So I saw this post of PETA sa Fb regarding Spoken Word Poetry Online Competition with a theme "3G Connect! PinangGalingan, Galing at PagGaling" and I decided to join (even though I'm not confident and good enough push pa rin para sa pagpapahayag!)
Cringe si ate girl sa pag vovoice record cause I never done it before and I always read my poems inside my head only. 😂😂
Palarin mang makapasok or not, still it will be something I'm happy about. Being able to share my thoughts and my love for writing (kahit sometimes baka I'm not making any sense na pala😂)
It's about us the kabataan fighting a silent, invisible war within our heads and a constant battle as well with those people who cannot understand what we are going through. Hoping that maybe, they'll take the chance to listen and hear us out kahit mga "bata" lang tayo at understand at hindi isinawawalang bahala ang mga nararamdaman natin.
BILANGGO SA SARILING ISIPAN
Nais kong kumawala, pumiglas,pumiglas sa rehas, sa hawla ng sariling kaisipan..
Na kung saan kapag ako'y nanatili, sariling kapahamakan ang mararanasan.
Nais kong lumaya, lumaya at lumayo sa kaisipan na patuloy na lumalason sa pagkatao na unti unting pumapatay sa nalalabing liwanag na taglay ko.
Nais kong hanapin, hanapin, hanapin ang mga sagot sa mga tanong nang nakaraan, kasalukayan at hinaharap, nakaraan at kasalukuyan na patuloy na bumabagabag at sa hinaharap na tila hindi ko naaaninag.
Ilan ito sa mga bagay na bumabagabag sa aming mga kabataan,
Mga bagay na kapag aming inihayag marami ang hindi makakaunawa at puro pangungutya ang aming madadatnan,
Sasabihin ng ibang nakatatanda kami ay nag-iinarte lamang o nagtatamad-tamaran,
Mabilis lamang para sa kanila na kami ay husgahan,
Sapagkat hindi nila nararanasan ang bigat, dilim at digmaan sa aming isip, sa mundong aming kinalalagyan at patuloy na kinakalaban.
Nakakatakot, Nakapangangamba, nakababalisa,
harapin ang madilim na bukas na walang katiyakan.
Ngunit mapalad sapagkat kapwa kabataan ay nabuhuhayan,
Liwanag mula sa madilim na mundo'y muling naaaninagan,
Unti-unting nahahanap ang kanilang boses upang ipahayag ang nararamdaman,
Mga kabataang akala'y nag-iisa ngayo'y may karamay ka na para sa kinabukasan.
Ang mga kabataan ay hindi mangmang at nagbubulag bulagan,
Hindi rin nag-iinarte lang at nagtatamad-tamaran,
Higit pa riyan ang kaya nilang patunayan,
Kung mabibigyan lamang ng pagkakataon na sila'y pakinggan ng walang halong panghuhusga at walang kinikilingan.
Bata man o matanda ito lang ang isang ninanais ko,
Ano man ang iyong edad maging bukas ang puso't isipan mo,
Lawakan ang pag-iisip at pakinggan ang mga hinain, ideya ng bawat tao,
Huwag gawing basehan ang numero para manghusga kung sino ang mas marunong o mas nakakaunawa sa inyo.
Sapagkat sa panahon ng krisis, bayanihan ang kinakailangan ng tao,
kailangan natin ang isa't isa upang mairaos ang delubyong kinakaharap ng pisikal na mundo at mundo ng isipan mo.