Labimpito
Nobyembre 15, 2016 noong aking ipagdiwang ang aking kaarawan. Hindi ako makapaniwala na kahit nagdaan na ang araw na ito, ay pakiramdam ko ay bata pa rin ako. Pero hindi na ngayon. Dahil ako ay labimpitong taong gulang na. Maaaring bata pa rin sa inyong paningin, pero masasabi kong kahit paano, ay masasabi kong grown-up na ako. Hindi lamang dahil sa hindi na ako mukhang bata, pero dahil sa mga naging karanasan ko sa buhay, na sumubok sa aking katatagan, sa aking paniniwala sa mga bagay-bagay. Mga pagsubok na hindi ko inakalang makakayanan ko pala. At ngayon, ay ginagamit ko bilang aking karanasan, para sa hinaharap.
Nobyembre 16, 2016, araw matapos ang aking kaarawan, ay nagising ako ng 5:45 ng umaga. Pumunta ako sa aming balkonahe upang tingnan ang pagsikat ng araw. At hindi nasayang ang ilang minutong panonood ko sa araw, dahil sa ganda nito. Habang pinapanood ko ang pagsikat ng araw, ay bigla kong naalala ang lahat ng nangyari sa aking buhay. Mga pangyayaring naganap noong ako’y labing-anim na taong gulang pa lamang. Hindi ko masasabing masaya ang lahat ng ito, hindi rin naman naging malungkot. Tama lang. Balanse; na may mga pagkakataong masaya, malungkot... at kung ano-ano pa. Masaya ako dahil una sa lahat, ay hindi ko inasahan ang lahat ng iyon, ngunit hindi ko rin inasahan na KAYA KO PALANG lagpasan ang mga ito.
Ang sumunod na litrato ay ang aming poster para sa aming proyekto sa asignaturang Literature. Nobyembre 22, 2016 noong aming i-presenta sa klase ang aming gawa tungkol sa poster. Isa itong music video. Na tungkol sa isang African na biktima ng RACISM. Natuwa ako dahil positibo ang reaksyon ng mga kaklase ko. Gayundin sa aming guro, na pinuri ang aming gawa. Noong una, akala ko ay kahihiyan ang ipapakita ko dahil sa itsura ko. Pero noong ipinalabas ko na sa harap ng klase, ay wala na akong pakialam, dahil after all, ay gawa ko ito, at dapat ay ipinagmamalaki ko ito.
Ang mga sumunod pang litrato ay noong ipagdiwang namin ang kaarawan ng aming bunsong kapatid. Natutuwa ako dahil tumanda nanaman siya. Kumain kami sa isang family restaurant sa SM DASMARINAS. Naging masaya ang aming gabi dahil sa sarap ng pagkain at dahil na rin sa bonding namin. Pagkatapos noon, ay sinubukan namin ng kapatid ko ang RV GAME na doon din matatagpuan. Natuwa kami dahil sa ganda ng laro. Pero sa kabuuan, ay natuwa ako dahil kahit minsan lang kami magsama-sama ng aking pamilya, ay, binibigyang halaga namin ang bawat sandaling magkasama kami. At para sa akin, iyon ang pinakamasayang bagay na mararanasan mo.
Pero syempre, nakaranas din ako ng mga araw na, hindi mo naman ginusto, pero nangyari... na nakaka-badtrip minsan. Pero alam ko, parte iyon ng buhay ng isang tao. Hindi pwedeng puro saya lang. Dapat ay makaranas ka rin ng mga pagkakataon na malungkot ka, galit ka, o minsan, ay wala kang pakiramdam. After all, TAO KA. May pakiramdam ka, at dapat ay gamitin mo ang emosyon na meron ka, para matutunan mo kung ano at paano ba ang mabuhay sa mundong ito. Mundo na hindi permanente, na palaging nagbabago, at dapat ay alam mo kung paano sumabay sa pagbabagong ito.
Labimpito na ako. Ang ibig sabihin nito ay tumanda nanaman ako. At kasabay ng pagtanda ko ay panibagong karanasan na naghihintay, maganda man o hindi... ay darating sa panahong hindi ko inaasahan. Mga bagay at pagsubok na babago sa aking pagkatao, sa aking pagtingin sa mga bagay-bagay. Mga bagay na huhubog sa iyong isipan, At matapang akong sabihing HANDA AKONG HARAPIN ANG MGA ITO. Dahil naniniwala akong ang mga ito ay magagamit ko para mahanap ko kung ano ang layunin ko sa mundong ito, kung sino ba talaga ako, kung ano ba talaga ako. Ito lamang ang maibabahagi ko sa blog na ito. Maraming salamat sa pagbasa.
Hanggang sa muli,
EJLT












