5 reasons why I love my girl
Heto na naman ang panibagong post ko sa account na ito. Limang rason lang naman kung bakit mahal ko yung girlfriend ko. Sa totoo lang, hindi parin sapat yung limang rason kung bakit ko siya mahal, perooooooo. Iisa lang naman talaga yung nagustuhan ko sa kanya pero pakiusap niya sakin na lima(5) daw ang ibigay ko.
Una.
Bakit ko nga ba talaga mahal yung girlfriend ko? Ikaw ba naman magkaroon ng girlfriend na napakaganda sa paningin mo, hindi ka ba talaga maiinlove o magiging crush man lang? Ang sarap niya kasing titigan, lalo akong naiinlove sa kanya. Pero tandaan, hindi ko binabase sa muka ng tao kung gaano ko siya kamahal. Pero siya, sobrang ganda niya sa paningin ko at walang salita makakapagsabi kung gaano ko siya kamahal.
Ikalawa.
Yung pakikitungo niya sakin, kung paano siya magsalita. Gaya nga ng sinabi ko nung una, CRUSH ko na siya at walang makakapigil sa'kin. Ang sweet sweet niya kasi sa'kin na alam mong ikaw lang talaga yung lalaki na nagbibigay sa kanya ng mundo at kulay sa madilim nyang mundo noon.
Ikatlo.
Sobrang pinagpala ako sa kanya. Mahal ko naman na talaga sya bago pa man maging kami. Hindi 'to infatuation pero tuwing nakakasama ko siya nabubuo yung araw ko. Bakit ko siya mahal at bakit ako pinagpala? Binigay siya ng maykapal at kailangan kong ingatan ng sobra. Kaya minamahal ko siya ng lubos lubos at sobra sobra pa sa mga sumusunod na araw.
Ikaapat.
Isa to sa mga pinaka gusto ko, mahal ko kung paano niya ako mapasaya. Alam na’tin na malaking bagay lalo na kapag sa karelasyon mo na napapasaya ka. Kumbaga, nakakalimutan mo panandalian ang mga problema sa buhay mo. Pero alam mo yun, hindi naman din dahil sa mga jokes, o ano pa mang ginagawa nya pero ginagawa niya lahat kasi unang una yung mararamdaman ko ang pinaka-importante para sa kanya.
Ikalima.
Ikalima? Eto na ang pinaka huli sa lahat. Yung totoong rason talaga kung bakit ko mahal yung girlfriend ko kasi mahal na mahal niya ako kung sino at ano ako. Tanggap niya kung paano ako kumilos, paano ako magsalita, paano ako magmahal, lahat ng worst and best ko nakita na na niya. Kahit anong mangyari hindi parin nagbabago yung paningin niya sa’kin kasi nga mahal na mahal niya ako.
Ikaw?
Bakit mo mahal yung taong mahal mo?













