SUNSET TO EVENING
I never thought that I will experience the most painful moments of my life in this pandemic. Noong nagsimula itong pandemic - ang nasa isip ko: saglit lang ito. Mga weeks, 3 months ang pinakamatagal, babalik na ulit lahat sa normal. At wala akong masyadong pangamba sa pagpasok ng pandemya, kasi secured kami, okay naman kami - tuloy pa rin ang takbo ng buhay.
Bago magpandemic, para akong “araw” na matindi ang sikat sa katanghaliang tapat. Sobra akong nagliliwanag sa kalangitan ng aking buhay. Paminsan-minsan may mga makakapal na ulap na tumatakip sa aking pagliliwanag, pero agad din itong lumilipas at muling masisilayan ang aking tingkad. Nagliliwanag ako sa kasiyahan ko sa buhay ko. Nasa langit ako ng mundo. Gumagala kung saan-saan. Punta dito, punta doon. Kumakain sa kahit saang lugar. Laging kasama ang mga kaibigan. Laging wala sa bahay. Minsan pa nga, nakuha ko pang makipaglandian. Lunod ako sa liwanag ng kasiyahan ng mundo. Mataas ang sikat ko sa langit. Okay ako. Ayos ako. Masaya ako.
Hanggang di ko inaasahang may katapusan din pala ang pagsikat na ito. Akala ko ‘yung buhay ko - habang panahon na umaga, habang panahon na sumisikat ako sa langit. Hanggang sa dumating ang pandemya. Unti unting dumilim ang paligid hindi dahil sa makakapal na ulap - kundi dahil lumulubog na ako. Dumating ang pandemya - nagsimula ang sunset ng buhay ko.
Para sa akin, ‘yung sunset ‘yung pinakamagandang scenery ng mundo. Pero di ko akalaing ‘yung pinakamaganda para sa akin ay magiging pinakamasakit noong mismong ‘yung buhay ko na ‘yung unti unting lumulubog, naglalaho matapos ang matingkad na pagsikat.
SPFY. Hindi ko akalaing gagawin ko ang aking SPFY sa loob ng pandemya. Sa SPFY, itinago kami sa mundo, pinahinto sa normal naming paglalakbay... at tinuruang lakbayin paloob ang aming mga sarili. Dito nagsimula ‘yung sunset ko - nang matuklasan ko ‘yung katotohanan ng pagkatao ko.
‘Yung ako na inakala ko na maayos, okay, masaya - lahat pala ‘yun mga maskara lamang. Dahil sa gitna ng pagkatao ko ay ang tunay na ako - sugatan, sobrang lungkot, mag-isa. Maraming taon ang lumipas na nagkukubli ang isang tunay na ako para lamang hindi ako maiwanan ng mga taong mahal ko.
From childhood, I never excperienced intimate love. Sa bahay, walang heart to heart talk. Sa bahay, walang yakapan, sabihan ng I love you. Lumaki ako na mechanical ang buhay ko. Katumbas ng mga achievements ay rewards mula sa parents ko. Many times sinasabi nila sa akin na “proud sila sa akin” pero bihira nilang sabihing “mahal nila ako”. Akala ko sapat na ‘yung “Proud” para palitan ‘yung mga salitang “I Love you”. Pero hindi pala. Kasi ‘yung pagiging “proud” conditional. Kailangan mataas ‘yung grades ko, kailangan marami akong awards, kailangan lagi akong successful. Kasi kapag hindi ko nakamit lahat yan - maglalaho ‘yung pagiging proud nila sakin na naranasan ko ng maraming beses bilang bata noong nagfail ako sa mga quiz bee, naging second honor nalang ako, noong bumagsak sa exams. Iba sa salitang “love” na walang hinihiling kapalit.
And then I realize, that as I grow up - I bear this kind of thinking: mamahalin lang ako kapag nagawa ko ang gusto nila, kapag successful ako, kapag magaling ako, kapag marami akong nagagawa. At iiwan nila ako kapag palpak na ako. No wonder that I became so workaholic and addicted to others’ affirmations. Kasi ginagawa ko ‘yung lahat para magstay lang ‘yung mga taong mahal ko - para hindi nila ako iwan. I’ve been busy working for the happiness of others that I forgot the happiness of my own self. And only if you’ll just know the anxiety and pains that I bore for years whenever people speak ill about me, whenever people reject me, whenever people that I love leave me. For years, nakita ko ‘yung sarili ko na hindi ako magiging “enough” para mahalin ng iba. Never enough. Kaya pilit kong inuubos ‘yung sarili ko para maging sapat ako para sa iba. Pero the more na pinipilit kong maging sapat - the more na nauubos ako, naglalaho na ‘yung tunay na ako. I’ve been busy collecting precious people for my own happiness that I did not see that I am already losing my self. I keep looking on love from other people that I forget that I must be the first one to give it to myself.
