Para sayo, saan mo gustong mag-aral? Sa Public school o Private School?
Maraming nagsasabi na kung sa public school ka mag-aaral maraming hindi maaarte at matatalino ngunit karamihan raw ng mga lalaki doon ay matitigas ang ulo o “SOYSOYAN”. At kung sa Private school ka naman raw mag-aaral maraming mga mayayaman, “social climber”, matatalino, at isa sa mga naririnig ko ay mga BOBO dahil binabayaran raw ng mga estudyante ang kanilang mga guro upang makapasa. Ano nga ba ang mas mabuting paaralan “Public o Private?”
Seguridad- karamihan sa mga pribadong eskwelahan ay may mahigpit at striktong seguridad keysa sa pampublikong paaralan. Ang mga pribadong eskwelahan ay may kakayahang mag dagdag ng guwardya dahil sila ay may sapat na badyet. Sa public, wala namang problema sa seguridad sa elementarya ngunit may malaking problema sa hayskul dahil
maraming praternity ang nabubuo.
Kalidad ng mga Estudyante- Karamihan sa mga estudyanteng nag-aaral sa pribadong eskwelan ay mayayaman o may kaya sa buhay at ilan sa kanila ay “spoiled brat”. Marami rin namang mababait na estudyante dito at magagalang. Sa pampublikong paaralan dito mo makikita ang ibat-ibang estudyanteng matatalino at meron ding estudyanteng napakahirap matuto.
Kalidad ng mga guro- Para sa akin dito pantay lang dahil ibat-iba ang stratehiya nang mga guro kung paano magturo. Ngunit Ilan sa mga guro sa pribadong eskwelahan ay hindi lisensyadong guro at kulang pa sa karanasan sa pagtuturo.
Pasilidad- Noong ako pa ay nag-aaral sa pampublikong paaralan, naaalala ko pa na kulang ang aming paaralan sa upuan. Walang maayos na palikuran at kulang sa suplay ng libro. Masasabi kong mas mabuti ang pasilidad sa pribadong paaralan dahil syempre may bayad at kompleto ang kagamitan.
Kalidad ng mga araling itinuro- Ang mga aralin na itinuturo sa mga pribadong paaralan ay may gawi na maging mas maaga kaysa sa mga pampublikong paaralan.Mga pribadong paaralan ay tiyak na magkaroon ng gilid, ngunit maraming mga pampublikong paaralan ang may espesyal na seksyong “Science” na maaaring makipagkumpetensya sa mga
pribadong paaralan.
Moral Values- “Private Christian Schools” ay may posibilidad na maging konserbatibo ang mga estudyante dahil kailangan nilang sundin ang mga patakaran na inimplementa ng paaralan. Halos
“Christian Schools” dito sa pilipinas ay mahusay sumunod na mga mag-aaral.
Ngunit para sa akin parehong pampubliko at pribadong eskwelahan ay mabuti dahil hindi basehan ang eskwelahan upang tayo’y matuto. Sapagkat, nasa estudyante ito kung dedikado siya sa pagiging estudyante, pribado man o pampublikong paaralan, kung alam niya kung paano gampanan ang pagiging tunay na estudyante, tiyak siya ay magiging propesyonal at makakamit niya ang kanyang pangarap. TANDAAN , mag-aral ng maigi. Dahil tulad nga ng sinabi ng ating pambansang bayani “KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.