Minsan gusto mo ng sumuko at magpakaselfish nalang at piliin yung mga bagay na makakapagpasaya sayo, nakakapagod na kasi masaktan ng paulit-ulit. Pero kahit ganun parang ang hirap pa rin, ang hirap kasi sukuan yung taong mahal na mahal mo kahit na sobrang nahihirapan ka na.
(via dakilanggerlpren)
Mabuti na lang at biniyayaan ako ng tapang at tibay ng loob para harapin ang katotohanang hindi na sapat ang pagmamahal ko para maayos pa ang lahat.
Matapos kong sabihin sa kanya ang lahat lahat, nasabi ko na rin sa wakas ang mga salitang kaytagal kong iniwasan - "Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Tapusin na natin to."














