Fact ( I'm not a basketball fan)
Hindi talaga ako basketball fan "dati'. Ayoko sa basketball, ayoko sa laro, ayoko sa players.
If there is one word na makakapag-describe kung paano ko tingnan ang basketball "dati" at sa mga fan nito, yan po iyon. (At kinain ko na yan.)
The Night That Flipped My Life (FIBA Asia Cup)
One night I decided joining my family watch the game dahil puro yun ang pinapanood nila. Tapos nakita ko si Japeth. Nakita ko si Japeth, marami sila na maglalaro para sa Pilipinas pero sa kanya lang talaga gumana ang aking mata.
(Para akong may selective eye defect, sa kanya lang gagana yung mata ko, wala ng ibang nakikita. parang camera na naka-auto focus)
Bumaliktad yung mundo ko. Nagbago yung pananaw ko. At nagsisi ako kung bakit ngayon ko lang na-appreciate ang basketball.
(In a sense naawa ako sa sarili ko.)
Yung "baduy" na idea about basketball kinain ko na. Yung "inis" kapag nililipat nila papa yung channel para manood ng basketball game, napalitan ng pagkahumaling, excitement, at saya. Tumatak sa utak ko yung "Aguilar", yung "number 14", yung basketball, yung naglalaro, tumatak yung tuwa.
Nung makita yung moves niya, lalo na yung dunks and alley-opp, iba! Wala na, wala akong masabi siya na talaga! Dagdag pa yung mga side comments ni papa like:
"Wala talagang yabang sa katawan",
"Astig ng galawan, pero ang humble ng taong to."
Habang sinasabi ni papa yung mga salitang yun, kinikilig ako ng palihim at take note "unang beses pa lang yun ng panonood ko kay Japeth. Iba talaga yung karisma niya :'>" Simula noon sinubaybayan ko na lahat ng laro niya, nag-research, hinanap yung mga social media accounts niya (parang stalker diba? Oo, pero ang saya. :) ) Instant fangirl ako that night, and i love it! ♥
Not sure if a stalker or a fangirl (Obsession)
Super saya ko nung nanalo ang Pilipinas sa Korea, natapos na ang sumpa. Pero sa akin magsisimula pa lang pala.
Akala ko after nun matatapos na rin ang pagkabaliw ko sa kanya. Tapos ang naging team niya for AllFilipino Cup ay Ginebra, na mas lalong nagpalala, lalo siyang nagmarka. Nagustuhan ko ang team, tulad ng pagkagusto ko sa kanya.
Nagsimula na akong bumili ng mga merch, mag-print ng pictures, at mas maging active sa social media para maka-interact sila. Yung simpleng "favorite" "retweet" at "heart" sa IG sa tuwing nakakatanggap ako ng ganon kay Japeth yung feeling ko mas matindi pa sa nanalo sa lotto, mas masaya pa sa manliligaw na sinagot ng nililigawan niya.( Mababaw diba? pero ganun talaga.) Ako na ang nagpupumilit na manood ng PBA, halos lahat ata ng game sinusubaybayan ko na, naglalaro na rin ako ng basketball at ginagaya ko sila. Sa tuwing wala sa starting five si Japeth naiinis ako, sa tuwing walang game ang Ginebra sobrang boring ng feeling ko, kung pwede lang sana na araw-araw ang game ng Ginebra, kaso kawawa naman sila. (Ang selfish ko naman kung ganon diba?)
Perks of being a Journalism Student (Ultimate fangirl dream granted)
Nung una ko siyang makita, ang lamig ng buong katawan ko, halos di na dumaloy yung dugo sa ugat ng katabi ko dahil sa pagkakapisil ko sa braso niya dahil sa pagkagigil at hindi talaga ako makapaniwala. halos maiyak ako nung araw na yon, yung pakiramdam ko? Wala na akong mahihiling pa. Nung araw na yun tinanggal ko lahat ng hiya sa sarili ko, ginawa ang gusto kong gawin at sinabi ang gusto kong sabihin, akala ko kasi hindi na mauulit ang ganong pagkakataon. Pero napakabuti ng buhay at pina-ulit niya pa ako, at alam kong mauulit pa ito.
Opo. Estudyante po ako sa pamamahayag. Nakakatuwa. Dahil sa kurso ko ay nakita ko sila. Na-interview ko sila ng mga ilang beses na para sa requirement namin magazine. Hindi ako makapaniwala. Nung natalo yung Ginebra sa AllFilipino Cup, ilang araw na mugto ang aking mata sa pag-iyak. Sa tuwing binabanggit ng mga kaklase ko yung "BGSM" at "talo" bigla na lang talaga tumutulo yung luha ko.
Sumama pa nga yung loob ko sa isang close friend kong SanMig fan na laging pinapa-mukha sakin dati na:
"Mananalo na yung BGSM kasi matagal ng di nagcha-champion, para kumita ang PBA!"
Tapos natalo yung BGSM,sumabog talaga lahat ng sama ng loob ko nung gabing yun, hawak ang cellphone habang luhaan nag-status ako:
"Oh ano? talo na yung Ginebra, luto pa rin ba? GAGO!"
Yung pag-iyak ko isa sa mga katibayan na hindi lang gusto kundi mahal ko si Japeth, mahal ko ang buong team, mahal ko ang Ginebra. (Ang OA diba? Pero sabi nila ganyang daw talaga pag totoong fan ka.) *Nagkaayos din naman kami nung close friend ko, pero bumilang muna ako ng araw bago mangyari yun :)*
(Ni isa wala akong naging idol na artista, si Japeth ang una, si Japeth lang na isang basketball player pa. Na dati kong kinaaayawan. Napaka-mapaglaro ng tadhana diba? Ganyan ang buhay, di mo alam kung saan ka dadalhin kaya dapat lagi kang handa. may mga biglaang pagliko, may pag-akyat at pagbagsak.)
He's my inspiration (Courtside reporter)
Sabi nila sagabal daw sa pag-aaral ang pagpa-fangirl? Parang hindi naman? Ilagay lang sa tama, at dapat alam mo yung mga tungkulin mo as a student. Dean's Lister po ako at isa si Japeth sa mga taong credited sa achievement kong iyon. Isa kasi siya sa inspirasyon ko, lalo na ngayon at gusto ko na maging courtside reporter. Iniisip ko palagi na kapag inayos ko yung pag-aaral ko mas malaki ang chance na mas makadaupang palad ko sila. Hindi po sagabal. Hindi talaga. Nasa tao yan kung paano niya pagagalawin ang mga bagay bagay.
Walang salitang makakapaglarawan kung bakit ko nagustuhan si Japeth. Basta ang alam ko gusto ko siya at tiyak walang magbabago doon. Para kasing magic. Tama! Magic nga. Ginebra Magic!
Sabi nga nila ang tunay na pagmamahal ay ang pagmamahal ng walang dahilan. Ganun yung pagkagusto ko sa kanya, kayo rin ba?
Salamat po sa pagbabasa. :)
Paumanhin po may mga grammatical error. :)