Since nagstart ang 9th month ng pregnancy ko, naging weekly na ang check ups ko then nung 37th week ko 1 cm na ko (cervix dilation kineme) tapos 38th week came and 3cm na nga daw. So tinanong ako ng ob ko if gusto ko ba magpa admit na pero nasakin naman if gusto ko naturally magdilate eh kaso excited ako so sabi ko sige admit na ko.
The plan was to give birth normally...
I was admitted and waiting sa labor room for a good contraction...
Everything was good and contractions came 1-2 mins already but my baby's heart rate was not so good with every contractions I'm facing.
I was told by my ob na cs na daw. Chill lang pagkasabi at di na ko tinanong for consent so alam kong emergency na yon. Syempre natakot ako.
I wasn't really taking ferrous sulfate dahil sa lasa so yun agad ang pinag alala ko na baka need ako salinan ng dugo pag hiniwa ako but the Lord is good and gracious.
Wala pang 1 hour tapos na ang operation ko tho sedated ako kasi nga halos hablutin ko yung kamay nung nag aanesthesia dahil di ako makahinga gawa ng kaba and the fact na mamamanhid part ng tyan so akala mo di ka humihinga.
Nagising na lang ako na nanay na ko.
Buti na lang naexcite ako na magpa admit. Siguro eto na yung sinasabi nilang mother's instinct 😊