BULLSHIT
Yan yung mga salitang sasabihin sayo para mapasakay ka, to invest fucking feeling para tumaasa yung fuckibg ego nila. Like yeah! Fuck that.

@theartofmadeline

pixel skylines
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
đȘŒ
Stranger Things
No title available
One Nice Bug Per Day

Kiana Khansmith
wallacepolsom
No title available
noise dept.
EXPECTATIONS
Lint Roller? I Barely Know Her

if i look back, i am lost
The Stonewall Inn
No title available
NASA
occasionally subtle
seen from Maldives

seen from United States
seen from Czechia
seen from Malaysia

seen from Netherlands

seen from Italy
seen from United States
seen from Bangladesh
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Austria
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Germany
@icecreamniema
BULLSHIT
Yan yung mga salitang sasabihin sayo para mapasakay ka, to invest fucking feeling para tumaasa yung fuckibg ego nila. Like yeah! Fuck that.
âFOLLOW YOUR PASSIONâ IS MEDYO MISLEADING
Kapag hindi ka masaya sa ginagawa mo, ang lakas makapangunsinti ng mga linyahang, âYou should follow your passion.â Â Kapag hindi ka nag-eexcel sa propesyong meron ka, palaging, âKasi hindi naman ata yan yung hilig mo. Dapat sinusunod mo kung ano ang makakapagpasaya saâyo.â ( Shet. Napakamakabagbagdamdamin.) Yung kapitbahay ko nga, passion daw niya ang mag-inom at maglasing. Bakit hanggang ngayon wala pa siyang kumpanya ng beer? Etong si Pareng Steve Jobs, literature naman talaga ang totoong passion niya nung college, so bakit may pa-Iphone iphone na siyang nalalaman ngayon?
Kung ang tagumpay ng tao ay nababase lamang sa pagiging passionate niya, sana lahat ng tao kasing sikat ni Ellen Degeneres. Kasing sucessfull ni Walt Disney. Kasing yaman ni Xian Gaza ( wait, what?! ) Merong mga taong mas passionate pa sa larangan nila pero bakit hindi pa rin nilang magawang maabot kung ano ang naabot nila? Kung sa simula pa lang panay na ang talo ni Pacquiao sa boxing sasabihin pa rin kaya niya na, âPasontok ka lang ng pasontok. Follow your Passion.â Andun na kasi sila sa rurok ng tagumpay kaya baka may masabi na langâ para kunware iconic.
Maraming rekado ang kailangan mong isahog para magtagumpay. Kumbaga sa adobo, yung passion mo, isang sachet lang ng âMagic Sarapâ.
Minsan kasi masyadong misleading yung âFollow your passionâ na yan eh. Hindi porket sinunod mo kung ano ang hilig at gusto mo, magtatagumpay ka na. Like, agad-agad? Instant noodles lang ang meron, walang instant sucess. And you cannot short circuit success by just passion alone. Sa lahat ng lalakbayin mo andun palagi ang hirap, stress, at kabiguan. Pwede mong ininja-moves pero hindi mo matatakasan yan.
Parang napakaself-centered lang pakinggan kung mabubuhay ka dito sa mundo para sundin lang ang passion mo. Na nakasalalay ang tagumpay mo sa kung gaano ka ka-passionate. Na ang kaligayan mo ay nakadepende lang sa kung ano lang ang gusto mo. Ang selfish ng very light. We should not romanticize passion like âit is everythingâ. âCoz ladies and gentlemen, we are more than just our passion.
Para kasi sa iba, kapag hindi mo ginawa ang mga bagay na nakakapagpasaya saâyo, parang sinasayang mo lang ang oras mo dito sa mundo. Na magsisisi ka for the rest of your life kapag hindi mo sinunod ang.. tandadadannnn. ang passion mo. Thereâs more to life than your passion. Wag mong i-isolate ang kahihinatnan ng buhay mo sa kung ano lang ang passion mo. Minsan, kailangan mo ring gawin ang mga bagay na hindi mo gusto para malaman mo ang tunay na kahulugan ng tagumpay.
