Ako po si Edlyza Myca Pacubas Velasco, labing tatlo taong gulang, nag-aaral ako sa Divine Word College of Vigan.
Noong maliit pa lamang ako masaya at walang problema. Ang problema ko lang ay kung papayagan ba akong maglaro at mga laruan. Isang maliit na bagay grabe na ako kung ngumiti. Noon puno ng tawanan sa mga kalye at sa tahanan, maingay nga pero nasa mukha naman natin ang walang katumbas na kasiyahan. Ngayon, hindi pa ako/tayo magsasayang ng pawis para tumawa at sumaya dahil isang pindot mo lang sa cellphone tatawa ka na, iiyak ka na, sasaya ka na. Ang tahimik sobrang tahimik nasan na ang mga ala-ala.
Noong nasa ika-tatlo hanggang ika-apat na baitang palamang ako, ako ay isang batang lampa at minsan inaapi. Pero ako parin ay isang batang palatawa, masayahin at palakaibigan. Walang problema, hindi inintindi ang mga sinasabi nila, tahimik lang, ang akala nila wala akong laban at hinding hindi na lalaban. Tinanong ko ang aking sarili "bakit ako lampa?" at sinabi ko naman sa aking sarili "hindi na ako magiging lampa!". Namulat ako at naging matatag at lumakas. Nagtiwala ako sa aking sarili.
Ang buhay ko ngayon ay masaya, malungkot at nakakasawa. Madaming problema pero alam kung kakayanin ko ito. Nakakasawang mag-aral pero sige lang para sa pamilya, kinabukasan at para sa aking sarili. Minsan ang pamilya ko narin ang nagbibigay sakin nang problema at dahilan ng aking kalungkutan pero sabi ko kaya ko to, laban lang, dahil mahal ko pamilya ko. Eto ako ngayun binibigyan ng solusyon ang aking problema. Kaya ko to, magtiwa lang sa sarili. Yan ang tinatak ko sa aking puso at isip. Yan ang Edlyza Myca Pacubas Velasco na ngayun, hindi lampa, kayang ipaglaban ang sarili at may tiwala sa sarili at mag-aaral ng mabuti para sa sarili, pamilya at kinabukasan.