Tap on the photos para makita nang buo.
Nasa kaliwa, August 2, 2019 sa Palma Hall: I was over an hour late for my first class, on my first day, in UP. Eh, tang ina, di ko mahanap yung classroom ko, eh. Everybody, and I mean everybody, was already there, at yung huling bakanteng upuan, nasa kadulu-duluhan pa ng room, sa tabi ng bintana. Punyeta. Nakakahiya, eh, kasi dadaan pa 'ko sa harap ng isang buong row para lang makaupo. Nag-di-discuss pa yung prof. Ayos. Pero ayan, kita mo naman, kahit napaka-late, nakakuha pa 'ko ng picture ng view ko (with timestamp pa para may pruweba). O, di ba? Parang 'kala mo window seat sa eroplano. Pagkatapos no'n, naligaw naman ako papuntang Math Building. Give me a break. Para nang noodles yung legs ko sa kaiikot sa campus. Gusto ko na lang matapos yung araw. And it did. Classes were cut short kasi may bagyo. Ayun, lunch time pa lang, uwian na. Nag-abang na 'ko ng jeep.
Nasa kanan, September 28, 2021 sa bahay: Nakakatamad bumangon. Ang hirap sa online set-up, yung kama mo, abot-kamay mo lang. Ang sarap pa naman matulog. Anyway, wala kasi akong sariling kwarto at wala ring mesa do'n, so I do most of my classes sa dining room. Obviously, doon din ako kumakain... at doon din ako kumakain habang nagkaklase. I have this small table, too, kung saan nakapatong yung ibang mga gamit ko. Doon ko na rin kasi ginagawa mga plates at activities ko. 'Pag nakagilid yung kurtina, nakikita ko yung mga halaman ng nanay ko at ng kapitbahay namin. I see beautiful sunlight and shadows when the weather's nice. I see our neighbors passing by, especially this little kid na madalas walang suot na tsinelas. Naririnig ko naman yung ulan 'pag masama ang panahon, yung mga delivery rider, mga ibon, iba't ibang boses sa radyo, malakas na TV, at kung anu-anong tugtog (madalas Justin Bieber). Hay, na-di-distract na naman ako. Balik trabaho na nga.
Nasa kaliwa, February 21, 2020 sa may Sunken Garden: Last photo of my view nung naglakad ako't tumambay, before school suspension due to COVID, na eventually naging lockdown.
Nasa kanan, July 30, 2021 sa bahay: Latest photo of my view whenever I go "outside" (I put this in quotation marks kasi nasa loob kami ng townhomes.)
Nasa kaliwa, February 7, 2020 sa Palma Hall: Last desk photo I took bago nagkanda-leche-leche ang lahat.
Nasa kanan, March 10, 2021 sa bahay: One of the first photos I took of my "desk" (dining room table) situation nang mag-umpisa na ang online classes, at halos isang taon nang naka-lockdown.
Nasa kaliwa, March 3, 2020 sa likod ng Palma Hall: Last cat photo I took sa UP. Busog di lang sa cat food, pati na rin sa atensyon ng mga estudyanteng dumadaan.
Nasa kanan, October 11, 2021 sa bahay: Latest cat photo I took at home. 'Yan ang pinaka-baby naming pusa, si Rosa. Ang drama.