Do not ever compare the pain and suffering you have gone through to other people’s experiences. Hindi naman tayo pare-pareho ng pinagdaanang pain. Hindi na kailangan sabihin pa na “mas malala pa nga yung naranasan ko dyan”. If you want to comfort someone, it’s never the right way if your intention is to cheer them up. Minamaliit mo lang yung pinagdadaanan nila at yung kakayahan nilang ihandle yung problema nila. Ang pagharap sa kanya-kanyang problema at paghandle ng pain ay hindi competition, hindi ito pagalingan. Hindi porke mas mahirap sa tingin mo ang pinagdaanan mo, mamaliitin mo nalang yung pinagdadaanan ng ibang tao. Paulit-ulit kong sasabihin, magkakaiba tayo. If you cannot be the friend who listens with her heart, just don’t say anything, because your words might just add salt to their wounds.