Gmsng k!
Hindi na bago ang makabasa o makarinig ng mga akda na tumatalakay sa mga suliranin ng isang lipunan, iba ito sa isang malikhain akda sapagkat ito ay may kritikal na ipinapahayag na marahil ay tahasang sinasalaysay.
Sa akda ni nanaybunso na pinamagatang “Ang kamalayang feminismo sa panitikang Filipino” halata naming ito ay isang akda na naisulat mahabang taon na ang nakakaraan dahil sa kasalukuyang panahon ay higit nang nabibigyan ng pantay na pagtingin ang babae at lalaki. Tignan natin ang akdang ito bilang isang basahen sa kung ano ang ating sitwasyon ngayon sa paksang ito, sa panahon ngayon ay nagkaroon ng malaking pagbabago ukol sa pagkakaroon ng kamalayan sa feminismo, kabi-kabila pa din ang mga protesta patungkol sa pagpapalakas sa kababaihan lalo ngayong paparating na Marso, at hindi lang ito dito natatapos, maging sa kongreso ay nabibigyan ito ng higit na pansin.
Nagbago man ang kamalayan ng lipunan sa feminismo, ganoon pa rin ang kanilang panlasa sa mga babasahin, halimbawa na lang ang mga diyaryo ng Bulgar, Tiktik at iba pang mga tabloid, hindi sa sinasabi kong hindi ito maganda at walang silbi, kung mababasa mo ang ilang lathala dito ay masasalamin mo kung bakit ito tinatangkilik, dagdag pa riyan ay mga pocketbooks na direktang kinikiliti ang mga isip ng mga Pilipinong mambabasa. Hindi na siguro nakakagulat na isa ang mga Pilipino sa may mabababang reading comprehension kaya hindi nagiging patok sa masa ang mga malikhaing mga akda. Hindi naman natin masisisi kung bakit ang mga manunulat ang nagaadjust sa kanilang mga nilalathala, someone’s gotta pay their bills ika nga, dahil ang pagiging manunulat ay isang propensyon.
Gaya ng pagbabago ng ating kamalayan sa feminismo, nakikita ko sa kasalukuyan na ang mga manunulat ng mga malikhain akda ay sisikat na para sa masa dahil sa ngayon ay higit itong nagbibigyan ng pansin lalo ng mga kabataan at sila ay hinuhubog na ng mga institusyon, unibersidad at pati na rin ng media.













