MIGRASYON: KABUHAYAN O PAGMAMAHAL SA BAYAN?
Laman ng balita mula noon hanggang ngayon ay ang pagputok ng Mt. Pinatubo. Taong 1991, naranasan ng mga probinsiya o lugar malapit sa bulkan ang bagsik ng pagputok nito kasabay ng malakas na ulan na nagresulta sa lahar. Ayon sa National Disaster Coordinating Council, mahigit kumulang 96,200 ektarya ang nasalanta ng lahar.
MULA SA MAGANDANG TANAWIN NA ITO:
ITO ANG NAGING ITSURA MATAPOS ANG PAGPUTOK NG MT. PINATUBO:
Watch and create more animated gifs like Mt. Pinatubo Explosion At Clark Air Base, Philippines Part 2 at gifs.com
Isa sa mga makakapagbahagi ng kanyang personal na karanasan sa sakunang ito ay ang aking lola, Si Ginang Norma E. Valencia.
Si Ginang Norma Valencia ay ipinanganak at lumaki sa Pampanga kasama ang kanya mga kapatid. Sa probinsya ng Pampanga na rin siya bumuo ng kanyang sariling pamilya.
Ayon sa aking pakikipanayam, maganda ang kanilang buhay noon sa Pampanga. Mayroon silang sariling taniman para sa mga gulay at prutas. Sila rin ay nakapag-aani ng palay. Matapos ang trahedya, hindi na ganon kaganda ang lupa upang taniman. Bilang may sariling lupa sa probinsya ng Rizal, sila ay lumipat rito at nagsimula ng bagong buhay.
Dito sa Rizal, sila ay nakapagpatayo ng sariling tahanan para sa kanilang asawa at tatlong mga anak. Dito rin ay itinuloy ang kanilang tailoring shop at sari-sari store. Bukod rito ay natitinda rin ng lutong ulam si Ginang Norma upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Naging malago ang kanilang mga negosyo, at kanilang pinaayos ang kanilang dating taniman.
Makikita rito ang kasalukuyang lagay ng kanilang taniman noon:
Nasa maayos na lagay naman na ang kanilang mga lupa at maaari na ulit taniman, ngunit mas maayos na ang kanilang buhay sa Rizal. Dito na rin nagkaroon ng sariling pamilya ang kanyang mga anak, kung kaya't hindi na sila umalis rito.
Mula sa panayam na ito, masasabi ko na mahalagang unahin ang sariling pangkabuhayan at kaligtasan dahil ang tahanan ay hindi nakabase sa kung saan ka lumaki ngunit nakabase sa mga taong kasama mo. Mapunta man kung saan, ang mahalaga ay kasama mo ang mga taong mahahalaga sa iyo.
~ Lee Anne Carmona PINDUTIN PARA SA: MGA PRUWEBA NG PANAYAM


