Iâve been working here in Qatar for almost 3 years. ( Wow, English.) Hindi ko man direktang nakukuha yung sayang gusto ko sa loob ng trabaho ko, kapag naiisip kong ito ang dahilan kung bakit ako nakakapagprovide sa pamilya ko, mas doble pa yung sayang bumabalik saâkin. (*sent screenshot to MMK kase may tumulong uhog sa kaliwang butas ng ilong.) And seeing my pamili happy, ohmaygad, my pamiliâŠfor me, uhm wait.. i told you that i was, seeing my pamili happy is already a sucesss. Bale, yung punto ko dito, kung happiness lang ang rason mo, there are almost 1,000 reasons to be happy na hindi involve yung sinasabi mong passion. Change the way you see things. Change your perspective about life.
Itâs not just about doing what you love. Itâs not just about passion. ( Dahil kung ganun din lang, sana tumambay na lang ako sa bahay at nagmahal ng lubusan.) Itâs learning to love what you do at pahalagahan ang bawat opurtunidad na dumadating saâyo gaano man ito kaliit o kalaki. Maging bukas ka sa lahat ng posibilidad na hindi nililimitahan ang kakayahan mo sa kung ano lamang ang passion mo. Higit ka pa sa iniisip mo. Marami ka pang magagawa.
Follow your purpose, not just your passion. Dahil yung calling mo, hindi lang limitado sa kung ano ang passion mo. Alamin mo yung pinakamalalalim na rason ng existence mo dito sa mundo and from that you will find the success that you really deserve na hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay.
â
Hi bes, may page din ako oh. Link here.
12 SIGNS NA SIYA ANG IYONG âTHE ONE THAT GOT AWAYâ
#TOTGA. Pantamad term for âThe One That Got Away.â Pasok na pasok na term naman para sa napakaclassic na âPinagtapo pero hindi itinadhanaâ. Yung may nabuo naman kayong past pero wala na kayo sa present ng isaât-isa kaya medyo nangangarap ka pa rin ng very light na sana kayo pa ring dalawa in the near future. ( At yung ânearâ na sinasabi mo, walang nakakaalam kung gaano ka-ânear.â) Yung mula sa kaibuturan ng mga maskels at ventricles ng puso mo, alam mong siya talaga ang âTHE ONEâ para saâyo pero hindi na ikaw ang The One para sa kanya.
So, anu-ano nga ba ang mga signs na siya talaga ang TOTGA ng buhay mo?
1. Wala naman talagang nagloko, hindi lang talaga nagwork-out. Tipong you never fall-out of love. It just ended. ( Shet. Ang dramatic.)
2. Palagi mong naririnig sa mga kaibigan mo yung mga linyang, âBakit mo kasi pinakawalan? Ang swerte-swerte mo na dun eh.â âSayang kayong dalawa.â âAkala ko kayo na talaga.â Pero ang totoo, pinabibigat lang nila yung nararamdaman mo. =P
3. Self-proclaimed nakamove-on ka na ( DAW ) pero ayaw mo pa ring maglet-go. Wala na yung âpainâ pero andun ka pa rin sa part na pinanghahawakan mo pa rin ang natitirang bagay na makakapagpaalala sa kanya.
4. Sa dinami-dami ng naging ex mo, ( kasi medyo uhhh. ayoko kitang i-judge ), sa kanya mo naranasan yung klase ng pagmamahal na gusto mong maranasan na hindi kayang ibigay ng iba.
5. Kapag nakikita mo siya sa piling ng iba, naririnig mo somewhere yung voice-over ni Basha na, âAko na lang⊠ako na lang ulit.â Then you just found yourself na piga-piga yung dibdib mo habang dumudulas ka sa dingding in slo-mo.
6. Yung ang lakas mo maka-immaculate heart dahil walang natitirang espasyo diyan sa puso mo para sa kahit konting galit.
7. From the time na naging single ka ulit, siya na yung naging standard mo para sa next relationship mo. Tipong pangmatindihan talaga. Kaya hanggang ngayon single ka pa rin.
