nights = 1,800 divide 2 = 900 per person! :)
pero with tax and service charge pa sila kaya total of 2,286 / 2 = 1,143 per person
On board :)
A glimpse of Coron from up above :)
After siguro mga almost 1 hour or less pa na travel time via Air....Touchdown Coron na! :)ย
Thank you sa safe flight kahit medyo nakakatakot ang plane na nasakyan namin, masyadong ramdam ang bawat liko ng eroplano at medyo harsh ang landing hehehe and Thank you din sa napaka gandang weather :)
From Busuanga Airport to Coron Town proper 30-40 minutes travel time via Van.
Pag labas mo pa lang ng airport sobrang dami ng agencies ang sasalubong sayo at pila pila na ang mga Van. Tatanungin ka lang kung saan ang accommodation mo then sila na magtuturo kung saan ka sasakay na Van. I guess may usapan or hatiian na ang mga Van na naka depende sa hotel/Inn na tutuluyan mo.
Van Transfer 150 per way so Roundtrip total 300.
1ST DAY
At JIMS CASTLE INN
Okay naman sa JIMS, malinis, mababait ang staff :) thumbs up! :)
Cons: medyo off way lang siya sa mismong town, hindi siya along the way, lalakad ka pa ng medyo pataas then nag tritrike pa kami pag punta sa mismong road ng mga kainan at bilihan, although kaya naman lakarin pero since 10 pesos lang naman trike dito, trike na lang! hahaha #TamadMode :)
Ganda naman ng room, not bad na sa 300/night. :) #ChoosyPaBa?
Pros: May towel, tissue supply, may lababo at salamin, may WIFI pero medyo out of reach ang WIFI pag nasa fan room kasi medyo dulo na ang room namin at may free refill din ng mineral water. :)
Cons: ayun lang tiis sa shared bathroom. 3 rooms lang naman ang nag hahati sa isang bathroom, pero okay naman CR nila malinis, may tubig at may flush ang toilet. :) At isa pang cons ay mainit talaga sa fan room pag tanghali gang hapon. As in! hapon pa naman kami dumating so ramdam talaga ang init, pero ayun lang naman, the rest of our days kasi maghapon kaming nasa labas kaya ang dating na namin sa room ay gabi na at hindi na ganun kainit so mapag ttyagaan naman na. hahaha bearable naman ang mga cons, super light lang :)
After mag ayos ayos ng gamit sa room, mga 30 minutes lang umalis na kami at nag pabook ng mga tours sa JY Travel and Tours. :)
Bago mapagod, KAIN MUNA! :) sobrang okay yung napuntahan naming kainan kasi lahat mahal, dito parang carinderia lang siya 80pesos per meal not bad na din kasi sobrang sarap lalo na yung dinuguan nila. Nalimutan ko na namen nung carinderia. :(
Then para sa aming larga for the day. DIY lang kami to Mt. Tapyas.
Free entrance at nilakad lang namin mula Coron Town.
Mt. Tapyas is the second tallest mountain and one of the most dominant land features around the town of Coron in Busuanga Island, Palawan.
ย MUST TRY to! :)
Trekking mga bes! hahaha may stairs naman so level of difficulty 3/5.
MT. TAPYAS
700+ steps at isang malaking cross ang nag aantay sayo sa pinaka taas. Worth it naman kasi dahil sa napaka gandang overlooking view. :)
A must mag dala ng tubig! as in! uhaw kung uhaw ka mayat maya. :) hahaha
Perfect ito pag mahal na araw at nag papanata ka. :) Masarap mag reflect habang paakyat. :)
Nag stay kami until mawitness namin ang sunset. :) so beautiful. Kita mo ang buong Coron. :)
Sabi nila best time umakyat daw ay either sunrise or sunset. So mas pinili namin sunset. :) <3
Sabi nila after Mt. Tapyas, ang pinaka best daw ay mag babad sa Maquinit Hot spring. DIY lang din kami, nag rent lang kami ng trike na RT to Maquinit. Based sa blog na nabasa ko 300 daw RT na yun pero kahit saan na kami nag tanong 400 na singil nila, i guess nag increase na sila. :(
400=1 trip na yun na RT, so kung 4 kayo mas tipid kayo, pero kami 2 lang kaya tig 200 each kami. Kinuha na lang namin name ni kuya tricycle at nag antay siya hanggang natapos kami.ย
Maquinit is one of the very few saltwater hot springs in the world. Located along the southern coast of Busuanga Island, it is one 30-minute tricycle ride away from the town proper of Coron along a rough, curvy road.
