this would be the last.
"I love you yesterday today and tomorrow."
i remember saying that to you back when we were still inlove. madalas nyan magpapayabangan pa tayo kung sino ang mas nagmamahal. nakakatuwang isipin ang mga nakaraan. nakakalungkot naman pagka sumagi na sa isip mong hindi na un mauulit.
sabi ng iba "don't be sad it ended, be happy it happened."
being with you is so magical. yun ang gusto kong isipin na nangyare sa atin. ikaw ang first love ko, ikaw ang nagpapatawa sakin pag umiiyak ako. tambay na rin ako sa bahay niyo. madalas dati tayong nagkikita at kung sansan naglalakad. madalas tayong walang ginagawa pag magkasama pero ayos lang, basta't kasama natin ang isa't isa masaya na tayo. holding hands, lambingan at asaran. madalas kong ikumpara ang kamay natin saying "ang laki ng kamay mo..tignan mo ung akin mukang pang batang mataba" tatawa ka nalng at hahawakan ulit ung kamay ko. minsan pinapatulog mo rin ako pag nakikita tayo ng hapon kasi alam mong puyat o pagod ako. lagi mokong pinipispisan at hinihintay akong makatulog bago mko tabihan at umiglip din.
naalala mo ba ung huling beses mkong pinatulog? may pasok ako nun pero di ako pumasok kasi tinamad ako. pumunta ako sainyo, naglaro tayo ng pusoy tas inantok ako at pinatulog mko, maliligo ka na rin kasi nun para pumasok dahil may practice kayo. sabi ko wag ka na pumunta kasi practice nalang naman un, sabi mo hindi pwede kasi baka parusahan ka nila. natatandaan mo ba na ayaw mkong paalisin nun? sabi mo gusto mo pag uwi mo andun ako..yun na ata yung huling pagkakataon na okay talaga tayo.. kasi ung mga sumunod na araw nagkalokoloko na.
pinagdudahan kita na mayroon kang iba, nagaway tayo. nalaman kong tinatago mo parin ang mga sulat nila.
naging okay tayo at nagkaayos na magiging matalik na magkaibigan muna tayo hanggang sa maging okay n nga ang lahat at magkaayos na.
ngayong araw nalaman ko na naging kayo pala talaga habang tayo noon, nalaman kong ayaw mo siyang pakawalan. tanda ko ung gabi na nalaman ko na mag ka m.u. kayo.. tayo nung mga panahon na un at nakikipaghiwalay nako sayo. natatandaan ko gano ka kalakas umiyak at nagmamakaawa na "ako nalang baby mo..ako nalang" hindi ko alam na pagkatapos pala nun ay magmamakaawa ka rin sa babae mo na wag kayong maghiwalay..
nalaman ko rin na linigawan mo ung babaeng sabi mo kaibigan mo lang.. nalaman ko na noong araw na mag pperform sila na dapat pupunta rin ako na hindi mko pinapunta ay ang araw na binusted ka rin niya.
ngayon nag tataka ako bakit mahal parin kita? bakit sa kabila ng tatlong taon mkong paulit ulit na linoko andito parin ako baliw sayo. marami akong bagay na pinalagpas para sa relasyon na to. marami akong pinalagpas para sayo. tama nga..minsan totoo rin pala ung makakahanap ka ng taong alam mo na sakto siya sa type mo pero hindi mo siya papansinin kasi may tao kang mahal.
huli na to. mahal kita. kahit ilang beses mong sabihin na gago ka, mahal parin kita. at sana mawala na tong pagmamahal na to.















