Pag (h/t) anga đ
May magagandang bagay pa rin na nangyayari nang hindi mo inaasahan. Masaya pagkat hindi mo inaasahan. Hindi mo inaasahan sapagkat ang alam mo e hanggang dun lang sa hindi mo inaasahan. Hanggang dun lang ang alam mo dahil hindi mo talaga inaasahan. Maaring paulit ulit pero ito ang aking nararamdaman. Pero sana, maulit muli ang bagay na iyon na hindi ko talaga inaasahan. Sa parehong pagkakataon tayo nagkakilala at sa tulong niyon ay lumago kahit konti ang ating pagsasama. Pero sana, hindi pa dito matatapos ang lahat. Mabait ka, alam ko. Nakikita ko. Nararamdaman ko. Maliban na lang kung dahil lasing ka o dahil may espesyal na tao kang kasama. Pero okay lang. Natutuwa akong makita kang tumawa dahil ko. Masarap sa pakiramdam, sa totoo lang. Ang hindi lang masarap sa pakiramdam ay ang hindi ka makita kahit isang araw pa lang ang nakakaraan. Oo, may paghanga ako. Pero paumanhin kung ganito ako humanga. Malala. Alam kong masasaktan lang ako kung hihingin ko ang mas malalim na relasyon dahil alam kong hindi mo ito maiibigay. Nung isang araw ko pa itong nararamdamn pero inip na akong makita kang muli. At mas naiinip akong maglaho ang paghangang ito. Nakakainip pagkat kung magpapatuloy pa ito, mas masakit. Mas mahirap pakawalan. Mas mahirap bumitaw. Hinihiling kong maglaho ito para pag nagkita tayong muli, ang mamimiss ko lang ay ang iyong pagbati sa akin, ang ating mga usapan bilang magkaibigan. Yun lang. Wala na ang mas malalim na nararamdaman.