MAQUINIT HOT SPRING
Entrance fee: 200 per person
Pero yung blog na nabasa ko nasa 150 lang, so i guess nag increase na din sila. :(
8pm na kami nakadating at 9pm kami natapos. Masarap naman mag babad, nakakarelax lalo na pag galing ka sa pagod ng pagakyat sa Mt. Tapyas. Parang nasa 40 degrees ang tubig, wala lang kaming masyadong kuhang picture sa Maquinit kasi madilim yung lugar.
2ND DAY
CORON ISLAND ULTIMATE TOUR - P1,500/person c/o JY Travel & Tours
ALL IN! Including lunch+Miryenda, drinking water, island entrance fees, life vest, tour guide and service transfer from hotel to port and vice versa :) (snorkeling gears/ fins are for rent)
Wholeday ang tour 8-8:30am pick up time sa hotel then till 5pm end of tour.
Destinations:
ย Siete Picados
ย Kayangan Lake
ย Twin Lagoon
ย Skeleton Wreck
ย Las Islas de Coral
Sunset beach/Atwayan Beach
CYC beach
Etong Ultimate tour na ito ang isa sa pinaka maraming destinations na napupuntahan, compared sa ibang tour package na 3-4 destinations lang. May pros and cons lang din, Pros ay 7 destinations agad ang napuntahan mo at sulit talaga ang tour mo & cons lang naman niya ay short time ka lang sa bawat lugar like 40mins-1 hour lang per lugar since kailangan mamaximize yung time para mapuntahan niyo lahat nung 7 destinations.
KAYANGAN LAKE
โA slice of island paradise.โ
The most beautiful lake Iโve ever seen. Soooooo amazing! super linis ng water and sobrang ganda ng background!
The Most Enchanting Lake. :)
Picture perfect ng lake! :)ย
TWIN LAGOON
Strict sila sa life vest dito, bawal ang wala.
Lunch in the middle of the sea.
Mga boat men lang ang nag luto neto pero parang mga professional chefs :) sarap ng foods as in! & ganda din ng presentation! 2 thumbs up po! :)
The dulo boat mandatory pic! :) hahaha
CYC BEACH
The place you want to spend the rest of your summer ๐๐
Thank you sa company na nameet namin and sila din ang mga kasama namin sa Inn :)
โHappiness is... when you make unexpected new friends.โ
PANGET FLOATING RESTAURANT
Gliterring Fireflies and Plankton Tour 950/person including buffet dinner here at Panget floating Resto :) c/o Ocean Pearl Travel & Tour (6-9pm)ย
Candlelit dinner at floating restaurant with live acoustic band.
Sarap din ng foods! :) great ambiance! :) perfect for dinner date.
