To the guy who loved me at my worst
.“Thank you. Pinalambot mo puso ko kahit too late na. “
Well, eto talaga gusto kong sabihin. Magsimula tayo sa...
What if I took the risk? What if umamin ako verbally? siguro hell out of the adventure yon; dancing, jamming, watching gigs, having deep talks personally, sasakay sa rollercoasters kahit matatakutin ka sa ganon, drinking away our rants and judgments sa ibang tao. Oo, naisip ko na sya ayoko na lang iopen baka umasa pa tayo makakamit pa nating dalawa yan. Mukang perfect no? pero hindi kasi magkakaroon at magkakaroon ng oras para isipin ko sya, at para mamiss ko sya. Wala eh hindi lahat ng gusto natin makukuha.Sabi mo Hindi kita pinalayo, pero hindi din kita pinagstay... well that’s true, okay ng hindi ka nagstay, ayokong dumating yung araw na nagstay ka tas ako na yung nawala. ayokong maramdaman mo na you are not enough, dahil sya parin yung hinahanap ko, you are more than enough. Mas better na yung ganito, walang galit, sama ng loob or kung ano man yon. I’m sorry...
Sorry, hindi ko tinake yung risk. I was too scared and sa buong buhay ko pinili ko magpakamanhid, magsara sa iba tao, natakot ako na buuin ulit ako ng iba, dahil nga dati binuo nya ako diba kaso wala eh crashed.
Sorry, hindi ko tinake yung risk. Hindi ko kaya, hindi ko kaya mang-rebound. Unfair sayo yun, sobrang pinanghahawakan ko na hindi ako gagamit ng iba para lang makalimutan ko sya. Hindi ko kayang ipasok ka sa buhay ko habang mahal ko sya, hindi mo deserve maging second choice, YOU ARE MORE THAN THAT. Deserve mo yung taong ikaw ang unang pipiliin and I’m not that girl.
The pain made me stupid. Tanga na nga, nadagdagan pa. Alam mo yun, nafeel ko eh and yes, I did have feelings for you, I did have the thoughts of kissing you (that particular night na nagtanong ako na if you have a chance to kiss me gagawin mo ba?), Hugging you and even holding your hand but I brushed it off kasi umaasa ako sa kanya, tas feeling ko mali na nagkakafeelings ako sayo dahil nandyan ka at wala na sya. Feeling ko mali, Feeling ko ginagamit kita at ayokong mafeel mo yon, di kaya ng pagkatao ko na masaktan ka dahil feeling ko ginagamit kita. pero nasaktan ka parin pala sa bawat kwento ko sa kanya, sa bawat damay mo sakin na wala araw na ang bukang-bibig ay sya. Ang manhid ko nga para marealize ko lang to after natin mag-usap.
You saw me at my Luhaan, sugatan, di mapakinabangan. Pero pinili mong makita kung gaano ako ka-”amazing” kahit ang nakikita ko kung gaano ako shitty, empty, hopeless and broken.
Nakita mo yung pain pero pinili mong tignan yung mga ngiti ko. Narinig mo na lahat ng kwento ko pangit man, malaswa man, mga sikreto ko na hindi ko kayang sabihin sa mundo ko at ang malala yung mga kwento ko tungkol sa kanya pero hindi ka lumayo, pinili mong makinig. Nakita mo yung mga bagay na hindi ko makita, at hindi nya nakita. No one ever saw me like you did, not even him, and thank you for that. Ang kaso nakita mo ko pero pinili kong hindi ka makita. pinili ko paring makita sya. I’m sorry.
Nakakatuwang isipin na totoo nga pwede palang magkafeelings kahit hindi close personally, We never had a chance to talk personally, no joke lang we had a chance pero kamusta-okay-bye ang cycle. We never hugged kahit kiss, kahit nga touch hanggang banggaan lang sa corridor. Pwede palang magkaroon ng something kahit naguusap lang kayo. pero too late na. masaya ka na and ako eto alam mo na mahal parin sya. *feeling ko napasabi ka ng tangina*.
I’m sorry kung too late na and ngayon ko nga lang narealize,
pero thankful ako na too late na.
I’m relived na masaya ka na with her. First choice ka nya, at nakita nya yung hindi ko tinignan sayo. Nakita nya yung halaga mo. deserve mo yon at deserve ka nya. Maswerte sya sayo, dahil ganyan ka.
Ako? wag mo kong alalahanin kaya ko sarili ko, mahahanap ko din yung saya na hindi ko kailangan idepende ang saya sa iisang tao lang. bubuuin ko yung sarili ko mag-isa.
Nagpapasalamat ka na tinuruan kita mag-mahal unconditionally, hindi kita tinuruan, na sayo matagal na. Salamat binigyan mo ko ng pag-asa makita yung mga nakikita mo sakin.
Yung gusto mong sabihin sakin kahit too late na? wag na. hindi na kailangan naramdaman ko yon hindi mo kailangan sabihin, eto na yung response ko sayo sa sasabihin mo. Yaan na nating ganito, unsaid.
Thank you for giving me hope, na may magmamahal at magmamahal pa sakin. Thank you for loving me. Sabi mo nga this means nothing na, Mahal mo sya and yes, alam mo kung gaano ko parin sya kamahal ngayon at alam mo kung gano ako kapursigidong hintayin sya,on the other hand, you deserve to be written. Eto na lang ata kaya kong ibigay ang isulat ka.