To whoever will take care of my Lola
Hi! I’m Kleyan Definitely, my Lola will no longer ask for my help to teach you and remind you of all the things you must know as she accepted you to assist her. Yes, I will be out of sight. Yes, she needed someone who can assist her because I will not be around..Because for some reasons, I left. So first of all, let me introduce her. My Lola, has diabetes, her right body is paralyzed due to its implication. She wore glasses like mine. She’s caring, loving, she loves to cook and sing. She is independent, smart and her memory is great! She loves to wear colourful bestida at home. Green, Red, Blue, Purple, Pink, Orange.. She lit our home with her vibrant personality... and then, she undergo an attack way back 2010. Things had to change.. ..Be ready because its not too easy to deal with her now. She easily gets irritated, she always nags, she will shout whenever she needed something, she always frowns. Its never easy to understand her but please.. please be patient. Please be on time. My Lola always had a hard time completing an eight-hour sleep, So at around 5 in the morning she’ll wake up, will pray and get out from bed at 6 am. Prepare a glass of water and put an enough amount of toothpaste to her toothbrush. She will appreciate her when it is prepare before she goes out of her room. Her morning will composed of breakfast, meds and watching morning shows. (Be reminded of these things, her Blood sugar tester, cotton, alcohol insulin and syringe.) You can do whatever you need to do because she will take a nap at 10 am. I remember when I was there, when I don’t have classes, I lie beside her. We will listen to the music from her radio. And I will be the one who’ll fall asleep Hahaha.. I will be mad at her coz she’ll wake me up to prepare all the needed ingredients for our lunch, its too early for me to do that at 11 am. Your dishes will never taste great to her. Sasabihin niya sayo na di masarap, kulang sa ganto, kulang sa ganyan, pero kakain siya ng madami. Please understand that It will never taste like hers. Always talk to her, lagi siyang mukang galit pero makakausap mo yan. Lagi kang makakarinig ng rants from her. Pag uusapan niyo yung buong buhay niyo.. wag ka sang mapagod magkwento. Uulit ulitin niya sayo kung gano siya sinuyo ng lolo noon, kung pano siya kinabahan nung pinakanta sa school ng tito, kung pano niya sinabit ang medal nung bata pa ako. Wag ka sanang mapagod making. Maarte siya. Gusto niya yung matagal mo siyang papaliguan sa banyo, shampoo, conditioner..yung paborito niyang sabon..mag ingat ka kasi di niya makakalimutan kapag nalagyan ng tubig yung loob ng tenga niya. Ikaww ang mamimili ng daster na susuotin niya.. gusto niya yung hindi maikli, yung muka siyang fresh, yung makulay.. papalagay siya sayo ng lotion at magpapasuklay.. Makakalimutin siya. Tatawagin ka niya sa kung ano anong name. Lhala, Pronda, Jella, Inday, Tess, hanggang sa maalala niya yung pangalan mo. Pero kailanman, hindi niya makakalimutan yung sukli niya, yung birthday mo, yung paborito mong kulay at yung di mo kinakain..Kinakalimutan niya yung galit niya kahapon sayo, yung hindi mo pagdating ng maaga, at di mo pagsunod sa utos niya. Matampuhin siya. Nagtatampo siya kapag di mo pinansin yung pagtawag niya sayo. Kapag di moo siya binili ng gusto niya. Kapag umuwi ng gabi si lolo. Kapag umabsent ka at di ka nagtxt. Kapag nakalimutan mong sabihan siya ng dapat alam niya. Madamot siya. Ayaw niyang nagpapahiram ng gamit. Wag mong balaking itry yung mga damit niya, yung alahas niya, yung sandals niya. Ako lang pinapahiram nun. Pag gusto mo ang isang bagay, hindi niya to ipapahiram, ibibigay niya to sayo. Wag mong gamitin and bed slippers niya. Dahil hahanapin to ng mga paa niya pag baba galing kama. Lagi siyang malungkot. Iritable.Mahirap Intindihin. Madamdamin.. Ipapadial niya sayo ng paulit ulit yung number nila tita. Paulit ulit yon hanggang sa mapagod na siyang umasang sagutin nila ito. Pessimist. Lagi siyang nag iisip ng hindi maganda. Lagi niyang sasabihin sayo na wala na siyang kwenta. Na wala na siyang halaga, na wala na siyang kayang gawin.. Maging kanang kamay ka sana niya habang wala ako. Tagahalo ng sinabawan niyang luto. tagakamot ng likod. Taga ligpit ng kumot. Hawakan mo sana siya. Ihipan mo mata niya kapag napuwing siya, Buksan mo sana siya ng pinto. Wag ka sanang mapagod. Wag mo sana siyang hayaan mag isa. Wag ka sanang maging ako. ....