8. Alam mong napakaswerte ng taong mamahalin niya kase ganun din yung naramdaman mo noong kayo pa. #SiyaNgaPalaAngSinayangMo levels.
9. Kasama pa rin siya sa mga plano mo hanggang ngayon dahil minsan dumating din kayo sa puntong pinlano niyo rin ang future niyong dalawa ng magkasama.
10. Masaya ka na naman sa buhay mo pero alam mo sa sarili mong mas masaya ka kung kayo pa rin hanggang ngayon.
11. Gustong-gusto mong mag time-space warp para i-renovate ang nakaraan baka sakaling mababago mo ang kung ano ngayon.Â
12. You always imagine na kung may parallel universe man na nag-eexist, alam mong doon, masaya kayo pareho.
â-
Pero kung siya talaga yung The One, bakit ka iiwan? Bakit mo iiwan?Â
Kung talagang para saâyo, kahit gaano kaimposible, babalik at babalik yan at tatanggapin mo pa rin ng paulit-ulit. Hindi siya mapapagod, hindi ka rin mapapagod. Ikaw ang pipiliin niya araw-araw, siya yung pipiliin mo araw-araw. Yung hindi mo na kailangang makipagsabwatan sa tadhana para muli siyang bumalik sa buhay mo. Kung talagang para saâyo, hindi mo na hahayang magkastiff-neck ka kakalingon sa nakaraan para hatakin siya papunta sa kasalukuyan. ( Makatapak ka pa ng ebak dahil hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan.)Â
May mga tao talagang dumarating sa buhay mo para lang panandaliang iparamdam saâyo kung paano magmahal at mahalin pabalik. Pero hindi yun nangangahulugan na siya na yung taong nakalaan para saâyo. ( Pina-experience ka lang ni Lord. Masyado ka naman daw nacarried-away. )
Ang tamang taong para saâyo ay wala sa nakaraan. Maalin lang yan sa nasa harap mo na o nagbubook palang ng Uber papunta saâyo. At sa pagkakataong ito, hindi na siya yung The One That Got Away mo. Siya na yung The One That God Allowed. Naks!
TOTGA
Sa isang iglap, lahat ng ito'y naglaho.
Hawak ko na nga ba ang puso mo?
PINOY CELEBS AS WAZEâS NAVIGATION VOICE
KRIS AQUINO:
OMG! Traffic. So ganito, turn left tayoâŠ.ayan. Perfect! So ayan, magleft ka na here. Kasi nung dumaan ako dun last week mga monday din yun as in grabe I swear, walang traffic. Then I remember when my dad told me about⊠Ohmygosh! Nakakaloka! Nakalampas tayo. Turn right daliiii. Ginusto ko to eh why not? panindigan!â
RUFFA MAE QUINTO:
âGo go go!!! Drive drive lang to the highest level. Turn right ka in 20 meters you know. Ay mali, pasensha na. Left pala dapat. Ok fine. Todo na âto! Whoooo!!!â
PIA WURZTBACH:
âTo turn right in 200 meters is both an honor and a responsibility. You can show the world the universe rather that you are confidently traveling with a heart.â
TONI GONZAGA AS PBB HOST:
âDriver, nagustuhan kaya ng taumbayan ang ginawa mong pagU-turn? O mas pinili nilang pa-diretsuhin ka na lang para maka-iwas sa traffic? Malalaman mo kung ilang metro ka magraright-turn⊠sa aking pagbabalik.â
PRESIDENT DUTERTE:
âPutangina. Sabi ng kaliwa! Buang ka.â
KUYA KIM:
âIn 300 meters, turn right to Osmena Hi-way. Kaunting kaalaman lamang. Alam nyo ba na ang Osmena Hi-way ay intersection ng Qurino Avenue sa Paco Manila hanggang Alabang, Muntinlupa. 3 bayan ang dinadaanan nito; Manila, Makati at Pasay.
MOCHA USON:
Hello mga ka-DDS, sa loob ng tatlumpung metro, kumanan ka dahil yun ang tamang daan. Wag tayong dumaan sa Tuwid na Daan dahil mga Dilawan yan. Bilisan mo lang Ka-DDS, kapag naaksidente ka walang may ibang kasalanan diyan kundi si VP Leni.
