I hate wedding planning.
3 months nalang kasal na namin and wala talaga akong bahid ng panic or anything kasi tamad na tamad ako magplano. My fiance is helping and thank God ang una naming hinanap is Coordinator kasi kung ako lang to, venue lang siguro ang matatapos ko. Kahit wedding gown wala pa ako. And rings, wala pa din. Pinipilit ko lang na may matapos kahit papaano every weekend pero pag weekday talaga inaalis ko siya sa isip ko.
I still want to get married. I just want to skip to the marriage part na agad. Mas excited pa ko maghanap ng apartment, magtingin ng appliances and furnitures. Doon ang bibo bibo ko. Last week, nagpunta kami ng Divi to look for wedding dress. Sobrang overwhelming wala ako mapili tsaka wala akong will na maghalughog para makahanap.
Everyone’s excited for us and I love them for that. And ako din naman namilit na magpakasal nalang in this way kesa yung una namin na plano na intimate/civil lang kasi as eldest kami ng future husband ko, never namin naexperience yung mga gantong celabrations. I feel like we deserve this naman. Im just looking forward more on what comes after the wedding than the wedding itself.












