Day 18: ECQ 00:29
Kakatapos lang tumawag ni Ry sakin thinking na galit ako sa kanya pero di lang talaga ako responsive kasi nakakaidlip ako. Perfect tong day na to as first day mg story telling ko dito dahil ito yung first day ko sa pag-inom ng multivitamins ulit.
Di ako fan ng pag-inom ng vitamins. Pero ngayon kailangan kong pilitin kasi kinakabahan ako every single day. Monday, March 30, 2020 - nakaramdam ako ng hirap sa paghinga. Hindi to normal sakin dahil wala akong kahit na anong issue sa paghinga. Eveytime na mag-deep inhale ako inuubo ako. Hanggang sa may lalamunan lang yung effect nya, hindi sa dibdib. Nung araw din na yun nagsabi na ko sa mama ko na di muna ako lalabas kasi pinapakiramdama ko katawan ko. Nakita ko yung pagwoworry nya pero di ko pinansin kasi manghihina ako. Sabi ko magpapahinga lang ako ng ilang days bago ako ulit lumabas labas. Ang hirap lang ng decision na yun kasi ako lanb may quarantine pass so sakin lang nakasalalay pagkain ng pamilya ko. Feverish pa yung pakiramdam ko pero di nagreregister sa thermometer. Dinagdagan pa ng sobrang sakit ng ulo at mababang BP (may pang- BP kami sa bahay). Natatakot na ko nitong araw na to, sabi ko magpapatest ako bago ko pa ma-risk buhay ng buong pamilya ko.
Nag-usap kami ni Ry about dito. Sa sobrang takot ko nagresponse na ko sa “luv u” nya. Natakot sya sa mga pinagsasasabi ko. Ako din naman. Baka kasi di ko na masabi na mahal ko na rin sya pag nangyari yung mga bagay na kinatatakutan ko. Pinalakas nya loob ko nung araw na to. Pero di nya alam naiyak na ko. Kasi gusto ko pang makasama pamilya ko at sya, gusto ko pa syang makasama habang buhay. Posible naman yung pag-overthink ko kasi kahit sa mga mayayaman at pulitiko nangyayari. Sana nga, sa kanila nalang kasi afford nila magpahospital at mabuhay.
Ilang araw kong inobserve kalagayan ko hanggang sa nawala yung headache and yung feverish na feeling. Yung ubo nalang. So baka tama si Ry, normal na ubo lang to kasi tag-init. Kaya heto ako, lumalaban pa at nagpapalakas ng immune system. Nagtatake ako ng purong salabat at ulit, first time ko ulit uminom ng vitamins. Mga mga binili akong vitamins nung mga nakaraan, pero sina papa at mama ang priority ko kaya di ako umiinom. Sacrifice ba tawag dun? Siguro... di ko din alam kung ina-under estimate ko ba yung virus pero ngayon alam ko na na takot talaga ko kaya eto binabawi ko lakas ng katawan ko.
Sumulat ako para lang may mapagsabihan ako ng thoughts ko bukod kay Ry. Oo nga pala, di ko pa sya naiintroduce. Siya lang naman ang kawork ko na matagal na daw pala akong gusto pero di ko alam. In short nanliligaw na sya. Siya ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko ngayon. Gaya ng sinabi ko sa previous paragraph, gusto ko pa sya makasama sa future ko. Hindi ko alam anong meron sya pero inlove ako sa kanya, sa lahat ng aspeto ng pagkatao nya. Sobrang naaappreciate ko yung efforts nya na pag-appreciate paggalang sakin bilang babae at alam ko ganitong lalaki yung gusto ko makasama, magkaroon ng anak at sariling pamilya. Pinagdadasal ko nalang sana sya na talaga kasi ayoko na maghanap ng iba pa.
Mag-grocery pa ko mamaya, gigising ng 6am para pumila ng 7am sa puregold na may mahabang pila at nagbubukas ng 8am. Dapat tulog na ko ngayon. Pero gusto ko lang gawin muna to. At gagawin ko to hanggang sa matapos ang ECQ.
Sobrang namimiss ko na ang work at mga kaibigan ko lalo na mga mare ko at si Ry. Sana matapos na to.