ANGELICA PANGANIBAN:
âPutangina. Sabi ng kaliwa in 200 meters. Ano? Nawala wi-fi ng kapitbahay? Ang pasensya ko di basta-basta nauubos pero ang 4G ko konting-konti na lang! Bilis!â
JOHN ARCILLA AS HENERAL LUNA:
âLumampas ka na punyeta! Sabi ng magdahan-dahan. Meron tayong mas malaking kaaway kaysa sa mga traffic enforcer. Ang ating mga sarili.â
"Kumanan o Mag-Uturn? Pumili ka!â
LIZA SOBERANO:
âIn 200 meters, turn right. Ohmygosh. I donât want na. Iâm shy na.â
MAM CHARO:
âDear Driver, Pagsapit ng sampung metro, kumanan. Pagkarating sa iyong napiling destinasyon, hulaan ang title ng episode ngayon. Nagmamahal, Ate Charoâ
ZENAIDA SEBA,
âSa buwan ng Hulyo, mas mainam na kumanan pagkalipas ng 200 metro. Malas ang mag-Uturn. Magiging malapit ka sa aksidente dahil kulay lavander ang panty mo. Tandaan, hindi hawak ng mga bituin ang kapalaran natin. Mayroon tayong traffic light, gamitin natin ito.â
TITO BOY:
âKaibigan, usap tayo. Now naaaa!! Â Letâs do the fast talk. Kanan o kaliwa? In 300 meters, Red Light or Green Light? Lights on or Lights off?â
JANINA SAN MIGUEL:
âWell, In 100 meters, turn right. Bâcoz there was the wa- theyâre, they was the one whoâs⊠very⊠Hahahaha⊠Oh Iâm so sorry, Ahhmm⊠left pala. Oh my god⊠I told you Iâm so confident. hahahahah. Sorry guys because this was really my first trip ever bâcoz Iâm only 17 years old and ahahaha I, I did not expect that we came from U-turn. Hmmm, so⊠but I said dot our family is the most important persons in our life so left talaga. Thank you.â
Hahaha ang benta nung last entry. HAHAHAHAHAHAH
Sa muli niyang pag-alis, bitbit mo ang kanyang mga gamit. Na sa pagdating niyo sa dulo ng daan, ay siyang pagdating niyo din sa dulo ng koneksyong meron kayo.
Susulitin ang bawat hawak, bawat tingin, bawat titig ng mga matang nangungusap na pagdating sa dulo ay agad matatapos.
Mangungulilang muli ang mga pusong umaasa, na sa susunod na magkasama'y di na magkahiwalay pa.
Ngunit sa bawat hakbang, ng mga mga paang tila tinitipid ang lakad, na kahit sa ilalim ng init ay titiisin, upang makasama niyo pa ng mas matagal ang isaât isa ay hahantong pa din kayo sa dulo, sa dulo kung saan⊠matatapos na ang oras na nilaan ng tadhana para sa inyong dalawa.
âPaalamâ ang mga huling salitang kanyang sinabi, ngunit ang tangi mo lamang nagawa ay ngumiti at hindi lumingon muli, dahil alam mo, na sa oras na ika'y lumingon, mahihirapan ka nang lisanin ang iyong pusong naiwan sa mga kamay niya.
Sa iisang larawan magkasamang pinagsasaluhan ang mga ngiting babauni sa muling paglisan. Mga ngiting duloât ng isang pagsasamang, distansya at oras ang kalaban.
Kapag magkasama'y parang mga batang muli ulit nagkita. Hiyang ngiti, at mabababaw na kwentuhan ang tanging pagsasaluhan⊠pero ang mga mata'y nag-uusap nang mas malalim pa sa kanilang nararamdaman.
Di alam kung saan, paano at kailan nag umpisa ang lahat. Pero ang malinaw lamang ay iisaâŠ
Na sa kung ano man ang meron tayo, ay ito⊠isang malabong relasyon na kahit kailanâŠ
di mabibigyang linaw maging nga litratong hanggang sa huli'y mananatiling malabo.
ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWAN
Sabi kasi nila, kelangan daw ng closure para tuluyan kang makapagmove-on. Kelangan mong malaman ang eksaktong dahilan kung bakit kayo naghiwalay para maging malinaw saâyo ang lahat. Â âCos not knowing can be the worst feeling of all.
Pero kapag ba nasagot lahat ng tanong mo makakamove-on ka na nun? Maniniwala ka ba sa isasagot niya o may ineexpect kang sagot para sa kanya dahil naka-plot na sa utak mo yung mga gusto mong marinig? Di ka na ba masasaktan? Kung ganon din lang eh di sana ginawa na lang tableta o capsule yang closure na yan at ipinagbili na lang sa botika.
Ang closure ay isang malaking excuse lang para paulit-ulti mong sabihin sa sarili mo na mahirap magmove-on. Na dumedepende ka pa rin sa kapirasong salitang pwede mong marinig sa kanya para masabi mong okay ka na.
When one ends a relationship, thatâs it! Tapos na. Wala ng Book 2. Wala ng Part 2. The End. Hindi ka na pwedeng humirit pa ng 4-hrs finale para mai-justify ang ending niyong dalawa. Wag mong idepende ang feelings mo sa taong iniwan ka na.Â
No matter how it ended, kesyo bigla na lang hindi nagparamdam o nalaman mo na lang na may iba nang kinakalantari or nagkaroon kayo ng formal break-up sa harap ng 7eleven habang sinisimot ang tirang yelo ng Slurpee, yun na yon. You. Broke. Up. Ano pa bang closure ang kelangan? Hindi ka na niya mahal. Hindi pa ba sapat na closure yon?
Minsan kinakailangan mo lang ng closure dahil meron kang âideal wayâ ng pakikipagbreak. May gusto kang paraan kung paano kayo maghihiwalay. Kase ang gusto natin ay yung breakup na hindi tayo masyadong masasaktan. Yung âmedyo masakit na break-upâ lang. Eh wala naman kasing ganun. Break-ups never happen the way we want them too. Unless may pa-eulogy pa kayo sa isaât-isa habang kumakanta ang Madrigal Singers ng âHindi Kita Malilimutanâ or may pa-impromptu kayo habang lumalaklak ng beer.Â
Ang konsepto ng closure ay hindi para sa iniwan at sa nang-iwan. Itâs between you and yourself that you have to work things out. Wag mong ipaubaya sa âkonsepto ng closure" yung kahihinatnan ng damdamin mo. Tamad mo magmove-on eh no? Sariling sikap tayo hoy. Ang issue dito ay hindi na tungkol saâyo at sa kanya. Saâyong saâyo na âto. Ito yung kung paano mo tatanggapin sa sarili mo na tapos na ang lahat ng meron sa inyo at hindi na pwedeng ibalik pa. Â âCos a break-up alone is already a closure.
Case closed. Uwian na. Walang nanalo. Pareho kayong talo.
Dear ex, pls read
Hello guys! So ganito kasi yon. Napagdesisyunan kong gumawa ng FB Page para sa blog ko sa limang kadahilanan. (1) Para kunware level-up ako ng konti. You know, para mabasa ng mga naka-Free data ang blog ko. ( Shet, kunware mabait ako.) (2) Kelangan kong magpapansin kay crush dahil hindi na siya nagtutumblr. (3) Binabasa ng mga kamag-anak ko yung blog ko kapag nagshashare ako sa personal FB account ko. So kelangan ko mag-alsa balutan. (4) Kelangan ko ng pagkakabusyhan kase OFW life is medyo nakakahomesick.(5) Para kewl.
Eh medyo nahihiya ako kung ipapangalandakan ko âtong bago kong page sa mismong FB ko kase ang lakas ko naman makacelebrity pag ganun.Â
So, sa lahat ng nag-aabang at nagbabasa ng blog ko, maraming maraming salamat na pagsuporta! ( Me ganun?! ) Pero seryoso, salamat talaga! Wala namang magbabago. Magbblog pa din ako dito.
