Sino nga ba namang mag aakala na walo lamang ang nakapasa. Walo sa dinami rami ng estudyandeng limangpu't lima, nalaglag ang apat na pu't pito. Sa tatlongpu, ilang interns ang natira? siyam? Oo tama, Siyam na lamang sila. Ang sakit isipin na nandoon ka na, na malapit ka na, pero bakit tila hinila lamang nang isa? Hindi ba pwede na pagbigyan na lamang sila? Hindi ba pwedeng palayain na sila? Oo, sabihin mo na hindi ako yung nasa paa nila para magreklamo. Pero Taena, ako yung nasasaktan para sa kanila. Kung ikaw kaya ang nasa paa nila, magiging okay ka kaya? Hindi kasi tama, ayun na eh isang hakbang nalang, isang hakbang at sobrang lapit na para mag martsa. Mag suot ng toga at rumampa. At ano pagkatapos? mag aaral para sumabak nanaman sa isang napakabigat na digmaan,digmaang madugo na kung saan ayaw na ayaw at walang sino man ang gustong magpatalo. Oo, masyadong madugo ang digmaan para makamit lamang ang tatlong letra sa dulo ng mga pangalan. Gagraduate na sana, isang kemobot nalang sana at RMT na, naging bato pa.
Damdaming sumusiklab









