KUNG
Kung di mo kayang pahalagahan, pakawalan mo na lang. Di niya deserve masakta.
Kung di mo kayang magpakatotoo, tigilan mo na lang. Mawawalan lang siya ng tiwala sa lahat.
Kung di mo kayang alagaan, hayaan mo na lang ang ibang may mas kaya. Di niya kailangan magsayang ng oras sayo.
Kung di mo kayang sabihin ang lahat sakanya, sarili mo na lang lokohin mo. Di siya manhid para di maramdaman yung mga sakit na dinudulot mo.
Kung di mo siya kayang pasayahin o patahanin tuwing may nararamdaman siya, alamin mo na sa sarili mo kung tama ka ba para sakanya. Di niya kailangan magkunwaring masaya pag kasama ka niya.
Bakit di mo kayang suklian man lang ang pagmamahal, pagsasakripisyo, pagpapasaya, pagpapakumbaba, pag aalaga, pagiging tapat niya sayo? Samantalang lahat ng bagay ay ginagawa niya para sayo, kahit anong kapalit ng gagawin niya patuloy parin siya dahil para yon sayo. Pagkatapos siya pa rin ang magmamakaawa para sa atensyon mo.
May mga babaeng gagawin lahat lahat, pero may mga lalaki ring babalewalain ka lamang. -N.M