Sunset. ‘Yung palubugin yung mga maskara ko at hayaang mahalin ng sarili ko at ng iba ‘yung tunay na ako: mahina, emosyonal, takot maiwan mag-isa. Niyakap ko ‘yung mga sugat ko kasi ‘yun lang ‘yung paraan para maghilom ako. ‘Yung tanggapin ‘yung depression ko na hindi na mawawala. ‘Yung yakapin ‘yung mga kahinaan ko na hindi naman magiging hadlang para maging kamahal-mahal ako.
At dito ako nag-umpisa ng paghilom. Ang hayaan buksan ang puso ko para hayaan ang sarili ko na mahalin ako. Ang buksan ang puso ko para hayaan ang iba na mahalin ako - kahit di ako mag-effort para piliin nila ako.
Akala ko, pagkatapos nitong sunset - sisikat na ulit ako. Mag-uumpisa na ulit ako ng panibagong umaga. Panibagong umaga na magbibigay ng pag-asa sa mga taong dumadaan din sa sunset ng buhay nila. Pero nakalimutan ko... na pagkatapos ng dapit hapon, doon pa lamang magsisimula ang gabi. The evening when the sun is no longer present. When the sun is gone. And total darkness covers the earth.
The evening. Ang sandali na wala na ang araw. Sandali na wala na ‘yung sarili ko. Sandali na wala kang pakiramdam kundi sakit at lungkot. Sandali na damang dama mo ‘yung pag-iisa mo. Akala ko sunrise ko na... may evening pa pala ako.
Noong isang linggo, umuwi ako sa tahanan. Pero ‘yung tahanan na dinatnan ko, ay ibang iba sa tahanan na nakasanayan ko. Ibang tahanan. Ibang lugar. Ang dating tahanan na nagbibigay sa akin ng security at comfort - ngayon ay isang tahanan na parang sibat na tumarak sa puso ko.
Pagpasok ng bahay, nakita ko ang isang nanay - walang lakas, sobrang payat, sobrang hina. ‘Yung nanay na naglalaba ng mga damit ko pagdating ko mula sa seminaryo. ‘Yung nanay na inaayos ‘yung mga gamit ko para di ako palaging hanap ng hanap kung saan. ‘Yung nanay na kasama kong maglingkod sa simbahan. Nakahiga sa salas, may sakit, mahina. Tinatanong ko kung anong nangyari? At ang tanging sinasabi lang ay “Okay lang ako.”
Nadatnan ko ang isang tatay. Pagod sa trabaho. Todo kayod para makabili ng gamot at pagkain para sa araw-araw.
Nadatnan ko ang isang bunso. Naglalaba, nagluluto, naglilinis ng bahay - hindi makapagfocus sa pag-aaral.
At nadatnan ko ‘yung isang panganay na anak, isang kuya. Pinapanood lang silang lahat na nagsasabing “Okay lang sila”. Pinapakiramdaman ‘yung mga lungkot at sakit sa puso nila. Tinititigan ‘yung mga mata nilang may mga luha na hindi maibuhos - kasi andun ‘yung anak nila na tinuruan nilang maging matatag sa lahat ng problema ng buhay. Bawal maging emosyonal. Bawal maging mahina. Dapat laging okay. At para maging okay ang kuya, dapat ipakita nila sa akin na okay sila. Pero alam ko sa puso kong hindi sila okay.
At sa gabing ito ng aking buhay tunay na nawawala ako. Wala ‘yung “araw” nung buhay ko. Pakiramdam ko wala akong kuwentang anak at kapatid. Pakiramdam ko hindi ko minamahal ‘yung mga magulang ko sa paraan na dapat sila ay mahalin. Dapat hindi na sila nagtatrabaho. Dapat hindi na sila nahihirapan ng ganito. Pakiramdam ko mang-aagaw ako ng pangarap. Kasi lahat nung pangarap namin dati - tumigil para lang tuparin ‘yung pangarap ko. Pakiramdam ko, inagawan ko ng pangarap ‘yung kapatid ko - dahil dapat ako ‘yung gumagawa noong mga ginagawa niya ngayon. Nawawala ako. Parang wala ako. Di ko maramdaman ‘yung worth ko. Di ko makita ‘yung pagiging anak ko. Parang ang sama-sama kong anak kasi iniwan ko ‘yung pamilya ko. And I am so helpless. So helpless that I don’t know what will happen next. Isa lang naman ‘yung hiling ko: ‘yung hindi ako maiwanan. Ayokong iiwan ako.
