Panitikan Para Sa Kalikasan
Ang tema ng mga naratibong ito ay ang kawalan ng likas-kayang paggamit sa kalikasan para sa pangkabuhayan ng mga tao. Sa panahon natin ngayon, napakarami ng mamamayan ang gumagamit ng mga likas na yaman para sa kanilang mga negosyo at trabaho. Kadalasan, hindi na iniintindi ang kalagayan ng kalikasan, tila nauubos at nasisira na ang ating likas na yaman para sa pera. Hindi lang mga bulubundukin at karagatan ang dumaranas ng lubhang pang-aabuso araw-araw, ang ating mga gubat ay nasusunog at nauubos sa nakakaalarmang laki. Sa ika-21 na siglo, marami nang iba’t ibang uri ng impormasyon tungkol sa kalikasan. Ngunit, binabalewala pa rin ng mga Pilipino ang halaga ng konserbasyon ng kapaligiran natin. Pagtotroso, pagtatapon ng mga basura kung saan-saan, at pagsira at pagmina ng mga bundok upang makakuha ng mineral - ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga dumadaming problemang hinaharap ng kalikasan sa Pilipinas, at saiba pang mga bansa. Nakakaranas ng nakakapangambang pagbabago ang kabuuan ng ecosystems, hindi lamang saating bansa ngunit pati na rin ang buong mundo. Ang pagpipili ng media sa mga impormasyong ipinapakita ay nakakaapekto sa pagtingin ng tao sa mga isyu kaya kailangan itong gawing daan upang ipamulat sa mga tao ang kahalagahan ng ating kapaligiran. Para na rin ito sa paghanda ng kinabukasan ng pamumuhay ng mga Pilipino. May mga tao na nagtataguyod para sa konserbasyon ng kapaligiran, ngunit hindi sila masyadong binibigyan pansin ng media. Bukod dito, binabantaan at pinapatay ang marami sa environmentalists dahil sa kinakalaban nila ang mga mayayamang kompanya at mga taong may kapangyarihan sa gobyerno. Isa na rin ito sa mga nakalulungkot na pangyayari, na ang mga taong may kayang gumawa ng malaking pagbabago ang siyang nagdudulot ng mga suliranin. Ang layunin ng temang ito ay ipakita ang mga gawaing pampanitikan at mga sining na nagbibigay kamalayan sa mga epekto ng gawaing pantao sa kalikasan. Ipinapahayag ng mga teksto, sa pamamagitan ng pagbibigay-aral, ang mga epekto na mangyayari o nangyari na sa kalikasan. Bukod dito, ipinapakita ng mga teksto ang kahihinatnan ng pagmamaltrato ng mga tao sa kalikasan at mga hayop. Karaniwang tao man o hindi, bata o matanda - lahat tayo ay may kakayahan at tungkuling mapagaling ang sugat na dulot ng ating pagigingpabaya sa kalikasan. Ang isang simpleng larawan ay nakakapagpahayag ng samu't saring kahulugan, ngunit ang konklusyon ay sinasang-ayunan ng karamihan. Sapagkat hindi lamang guniguni ang nasisirang kalikasan; ipinapahiwarig din sa mga ng teksto ang dahilan kung bakit ito nangyayari, sino ang mga umaambag, ano ang magiging sitwasyon sa kinabukasan kung walang umaksyon, at ano ang maaari nating gawin upang mahinto ang pagsisira sa kalikasan.
Ang mga halimbawa ng pitong naratibo ay nadulot sa social media. Sa panahon ngayon kumpara sa prekolonyal, karamihan ng mga naratibo ay nakakasunod ng katangian ngunit nag-iiba lang ang medyum at ang paraan ng paglalantad ng impormasyon. Ang mga halimbawa binanggit ay nagpapaliwanag ng mga epekto ng mga masamang gawain ng mga tao patungo sa kalikasan. Binabanggit ang mga punto sa paraang simbolismo, "imagery" at ang paggamit ng personipikasyon.















