Leron Leron Sinta (lyrics)
Leron, leron sinta Buko ng papaya, Dala-dala'y buslo, Sisidlan ng sinta, Pagdating sa dulo'y Nabali ang sanga Kapos kapalaran, Humanap ng iba.
Gumising ka, Neneng, Tayo'y manampalok, Dalhin mo ang buslong Sisidlan ng hinog. Pagdating sa dulo'y Lalamba-lambayog, Kumapit ka, neneng, Baka ka mahulog.
Lalaking matapang, Ang baril nya'y pito, Ang sundang nya'y siyam Ang lalakarin nya'y Parte ng dinulang Isang pinggang pansit Ang kanyang kalaban.













