Stay out of your comfort zone! 💕💋💗 #quotestoliveby #Happiness #mantra #foodforsoul #heartfelt #goodvibes #sailing #lifeisbeautiful #lifequotes
KIROKAZE
Xuebing Du
RMH
d e v o n
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
Mike Driver
h
almost home
wallacepolsom
tumblr dot com

ellievsbear
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
sheepfilms
Not today Justin
Sade Olutola
Jules of Nature
One Nice Bug Per Day
Peter Solarz
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Sweet Seals For You, Always
seen from Türkiye
seen from Chile
seen from Tunisia
seen from Bangladesh

seen from Canada
seen from Türkiye

seen from Belarus
seen from United Kingdom

seen from China
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Singapore
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Germany

seen from Bangladesh

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Taiwan
seen from France
@misschievousclassy
Stay out of your comfort zone! 💕💋💗 #quotestoliveby #Happiness #mantra #foodforsoul #heartfelt #goodvibes #sailing #lifeisbeautiful #lifequotes
A day full of goodness! 😍💫💕 @aristocrat_ph @starbucksph #Silvanas #mochafrappe #Happiness #happyheart #foodie
There's beauty in simplicity. 😍
Pork Sinigang 😂😂😂 #Foodie #foodporn #asian #philippinecuisine #dinner #sinigang #happyheart #fullstomach #delicious #greens
"Peace at home is peace in the country. Peace in the country is peace in the world." ❤️⛅🍃 #Home #sundayvibes #nature #trees #skyline #clouds
"If you can't fly then run, if you can't run then walk, if you can't walk then crawl, but whatever you do you have to keep moving forward." #todaysthought #mantra
2018 Mantra! Let's do this! 😉😉😉
I received a set of Haircare this Christmas! Brand that I loved ever since HS Days! #paganini T H A N K S @dionisiojohnmichael @mariapcns 😉 #thoughIvebeenfooledinthe wrappingPart
Shrimp for Tonight! 😍😍😍 by yours truly. ❤️
Garlic Buttered Shrimp ❤️
“FOLLOW YOUR PASSION” IS MEDYO MISLEADING
Kapag hindi ka masaya sa ginagawa mo, ang lakas makapangunsinti ng mga linyahang, “You should follow your passion.” Kapag hindi ka nag-eexcel sa propesyong meron ka, palaging, “Kasi hindi naman ata yan yung hilig mo. Dapat sinusunod mo kung ano ang makakapagpasaya sa’yo.” ( Shet. Napakamakabagbagdamdamin.) Yung kapitbahay ko nga, passion daw niya ang mag-inom at maglasing. Bakit hanggang ngayon wala pa siyang kumpanya ng beer? Etong si Pareng Steve Jobs, literature naman talaga ang totoong passion niya nung college, so bakit may pa-Iphone iphone na siyang nalalaman ngayon?
Kung ang tagumpay ng tao ay nababase lamang sa pagiging passionate niya, sana lahat ng tao kasing sikat ni Ellen Degeneres. Kasing sucessfull ni Walt Disney. Kasing yaman ni Xian Gaza ( wait, what?! ) Merong mga taong mas passionate pa sa larangan nila pero bakit hindi pa rin nilang magawang maabot kung ano ang naabot nila? Kung sa simula pa lang panay na ang talo ni Pacquiao sa boxing sasabihin pa rin kaya niya na, “Pasontok ka lang ng pasontok. Follow your Passion.” Andun na kasi sila sa rurok ng tagumpay kaya baka may masabi na lang– para kunware iconic.
Maraming rekado ang kailangan mong isahog para magtagumpay. Kumbaga sa adobo, yung passion mo, isang sachet lang ng ‘Magic Sarap’.
Minsan kasi masyadong misleading yung “Follow your passion” na yan eh. Hindi porket sinunod mo kung ano ang hilig at gusto mo, magtatagumpay ka na. Like, agad-agad? Instant noodles lang ang meron, walang instant sucess. And you cannot short circuit success by just passion alone. Sa lahat ng lalakbayin mo andun palagi ang hirap, stress, at kabiguan. Pwede mong ininja-moves pero hindi mo matatakasan yan.