Nice tour! Daming fireflies sa mangrove tree at para silang Christmas lights :) then ang amazing din nung glowing plankton, nag gglow naman yung tubig tapos pag tumingala ka naman puro stars sa langit :) nakakarelax ang tour na ito. Sad to say lang wala kaming picture sa fireflies and plankton kasi totally dark ang lugar at closely impossible sa ordinary camera makunan ang scene, pure black lang din talaga and bawal may ilaw or flash sa cp or cam sa mga fireflies, madidisturb sila.. hehehe :) so eto yung moments na talagang inenjoy lang namin ang kadiliman at ang mga nakikita naming nag liwanag.:)
DAY 3
REEF & WRECKS TOUR -ย 1,300/person c/o JY Travel & Tours
Same lang lahat ng tours sa ALL IN and same time din na wholeday 8-5. :)
Destinations:
Lusong Gunboat
Lusong Coral Garden
East Tangat Wreck
Pass Island
Mas konti ang destination, mas matagal kami nagstay sa bawat lugar, like 1-2 hours per destination :)ย
New group of friends :) From different nationalities and places. :) They are all nice and fun to be with!
โFrom strangers to friends with new memories.โ
LUSONG ISLANDย ย
The Sunket Gunboat at Lusong Island.
It was worth the experience of seeing a piece of history.
This Japanese wreck in Lusong is of a World War II gunboat now heavily encrusted with corals. ๐ย
Nemo <3
CORAL GARDEN
โDiscovering the jewels of Coron.โ
Yung abot kamay mo ang mga Corals sa sobrang babaw nila. AMAZING! :)
โSalt water running through my veins.โ
PASS ISLAND
Lunch at the beach
B.E.A.C.H. (Best Escape Anyone Could Have)
โMeet me where the sky touches the sea.โย
โLove you to the beach and back.โ
Dinner at Lolo Nonoyโs food station :) more or less 300 lang lahat ng yan, pero sobrang dami, masarap at sulit. :)ย
Night life at No Name Bar :) with new found friends! Party like a local! :) affordable naman ang drinks and everywhere all over may foreigner! hahaha feeling mo ikaw ang turista sa sarili mong bansa kasi invaded na nila. hahah
Eto yung mga gabing masasayang tawanan, kwentuhan at ayaw mo na sana matapos ang gabing ito dahil huling gabi niyo na sa Coron at uuwi na kayo kinabukasan. :(ย
PS: yung hindi pa sana mag uuwian kung hindi lang madaling araw na. :( hahaha
โThe great thing about new friends is that they bring new energy to your soul.โ
DAY 4
Very short lang ng last day namin, namili lang kami ng pasalubong sa souvenir center at mga dried fish sa palengke then had BRUCH dito sa LUIS BAY Resto sa tapat ng port. :)
Brunch with overlooking view of Coron at Luis Bay Resto :)
Dito pwedeng bumili ka sa palengke then paluto mo or madami din silang menu na oorder ka na lang ng foods. :)
Masarap!! wala ako masabi sa Coron foods, lahat ng nakain ko masarap! :)
EXPENSES:
DAY 1ย
Busuanga Airport to Jims Castle Inn via Van -150/pax
Mt. Tapyas - no fee
Trike to Maquinit -400 (RT)/ 2 =ย 200/pax
Maquinit entrance fee - 200/person
DAY 2
Coron Island Ultimate Tour -1,500/pax
Glittering fireflies & plankton tour- 950/pax
DAY 3
Reef and Wrecks tour - 1,300/pax
DAY 4
Van to Busuanga airport -150/pax
Total: 4,450
Airfare: 4,996/2 = 2,498/pax
Accommodation- 2,286/2 = 1,143/pax
Others:
Home to NAIA & VV - 500
Foods- estimated nagastos namin 1,200-1500/pax
Pasakay sakay sa trike - (around 5 rides) = 50 pesos
Pasalubongs -dipende sa bibilin mo, ako naka almost 2k, pero yung BF ko naka 300 lang ata. Ang mahal ng souvenirs nila :(
Night life- 140 lang sakin, bumili lang akong drinks ko na cold coffee. BF ko naghati hati sila sa 3 bucket ng beer. (wala naman entrance sa mga bar) :)
You can survive Coron with less than 5k on hand (as pocket money), well dipende nga sa gastos mo sa mga bagay bagay at kung gaano ka katakaw sa foods and drinks. Pero pag dating sa accommodations and tours... keribels! :) sa foods medyo pricey pero meron namang carenderia na cheap pero malinis at masarap at may convenience store naman kung gusto mo mag delata or noodles na lang. :) Pero i suggest kahit once or twice lang sa buong tour ay mag try ka sa isa sa mga best resto sa Coron. :)
Best word to describe Coron?...for me it is a HOME. :) very local & nature feels, all the people are friendly and nice, foods are really impressive when it comes to taste. Wonderful corals underneath and the ambiance feels like a Home. :) We will surely come back! :)ย
Yung feeling na hindi pa kami umaalis ng Coron ay namimiss na namin agad. :)
#BokDonnaSweetEscape #BokDonnaโฅCoron
Happy 3rd Birthday to our fur baby Raku!!! ๐ถ We love you to the moon and back ๐ ๐ I wish that you can live 100 years more...