Just Feel free to like and share my page. Pasabi na din sa mga kapitbahay at crush niyo. LOL. Kung trip niyo lang naman. ( Tapos pag madami ng likes yung page ko buburahin ko yung lahat ng blog posts ko dun tapos magbebenta ako ng load at tupperware. wahahahaha! JK. )
Lubos na nagbblog at magbblog sa Tumblr,
israelmekaniko
UDD MUSIKA
âDi mo lang alam ako'y yong nasaktan
BEST PALUSOT KAPAG NADAPA KA SA HARAP NI CRUSH
Very given na yung âMahirap ma-fall ng walang sumasalo.â Pero what if literal kang nadapa sa harapan ni crush?
Una, dapat poise at maganda ka pa din. Yung chill lang ganun.
Expectation,
Reality,
Anong palusot ang gagawin mo para maisalba ang iyong sarili sa labis na kahihiyan?
#1. Kunware Medyo G-Force. Teacher Jorcel levels.
âOkay ba yung step na naisip ko para sa competition namin? Oh tatanggalin ko yung part na medyo nadapa ako?â
#2. Magpakahumble all the time.
âKaya kong magpakababa para lang sayo. Sana naman magkaroon ako ng puwang dyan sa puso mo.â
#3. Act normal lang bes.
âOkay lang ako crush. hihiâ
Nakangiti ka pa din kahit putok na yung labi mo at basag na yung kaliwang pisngi mo.
#4. Magpanggap na tropa ng XB Gensan,
âWhoo! Konti na lang mapeperfect ko na tong break dance na âto. ayos ba?â
#5. Prangkahin. âCoz ang pagsasabi ng tapat is pagsasama ng maluwat.
âOh ano? Kelangan ko pa talagang ipahiya ang sarili ko para mapansin mo ko? Pakyu ka pala eh!â
#6. Protect your crush from harm. Dahil siya ang future mo.
Yakapin bigla si crush.
âOkay ka lang? May gusto kaseng bumato sayo. Buti na lang nailigtas kita. â
#7. Apply the Law of Physics.
âI think i just fall for you,
( tapos biglang tayo sabay sabi )
âGravity should not be blamed for two people falling in love ngunit sadyang hinatak ako ng lupa papunta sayo.â
#8. Unleash the kakatihan within you.
Hala!!! Akala ko kasi labi mo yung lupa kaya sinunggaban ko. Pa-isa naman diyan.
#9. Maging selfless. Magpakabayani the haliparot way.
âInunahan na kita. Madulas kasi diyan. Nagsakripisyo na ako para di ka madulas.â
#10. Tuluyang magpakain sa sistema,
âKala ko totoo yung napanood ko sa Kdrama, yung nadulas yung girl tapos tinulungan ng boy tapos holding hands, hindi pala.â
#11. Magpasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap araw-araw.
âThank God, i fell for the right person. Tara Lunch?â
#12. Let him feel na okay lang kahit ang sakit-sakit na.
âWag ka mag-alala, sinubukan ko lang madulas sa harapan mo. Kasi yung pagkahulog ko pa lang saâyo ang nagagawa ko.â
#13. Damhin ang pain until it hurts no more.
âOh my gahd! Ang sakit ng paa ko! Nabalian ata ako. Kelangan ko ng mouth-to-mouth resuscitation.â Â
( Pumwesto na parang hahalikan.)
Kapag biglang pinaspell ni crush ang âresuscitationâ, walk out na lang.
Ang saya ko naman po. đđđđđ Hi @israelmekaniko hihi
lets get personal.
1: 6 of the songs you listen to most?
2: If you could meet anyone on this earth, who would it be?
3: Grab the book nearest to you, turn to page 23, give me line 17.
4: What do you think about most?
5: What does your latest text message from someone else say?
6: Do you sleep with or without clothes on?
7: Whatâs your strangest talent?
8: Girls⊠(finish the sentence); Boys⊠(finish the sentence)
9: Ever had a poem or song written about you?
10: When is the last time you played the air guitar?
