Around 9:30am, biglang nag-invite para sa meeting ng team. Earlier than nung na-set na schedule. It was not the standard meeting. Kamustahan lang. Nasabihan na to prepare our selves sa mga susunod na mangyayari. Round the table. Say what you want to say. Pero wala ako masabi. Nauna iyak ko. Ineexpect ko na eh.
Around 10:15am, nagmessage sa akin yung manager namin. Important matter. Alam ko na. Di naman nagmemessage sa amin yun. Naiyak na talaga ako.
Through Skype call kasama ang PRD (HR). Grabe iyak ko, wala pa sinasabi. "Are you ok?" Besh, umiiyak ako, malamang di ok. Then inexplain sa akin yung situation at bakit kinakailangan. Kasama ako sa malalay off na employee. Last in, first out basis. Naiintindihan ko at ineexpect ko naman kako. One year and 3 months pa lang ako. Malas nga naman. 😔
That same time, sinabi ko agad sa family ko. May ilang kaibigan din na nakakaalam. 😭
Inexplain sa akin yung termination contract. Mga matatanggap ko. Effective ng araw na yun mismo. Naka work from home pa ako. May personal na gamit pa ako sa office. Natatawa talaga ako kasi ito na, wala na akong trabaho. Pero inisip ko yung activities and action items na naka assign sa akin. Pano ko ieendorse? 🤣 Earned praise tuloy mula kay manager. Second job ko ito. Gaya sa nauna kong work, ayoko ng iniiwan yung trabaho ko na ganun na lang. Gusto ko maayos pa rin.
So ayun. Inayos ko lahat ng files ko, mga kailangan gawin. Nagpaalam at nagpasalamat sa team. Got some personal messages from them. Somehow, nakagaan ng loob.
Ang sakit mawalan ng trabaho dahil sa impact ng Covid-19 sa aircraft industry. ☹️ For the past few months, nakadepend ang pamilya ko sa akin — ako lang may trabaho. Ngayon, nawala pa. 😔 Job security. Yan inaassure sa akin nung una dahil sa mga projects namin. Sa kasaamaang palad, Last In First Out. (May work naman na si mother this June, kaso magtatanggal na rin ng employees ang school. What more if kaunti talaga ang students na mag eenroll ngayon.)
Mabigat at masakit sa kalooban. Still grateful. Di naman sila nagkulang.
Compensation and benefits wise - masayang masaya ako.
Magandang working environment - matiyaga sa pagturo at pagguide sa akin ng mga katrabaho ko, para ko silang magulang (them being same age as my parents haha).
Di rin sila nagkulang sa panahon ng pandemya - WFH schedule, care packs during Enhanced Community Quarantine, provided ang shuttle service, masks, alcohol, etc.
Grabe lang talaga impact ng pandemic sa aircraft and commercial airline industry.
Minalas lang talaga. Sabi nga sa nabasa ko... 2020 is a leap year. That leap right into some bullshit.
Tough times, tough shit. I'm built for this. 💪
Maraming maraming salamat sa pamilya at mga kaibigang nagcocomfort sa akin.
Nagising ako ng 4:30 am. Walang alarm clock na gumising. Inisip ko, ganitong oras naliligo na ako, nagpreprepare pumunta ng work; 5:30am, lakad na papuntang pick up point ng shuttle. 6:20am, nasa work na, ako pinakamaaga.
Pero sa isip ko na lang yan.
Nalungkot. Naglaba. At natulog muli. 🤣🤣🤣