(just yawning...🥱)
Alisa U Zemlji Chuda
Claire Keane
Xuebing Du
Three Goblin Art
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

❣ Chile in a Photography ❣
KIROKAZE

PR's Tumblrdome
occasionally subtle

if i look back, i am lost

No title available

Discoholic 🪩

pixel skylines

★
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
will byers stan first human second

No title available

JVL
hello vonnie
wallacepolsom
seen from United States

seen from Kenya
seen from United States

seen from Romania

seen from Romania

seen from Singapore
seen from Türkiye
seen from India
seen from Switzerland
seen from Türkiye
seen from Malaysia
seen from Switzerland

seen from United Kingdom

seen from Singapore
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Malaysia
@kwaderno84
(just yawning...🥱)
ibang-iba na talaga ang bagsik ng araw sa panahong ito
(tila ba'y may asupre na bang halo ang kanyang sinag?)
(image:
©Philstar.com
(image:
©cutiedp.com)
ngayong pandaigdigang araw ng aklat at karapatang-sipi, nawa'y panatilihin nating buhay ang mga panitikang nilikha mula likas na talino gamit ang diwa, damdamin at kamay na s'yang nagbibigay ng halaga sa sining ng pagsulat na kanyang nalilikha.
kahit talamak na ang sining na ginagamitan ng teknolohiya lalo na ang ginagamitan ng talinong artipisyal o AI na s'yang nagdudulot ng katamaran sa paglikha nito, walang tutulad sa sining na gawa mula sa dunong at damdamin ng tao.
nawa'y ugaliin natin ang magbasa upang mapalawig ang yamang karurungan at nang ating maibahagi ang mapupulot na mga aral na ito sa iba pang kamalayan.
patuloy lamang ang habagat ng karahasan sa gitnang silangan
na s'yang sumisira sa diwa ng kapayapaan ng sangkatauhan
bawat buhos nito'y hagupit ng sigalot na walang hanggan
hamak na maralita'y mistulantg kasangkapan ng kamatayan
(image:
©The Guardian)
magandang umaga po...
magbabaka-sakali na lamang po...
😉
kuha po kayo ng sipi ng aking zine, "Katha at Buhay"...
lumilikot, interes ng mga iilan
sari-saring puksa, pakakawalan
habang nababahala ang karamihan
wasak nang tuluyan ang sanlibutan
(image:
©The Guardian)
PATALASTAS:
(hindi ko lamang alam kung paano ko uumpisahan ang patalastas na ito...)
mahigit nang isang linggo na ang nakalipas nung naidaos ang nakaraang zine launching event namin sa pinamunuan ng Rhymes of PEG community at ng Booklat Bookshop na hindi ko talaga makakalimutan na naging bahagi ako ng event na iyon / sa tulong nga nila ay nabigyan ako at kaming 10 manunulat ng pagkakataon na makapaglimbag ng isang babasahing may kinalaman sa aming sining sa pagsulat sa pormat na zine at lubos ko itong ikinatuwa at masasabi kong nakapalaking bagay ito para sa akin na may eksposyur na rin kahit papaano sa madla ang aming pagsusulat.
ngunit, papaano ko kaya ito maibebenta? / hindi ko rin alam sa totoo po lamang / gayunpaman, sasamantalahin ko na lamang ang pagkakataon na gumawa ng isang patalastas at ipinagmamalaki na i-promote sa inyo ang aking zine na may pamagat na "Katha at Buhay"...
ang sampung tula na nakapaloob sa zine na ito ay naglalaman naman lamang ng mga iba't ibang kaganapan o karanasan na aking nasaksihan sa aking buhay... personals kumbaga / at may ilang tula roon ay may kinalaman kung bakit at paano ako nagsimulang magsulat ng tula na may kinalaman sa dati kong pag-ibig na iniwan lamang akong sawi't sugatan / ang ilan pa rito'y iba't ibang pananaw o paglalarawan ko sa ilang bagay-bagay tulad ng pag-ibig, paghawak sa suliranin, kapusukan, kung pantay o patas ba ang buhay sa lahat ng oras at iba pa / may isang tula rin dito na inaaalay ko sa aking mga magulang na namayapa na.
sa mga may interes na makakuha ng sipi ng aking zine, kahit sa magtanong na lamang po kayo sa message sections ng aking socmed pages (FB, IG, tumblr o threads) at doon po tayo mag-usap sa pag-order. / at sa mga nakakuha pala ng aking sipi doon sa mismong event, salamat na rin po nang marami...
salamat muli sa komunidad ng Rhymes Of PEG sa IG at kay Ms. Jessa Erandio (Between Lines and Verses) sa inyong tulong at may pagtupad din kahit paano ang simple kong pangarap kahit sa mumunting hakbang at naibigan ninyo ang aking mga katha / at sa Booklat Bookshop sa paghanga ninyo sa aming gawa at nawa'y dumating ang panahon na higit pang mapalawig ang aming zine...sa buong bansa 🤞
yun na lamang po muna... asahan ko na lamang po ang inyong suporta! ✌️👌
tangkilikin po natin ang pampanitikang filipino...
#zine
#ropzines
#kathaatbuhay
#panitikan
panibagong sigwa na naman ang sinagupa...
sa likod ng isang ngiti
puso'y palihim na kay hapdi
pait nito'y pilit na ikubli
maitago lamang, sakdal nitong sarili
(image:
©Mista Allen | Pinterest)
tang-ina. lunes na nga naman. uwi na ako...
biglaang nanumbalik...
(image:
©Stablecog)