'WORD OF THE LOURD: Baha' Reaksiyon
Word of the Lourd: Baha
Sa isang episode ng âWord of the Lourdâ na pinamagatang âBahaâ ay pinag-usapan ang madalas na pag-baha sa Pilipinas. Ika nga ng host na si Lourd ay kada taon ay ini-expect nga naman natin ang baha, pero bakit nga ba parang taun-taon na lang ay parang gulatan pa rin ang mga tao?Â
Ang Pilipinas ay isa sa mga disaster-prone na mga bansa sa mundo, ito ay nakakaranas ng 18-20 na bagyo kada taon, at ang pagbaha ay hindi na rin bago rito. Kabilang na rito ang bagyong Ondoy at bagyong Yolanda na sya nga namang nagpayanig ng mga lugar na tinamaan ng mga bagyong nasabi. Sa pagtanggap ng news disaster na ito, nagulat ang mga tao. Inihalintuad din ang gulat ng mga tao sa init na nararamdaman ngayon. Ang inda ng mga taong, âang ineeett!!â na para bang itong ang pinaka-unang hot summer sa Pinas.Â
Kaniya namang sunod na diniscuss ang unprepared situation ng Pilipinas sa mga ganitong panahon. Isang tropical country ang Pilipinas, hindi nga namang tulad ng ibang mga bansang nakararanas ng Autumn at Winter, ngunit ang ibang mga bansang tropical naman daw ay prepared sa mga events na tulad ng pagbaha. Letâs take our neighbouring countries like Thailand at Indonesia as an example. Ang Bangkok, Thailand ay nagtayo ng tunnel kung saan may storage tank o capacity reservoir na nag-iipon sa tubig baha upang magamit sa tag-tuyot na panahon. Sa Jakarta, Indonesia naman ay magtatayo ng isang Capital sa gitna ng kagubatan sa East Kalimantan.
Sa sitwasyon at kaayusan ng Pilipinas, talagang kailangan ng mahigit ng paghahanda sa mga ganitong pangyayari dahil hindi ito nago-occur lamang once in a blue moon. Nabanggit na para maiwasan ang pagiging shocked ng mga mamamayan sa pagbaha, flashflood, at iba pang disasters ay matuto nga namang maging handa sa inaasahang events. Katulad na lang ng pagpapatibay ng bubong (para hindi ito liparin dahil sa bagyo), pagpapataas ng ating flooring, pagpa-plano ng emergency route, o 'di kaya' nama'y ang pag'y maghanda ng mga first aid kit at iba pa.
Hindi maipagkakaila ang kagalingan ng mga Pilipino sa pagtayo pagtapos ng hindi magandang pangyayari, ngunit hangga't maaari ay dapat na maiwasan ang mga ganitong bagay. Sa paghahanda, kasama na rin dito ang pagme-maintain ng ating kapaligiran. Ang mga drainage at canal na syang tumutulong sa maayos na pagdaloy ng tubig t'wing bumabagyo'y kailangang regularly nililinis para naman maiwasan ang pagbara nito. Tandaan rin na nasa sarili nagsisimula ang magandang pangyayari sa paligid, kaya nama'y ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang lalagyan ay nakakatulong na rin sa pag prevent ng floods at flash floods. Ika nga ni Howard Zinn, "small acts, when multiplied by a million people, can transform the world".











