Ano ang mga bakuna at gaano kabisa ang mga ito?
Ano ba ang Bakuna?
Ang mga bakuna ay isang simpleng, ngunit isang ligtas at epektibong paraan ng pagprotekta sa ating sarili mula sa mga nakamamatay na sakit tulad ng Polio, Influenza Virus, Tetanus at Hepatitis bago pa ito dumapo sa ating mga katawan Ang bakuna ay binabawasan and pagkakataong tayong mahawa sa sakit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ating mga katawan upang mas maprotektahan ang ating sarili.
Bakit ba tayo kailangan magpabakuna?
Tayo ay kailangan magpabakuna dahil subalit maliit ang pagkakataaong tayo ay mahawa sa isang nakakamatay na sakit, mas ligtas tayo kung ito ay paghahandaan agad natin upang hindi tayo mapahamak. Ang bakuna ay minsan rin kailangan sa mga lugar kung saan madali ikaw makapitan ng sakit katulad ng sa mga probinsyang madamo o mga bukirin
Ligtas ba ang Bakuna?
Ang bakuna ay siniguradong ligtas ng mga Siyentipiko upang hindi mapahamak ang mga taong magpapabakuna. Gayunpaman, mayroong parin maliit na pagkakataon na hindi pwede sa isang tao ang isang Bakuna. Kadalasan ang dahilan nito ay sila ay may sakit na nagpapahina sa kanilang katawan o may allergy sa mga nilalaman ng bakuna, pero ito ay hindi malamang kung ikaw ay walang sakit na nagpapahina ng katawan mo
May Side effects ba ang Bakuna?
Katulad nang iba-iba pang mga gamot sa katawa, ang Bakuna ay may sariling mga side-effects katulad ng Mild Fever, pain or soreness kung saan ka na iniksyon
Ang aking Opinyon sa Bakuna
Sa aking opinyon, ang Bakuna ay isang mahalagan aspekto ng ating buhay dahil ito ay nakakatulong saatin magtayo ng resistensya contra sa mga sakit na nakakamatay o nakakapahamak sa ating sarili o sa mga minamahal natin sa buhay. sa aking opinyon ay tayong lahat ay dapat magpabakuna kung tayo ay maypagkakataon dahil mas ayos maging ligtas kaysa umaasang hindi tayo dapuan ng sakit












