First mall experience ko yata for this 2024. Sabi ko kasi gusto ko ng roasted chicken sumwhich ng Subway, at gusto ko rin mag-matcha sa Muji, so ayun. Dinala ko yung favorite kong camera na may manual lens.
Uuwi sana agad pero dahil rush hour na sa labas, nag-walkathon muna sa loob ng SM North. Bwisit na trip 'yan. Kumain ng lugaw sa foodcourt, tumingin ng sapatos sa SM Dept. Store, umamoy ng shits sa Body Shop, lumanghap ng mga libro sa Booksale (napabili ng isang Splinter Cell paperback worth Php95.00 just for the sake of having the book, fan kasi ako ng games nito noong 2000s,) bumili ng pang-summer na damit sa Surplus worth Php299.00, tumingin ng anik sa Uniqlo.
Uuwi na sana talaga pero dahil maaga-aga pa, nag-tea muna sa SM Annex para makaupo lang sa malambot na silya.
Napilitang mag-taxi pauwi dahil grabe yung pila sa bus. Nakipag-haggle pa sa manong taxi driver. Ramdam ko rin naman yung struggle nila, kaya ano pa bang ilalaban ko, sige na, dagdag 50.
Bumili ng Lembest na roasted chicken. Dami kong chicken lately baka tumilaok na ako bukas.
Ayun, ngayon ang sakit ng balakang ko.