Kapag sinabi mong mahal mo ako,
paulit-ulit ko ring ipapaalala sa'yong mas mahal kita.
he wasn't even looking at me and he found me
Xuebing Du
art blog(derogatory)
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
tumblr dot com

izzy's playlists!
wallacepolsom
DEAR READER
styofa doing anything

PR's Tumblrdome
KIROKAZE
No title available
Cosmic Funnies

祝日 / Permanent Vacation
Today's Document

@theartofmadeline

No title available
Alisa U Zemlji Chuda
TVSTRANGERTHINGS
No title available

seen from Poland
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Japan
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Bolivia

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Italy
seen from France

seen from India

seen from Malaysia
seen from Germany
@isiey
Kapag sinabi mong mahal mo ako,
paulit-ulit ko ring ipapaalala sa'yong mas mahal kita.
Matagal ko itong binuo.
Ibinuhos ang lahat ng lakas maipakita lamang ang magandang obra. Ngunit bigla siyang dumating, nagpaalam naman siyang gusto niya itong sirain.
Pero nag-iwan muna ako ng tanong sa kaniya,
"Maganda ba?",
marahan kong tanong.
"Maganda.",
kitang-kita sa kaniyang mukha na nagustuhan niya rin kung paano ko ito binuo.
"Maganda pala bakit guguluhin?",
pahabol kong tanong sa kaniya.
Hindi na siya sumagot.
Hindi na rin siya nagpapigil, agad-agad niya itong ginulo nang hindi nag-iisip.
Matapos niya itong guluhin bigla siyang umalis. Na para bang iyon ang intensyon—sirain ang buo na.
Pinigilan ko siyang umalis.
Naki-usap na baka puwedeng buuin niya ulit ang sinira niya. Bago tuluyang umalis, baka puwede ibalik niya ang dating buo; kahit hindi na kasing ganda kagaya nung una.
Huwag niya lang itong iwanan na magulo.
Dahil dumating siyang buo, sana umalis siyang buo pa rin.
— Isiey | BRICKS | 07062024
ig: isieyy
;
5 posts!
Yay! Cheers. 🥂
dito lang ako.
Hinayaan mo ako.
Hinayaan mo akong mawala. Sabi mo, 'kahit kailan hindi mo ako lilisanin' hindi ba't sinabi mo rin na 'huwag kitang patatakbuhin'.
Hinayaan mo ako.
Hinayaan mo akong maligaw. Hinayaan mo akong bumalik sa maalingawngaw na lansangan– punding mga ilaw, rumaragasang mga sasakyan.
Hinayaan mo akong tumawid.
Hinayaan mo akong umalis. Hindi mo ako hinabol kahit ilang ulit kitang nilingon– hindi ka humagulhol.
Napagod ako. Napagod ako kakaasa na hahanapin mo ako, na pipigilan mo ako. Hinayaan mo akong mawala.
Hinayaan mo akong malanta. Hinayaan mo akong masunog sa sikat ng araw, lamigin sa tubig ng ulan. Hinayaan mo akong manlamig. Hinayaan mo akong yakapin ang sarili ko't pulutin isa isa ang bawat piraso nito.
Salamat dahil hinayaan mo ako.
Ngayong nahanap ko ang sarili ko. Natagpuan kong muli sa lugar kung saan tayo unang pinagtagpo. Natagpuan kong buo na pala ako bago ka pa man dumating sa buhay ko.
Buo na pala ako?
Bakit hinayaan kong gumulo na naman dahil lang sa pagdating mo. Akala ko mas bubuoin mo ako. Nagkamali ako.
May mga pagkakataon nga siguro na inaakala natin na kakailangan natin ng mas higit– kakailanganin natin kahit na pilit.
Hindi.
Nalinawan ako na mas kailangan natin ng matibay na pundasyon pero naligaw tayo sa malabong komunikasyon na tila nagbabakasyon sa malayong nayon.
Hanggang dito lang siguro tayo. Hindi ko alam kung wakas o may susunod pang yugto pero hanggang dito lang muna siguro sa ngayon.
Hinayaan mo ako.
| isiey
04.03.21