11: Do you have any strange phobias?
12: Ever stuck a foreign object up your nose?
13: Whatâs your religion?
14: If you are outside, what are you most likely doing?
15: Do you prefer to be behind the camera or in front of it?
16: Simple but extremely complex. Favorite band?
17: What was the last lie you told?
18: Do you believe in karma?
19: What does your URL mean?
20: What is your greatest weakness; your greatest strength?
21: Who is your celebrity crush?
22: Have you ever gone skinny dipping?
23: How do you vent your anger?
24: Do you have a collection of anything?
25: Do you prefer talking on the phone or video chatting online?
26: Are you happy with the person youâve become?
27: Whatâs a sound you hate; sound you love?
28: Whatâs your biggest âwhat ifâ?
29: Do you believe in ghosts? How about aliens?
30: Stick your right arm out; what do you touch first? Do the same with your left arm.
31: Smell the air. What do you smell?
32: Whatâs the worst place you have ever been to?
33: Choose: East Coast or West Coast?
34: Most attractive singer of your opposite gender?
35: To you, what is the meaning of life?
36: Define Art.
37: Do you believe in luck?
38: Whatâs the weather like right now?
39: What time is it?
40: Do you drive? If so, have you ever crashed?
41: What was the last book you read?
42: Do you like the smell of gasoline?
43: Do you have any nicknames?
44: What was the last film you saw?
45: Whatâs the worst injury youâve ever had?
46: Have you ever caught a butterfly?
47: Do you have any obsessions right now?
48: Whatâs your sexual orientation?
49: Ever had a rumour spread about you?
50: Do you believe in magic?
51: Do you tend to hold grudges against people who have done you wrong?
52: What is your astrological sign?
53: Do you save money or spend it?
54: Whatâs the last thing you purchased?
55: Love or lust?
56: In a relationship?
57: How many relationships have you had?
58: Can you touch your nose with your tongue?
59: Where were you yesterday?
60: Is there anything pink within 10 feet of you?
61: Are you wearing socks right now?
62: Whatâs your favourite animal?
63: What is your secret weapon to get someone to like you?
64: Where is your best friend?
65: Give me your top 5 favourite blogs on Tumblr.
66: What is your heritage?
67: What were you doing last night at 12AM?
68: What do you think is Satanâs last name?
69: Be honest. Ever gotten yourself off?
70: Are you the kind of friend you would want to have as a friend?
71: You are walking down the street on your way to work. There is a dog drowning in the canal on the side of the street. Your boss has told you if you are late one more time you get fired. What do you do?
72: You are at the doctorâs office and she has just informed you that you have approximately one month to live. a) Do you tell anyone/everyone you are going to die? b) What do you do with your remaining days? c) Would you be afraid?
73: You can only have one of these things; trust or love.
74: Whatâs a song that always makes you happy when you hear it?
75: What are the last four digits in your cell phone number?
76: In your opinion, what makes a great relationship?
77: How can I win your heart?
78: Can insanity bring on more creativity?
79: What is the single best decision you have made in your life so far?
80: What size shoes do you wear?
81: What would you want to be written on your tombstone?
82: What is your favourite word?
83: Give me the first thing that comes to mind when you hear the word; heart.
84: What is a saying you say a lot?
85: Whatâs the last song you listened to?
86: Basic question; whatâs your favourite colour/colours?
87: What is your current desktop picture?
88: If you could press a button and make anyone in the world instantaneously explode, who would it be?
89: What would be a question youâd be afraid to tell the truth on?
90: One night you wake up because you heard a noise. You turn on the light to find that you are surrounded by MUMMIES. The mummies arenât really doing anything, theyâre just standing around your bed. What do you do?
91: You accidentally eat some radioactive vegetables. They were good, and whatâs even cooler is that they endow you with the super-power of your choice! What is that power?
92: You can re-live any point of time in your life. The time-span can only be a half-hour, though. What half-hour of your past would you like to experience again?
93: You can erase any horrible experience from your past. What will it be?
94: You have the opportunity to sleep with the music-celebrity of your choice. Who would it be?