After sunset, the evening came. Isang gabi na hindi ko maramdaman ‘yung Diyos na tumawag sa akin. Isang gabi na gusto kong isumbat sa Diyos lahat lahat. Isang gabi na pilit ko Siyang tinatawag - pero wala Siya. Nasaan ka? Bakit mo ko iniwan? Bakit mo kailangang pabayaan? Nawawala ako. Eto na nga ‘yung gabi - ‘yung naglaho ‘yung control mo sa buhay mo. ‘Yung gabing mag-isa ka na at kahit anong comfort ng iba - damang dama mo na mag-isa ka. Wala kang makita sa paligid - tanging dilim. Wala kang ibang maramdaman kundi sakit at hinagpis.
Imagine, linggo linggo, pinagbibigay ako ng recollection at formation sa mga tao. At linggo linggo sinasabi ko sa kanila na mahal sila ng Diyos. At tuwing matatapos ang mga sessions na ito - iiyak nalang ako kasi hindi na ako naniniwalang mahal ako ng Diyos. Hindi na ako naniniwalang mayroong Diyos. Kasi pagod na ‘yung puso kong hanapin Siya. Pagod na ‘yung puso ko na suyuin Siya.
Hanggang dumating sa akin ang isang panaginip. Ako ay isang bata muli, at nasa gitna ako ng dilim. Wala akong makita - para akong bulag. Wala akong maramdaman - para akong manhid. Maya maya pa lamang, naramdaman kong may masakit sa aking kamay at sa aking paa. At noong subukan kong hawakan, mayroong malalim na sugat sa parehas kong kamay at paa. Parang butas. At agad akong nagising. Umiiyak. Natatakot. Pero sa sandaling iyon, tila may kumalabit sa puso ko at nagsabing - nasa iyo Ako. Nasa iyo Ako.
At doon ko naunawaan ang ibig sabihin ng gabi. The holy darkness of our life. Ang gabi ng ating mga buhay ay hindi isang gabi ng dilim - pero gabi ng liwanag. Nagiging madilim ang lahat dahil sa sobrang liwanag na hindi kayang tiisin ng ating mga mata. At ang sobrang Liwanag na ito ang sumasakop sa mga sarili nating “araw”. Ang Liwanag na ito ang nagpapaalalang may mas matingkad na ilaw kaysa sa liwanag ng ating mga sarili, ng ating mga sariling “araw”. Isang Liwanag na niyayakap tayo ng amhigpit. Madilim kasi nasanay tayo sa kakarampot na liwanag na naibibigay natin sa ating mga sarili. Ito ‘yung gabi ng ating buhay - ‘yung mawawala na tayo at malulusaw ‘yung sarili nating liwanag dahil sa Liwanag ng Diyos. Hindi mararamdaman ang Diyos sa sandaling ito - dahil tayo ay nagiging Siya mismo. Sa mga sugat natin, sa mga hapdi ng buhay natin - sa pagtitiis natin, tayo ay nagiging si Hesus. Nawawala tayo sa gabing ito - kasi Siya na ‘yung nagiging matingkad sa buhay natin. Sa gabing ito, talagang mararamdaman ang pag-iisa. Talagang mararamdaman ang sakit at hinagpis. Dahil dadaan tayo sa daan ni Hesus. Hindi matatapos ang gabi kung tatakbo lamang tayo at basta basta susuko at tatapusin ang buhay.
Sa gabing ito, isa lang ang hinihingi ng Diyos - sumuko ka sa Kaniya. Aminin mong hindi mo kaya. Aminin mong wala kang lakas. Aminin mong talo ka. Suko ka na. Pero isusuko mo lahat sa mga kamay Niya. Susuko na ako. Susuko sa’Yo.
Nasa gabi pa rin ako ng aking buhay. Kahit maunawaan ko ng lubos ang gabing ito - mananatili pa rin itong misteryo sa gitna ng sakit at lumbay na nararamdaman ko. Pero sa pagdaan ko dito - isang pangako ang panghahawakan ko... Matatapos din ang gabi. Pero ayoko ng sumikat. Mas gusto ko nalang panoorin ang Liwanag ng Diyos na sumikat sa buhay ko.
Hindi ko alam ang hangganan ng gabing ito. Hindi ko alam kung sa bagong araw ng buhay ko - may mawawala na sa buhay ko. Hindi ko alam kung sa bagong araw ng buhay ko - nasa parehas na landas pa rin ako. Pero hayaan mo ang puso kong magtiwala sa’Yo... Kahit hindi kita makita. Kahit hindi kita maramdaman. Kahit ang dami pa ring tanong. Turuan mo ang puso kong isuko ang lahat lahat sa’Yo. Turuan mo ang puso kong magpayakap sa pag-ibig Mo... nang sa gayon, masabi ko din ang sinabi ni San Pablo sa panahon ng kaniyang paghihirap at pagtangis: I have been crucified with Christ; and it is no longer I who live, but it is Christ who lives in me. (Galatians 2:20)














