DIGNIDAD
“Wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sayo” Marahil ay maraming beses mo na narinig ang salawikaing ito. Pero una sa lahat, ano ba ang dignidad? Ang DIGNIDAD ay nangangahulugang likas na karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kayang kapwa. Lahat ng tao, ano man ang kanyang edad, anyo, at kakayahan ay may pantay-pantay na dignidad. Bakit nga ba mahalaga ang dignidad? Mahalaga ang dignidad dahil dito nakasalalay ang ating karangalan.. ang ating pagka-tao. Dahil rin dito, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang walang maapektuhan. Sa mata ng Diyos, magkakapantay ang lahat. Magkapareho ang ating kalikasan bilang tao. Sa makatuwid, may tungkulin ang bawat isa sa atin na ituring ang ibang tao bilang kapwa na katulad natin, na may dignidad.
Paano mo ba maipapakita ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Una, pahalagahan ang tao bilang TAO. Hindi isang bagay upang gamitin para makamit ang ginugusto. Hindi dahil siya ay may taglay na katangian na wala ka ay maaari mo na siyang gamitin. Lahat naman tayo ay biniyayaan ng kanya-kanyang katangian, sadyang hindi lang natin ito pinipahalagahan.
Pangalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga‟t siya ay nabubuhay. Halimbawa nalang ay tayong mga anak sa ating mga magulang.
Ang ating dignidad, ang kahalagahan natin, ating pagkatao ay nakabase sa ginagawa natin para sa sarili natin at sa ibang tao. Kung paano natin sila pahalagahan o tratuhin ay ganon din ang ibabalik sa atin sapagkat ang ating dignidad ang nagsisilbing ating imahe sa lahat ng taong nakapaligid sa atin.
Palike and reblog din po. :)
Like and reblog din po. Pls share a helping hand
like and reblog pd akoa lys! thanks haha