95: You just got a free plane ticket to anywhere. You have to depart right now. Where are you gonna go?
96: Do you have any relatives in jail?
97: Have you ever thrown up in the car?
98: Ever been on a plane?
99: If the whole world were listening to you right now, what would you say?
Patulan niyo ako plis hahaha
Never the priority
Wag niyo hayaan ang sarili niyong maging spare tire, second choice o panandalian lang. Di masarap sa feeling. Sa una masaya, nasayo ang attention, nabibigyan halaga, pero dadating ka sa punto ng buhay mo na tatanungin mo ang sarili mo ng "hanggang dito nalang ba ako?" "Kelan yung araw na ako naman yung pipiliin?" "Ako naman sana muna." Nakakapagod. Sa totoo lang, gusto mo magdemand pero hindi pwede kasi una palang, wala ka ng lugar. Kumbaga sa ranking ikaw yung pang 4th place kasi 1st to 3rd place lang. Isasampal nalang sayo bigla ng realidad na "Hoy! Tanga, gising... wala kang papel sa buhay niya!"
PAANO MO SABIHIN SA KASAMA MO NA BAD BREATH SIYA IN A MEDYO GOOD WAY?
Isipin mo to ha, araw-araw kang pumapasok sa trabaho para mapaganda ang kinabukasan mo pero yung hininga ng katrabaho mo amoy nakalipas. Daig mo pa dinidelubyo everytime na kinakausap ka niya. Yung tipong dahan-dahang minomolestiya ang bawat hibla ng buhok sa ilong mo habang unti-unting nagdidilim ang paningin mo. Ganung katindi. Tapos ilang beses ka ng nag-alok ng chewing gum pero lagi na lang tinatanggihan.
At ang malala pa, ang hilig pang bumulong.
And you were like,
Kaya ang ending ikaw pa âtong nagkaosteoporosis.
At dahil sukdulan na ang paghihirap mo at hindi mo na kayang itago ang pagka-badass bitch mo, kinausap mo na lang siya sa paraang hindi siya maooffend.
#1.
âBes. Ang boring no. Tara toothbrushan kita?â
#2.
Biglang magheadset.
You: âAmoy nabubulok na bagang!!!
Bes: âExcuse me?!â
You: âAh. lyrics âyun sa dito sa kanta bes. Nag-rarap ako. Nadala ka?â
#3.
âWait. Uminom ka ba ng kanal?âÂ
#4.
You: âAng baho ng utot!!!â
Bes: âHa?!â
You: âAy hindi ba. Sorryyy baka hininga mo lang yon.â
#5.
âBes. Try mo ding wag umasa sa V-Fresh ha.â
#6.
You: âAng baho ng hininga mo.â
Bes: âWhat?!â
You: âBes hindi ikaw. Yung kausap ko sa phone. Pero pwede din saâyo.â
#7.
âBes. tae ba toothpaste mo?â
#8.
âOo alam kong nasaktan ka. Alam kong niloko ka. Pero hindi sapat yun para hindi ka magtoothbrush. Wag ganon.â
#9.
âBes aware ka ba na naimbento na ang toothbrush?â
#10.
âBes tara! Kain tayo toothpaste.â
#11.
You: âGood morning bes.â
Bes: âGabi na ahâ
You: âAyy. Akala ko umaga pa. Amoy bagong gising ka kasi.â
#12.
âKumain ka na naman ng panis?â
#13.
âBes. Remind ko lang. Sa pwet tayo umuutot hindi sa bibig ha.â
â
Pero siyempre may 3 bagay na dapat tandaan bago isagawa ang plano.
1. Dapat walang ibang tao. Para hindi niya maramdaman na nahuhumiliate siya.
2. Dapat pa-joke. Para hindi masyadong masakit.
3. Dapat hindi ka din bad breath. Para hindi ka masabihan ng, âOMG. Itâs a tie!â
â
Pero kung wala ka talagang lakas ng loob sabihin sa kanya, Â
Idaan sa OOTD.
Or  i-airbend mo na lang yung hininga niya pabalik sa ilong niya. Namemersonal na eh.