Bataan Bound
April 25, 2017 at Mariveles, Bataan
Day Tour lang itey! ๐ Batanes of the West / Coron of the West... Lahat na! ๐๐ Sisiman Island Hopping Five Fingers Cove to cove adventure Laki Beach Death Pool Hawla Beach Mila's sisig foodtrip
Our whole Bataan tour c/o VamosLamyerda :)
Day Tour P1,280 All in except meal.
Good Morning Bataan! :) LOOK UP!
Death pool of Bataan. :) first time ko makakita ng death pool. :) ang cool niya! ang sarap sana lumangoy pero may mga sea urchin eh, nakakatakot hahaha
Buwis buhay shot! hahaha :) Lakas ng alon!
Travel is the healthiest addiction.
Batanes of the West din ang peg! :) overlooking! <3
Coron na Coron ang peg!... just WOW!
A stunningly beautiful island. :)
For me, itong tour na to ang super cheap sa price pero sobrang quality!... As in!!! sobrang sulit ng binayad namin sa sobrang ganda ng lugar, nakakaamaze na meron palang ganto kaganda na lugar na kayang itour ng 1 day lang at hindi gagastos ng sobrang mahal. :) Thank you Lord! para talaga siyang paraiso sa ganda at linaw ng tubig.
Clear water + fresh air + perfect scenery = deserves a shot!
Sobrang untouchable pa ng place... virgin na virgin sa ganda. :) Walang ibang tao kundi grupo lang namin. :)
Literal na 24 hours tour lang siya. Sobrang naenjoy namin kahit joiner tour lang siya at first time lang namin nakilala ang mga nakasama namin sa tour, lahat sila okay kasama at walang KJ kaya happy lang lahat pati yung tour guide sobrang kwela... masaya din maka meet ng mga bagong tao at ayun yung iba dun friends na kayo sa Facebook. :)
Mas masaya pag mas madami!!! :) more joiner tours to come! :)
#BokDonnaSweetEscape
Very nature ang place, wala kang ibang makikita kundi halaman at punoโฆ Kung nature lover ka, perfect dito! ๐ Color green almost all over the place!.. Parang may resort sa gitna ng kagubatan, very probinsya type nung resort at sobrang ibang iba sa itsura ng usual resort na high end and modern na nasa Manila.
Tahimik, masarap simoy ng hangin, malayo sa magulo at mausok na city, malamig dahil mahangin sa dami ng punoโt halaman at napaka relaxing ng ambiance dahil very peaceful ng place. Masarap sa mata! ๐
Sana mamaintain ng resort yung ganyang ka green at nature na place kasi medyo madami na din basurang naiwan sa bandang paakyat ng bundok nila at madami na ding mga natutuyong halaman.
This place is a hidden gem, kaya go for green! ๐ด๐ด๐ด
#BokDonnaSweetEscape
My epic fail kulot turned into buhaghag hairdo ๐ญ๐ญ๐ญ๐๐๐
While on top โ
It is indeed a treasure mountain ๐