Parang napakaself-centered lang pakinggan kung mabubuhay ka dito sa mundo para sundin lang ang passion mo. Na nakasalalay ang tagumpay mo sa kung gaano ka ka-passionate. Na ang kaligayan mo ay nakadepende lang sa kung ano lang ang gusto mo. Ang selfish ng very light. We should not romanticize passion like ‘it is everything’. ‘Coz ladies and gentlemen, we are more than just our passion.
Para kasi sa iba, kapag hindi mo ginawa ang mga bagay na nakakapagpasaya sa’yo, parang sinasayang mo lang ang oras mo dito sa mundo. Na magsisisi ka for the rest of your life kapag hindi mo sinunod ang.. tandadadannnn. ang passion mo. There’s more to life than your passion. Wag mong i-isolate ang kahihinatnan ng buhay mo sa kung ano lang ang passion mo. Minsan, kailangan mo ring gawin ang mga bagay na hindi mo gusto para malaman mo ang tunay na kahulugan ng tagumpay.
I’ve been working here in Qatar for almost 3 years. ( Wow, English.) Hindi ko man direktang nakukuha yung sayang gusto ko sa loob ng trabaho ko, kapag naiisip kong ito ang dahilan kung bakit ako nakakapagprovide sa pamilya ko, mas doble pa yung sayang bumabalik sa’kin. (*sent screenshot to MMK kase may tumulong uhog sa kaliwang butas ng ilong.) And seeing my pamili happy, ohmaygad, my pamili…for me, uhm wait.. i told you that i was, seeing my pamili happy is already a sucesss. Bale, yung punto ko dito, kung happiness lang ang rason mo, there are almost 1,000 reasons to be happy na hindi involve yung sinasabi mong passion. Change the way you see things. Change your perspective about life.
It’s not just about doing what you love. It’s not just about passion. ( Dahil kung ganun din lang, sana tumambay na lang ako sa bahay at nagmahal ng lubusan.) It’s learning to love what you do at pahalagahan ang bawat opurtunidad na dumadating sa’yo gaano man ito kaliit o kalaki. Maging bukas ka sa lahat ng posibilidad na hindi nililimitahan ang kakayahan mo sa kung ano lamang ang passion mo. Higit ka pa sa iniisip mo. Marami ka pang magagawa.
Follow your purpose, not just your passion. Dahil yung calling mo, hindi lang limitado sa kung ano ang passion mo. Alamin mo yung pinakamalalalim na rason ng existence mo dito sa mundo and from that you will find the success that you really deserve na hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay.
—
Hi bes, may page din ako oh. Link here.
PINOY CELEBS AS WAZE’S NAVIGATION VOICE
KRIS AQUINO:
OMG! Traffic. So ganito, turn left tayo….ayan. Perfect! So ayan, magleft ka na here. Kasi nung dumaan ako dun last week mga monday din yun as in grabe I swear, walang traffic. Then I remember when my dad told me about… Ohmygosh! Nakakaloka! Nakalampas tayo. Turn right daliiii. Ginusto ko to eh why not? panindigan!“
RUFFA MAE QUINTO:
“Go go go!!! Drive drive lang to the highest level. Turn right ka in 20 meters you know. Ay mali, pasensha na. Left pala dapat. Ok fine. Todo na ‘to! Whoooo!!!”
PIA WURZTBACH:
“To turn right in 200 meters is both an honor and a responsibility. You can show the world the universe rather that you are confidently traveling with a heart.”
TONI GONZAGA AS PBB HOST:
“Driver, nagustuhan kaya ng taumbayan ang ginawa mong pagU-turn? O mas pinili nilang pa-diretsuhin ka na lang para maka-iwas sa traffic? Malalaman mo kung ilang metro ka magraright-turn… sa aking pagbabalik.”
PRESIDENT DUTERTE:
“Putangina. Sabi ng kaliwa! Buang ka.”
KUYA KIM:
“In 300 meters, turn right to Osmena Hi-way. Kaunting kaalaman lamang. Alam nyo ba na ang Osmena Hi-way ay intersection ng Qurino Avenue sa Paco Manila hanggang Alabang, Muntinlupa. 3 bayan ang dinadaanan nito; Manila, Makati at Pasay.
MOCHA USON:
Hello mga ka-DDS, sa loob ng tatlumpung metro, kumanan ka dahil yun ang tamang daan. Wag tayong dumaan sa Tuwid na Daan dahil mga Dilawan yan. Bilisan mo lang Ka-DDS, kapag naaksidente ka walang may ibang kasalanan diyan kundi si VP Leni.
ANGELICA PANGANIBAN:
“Putangina. Sabi ng kaliwa in 200 meters. Ano? Nawala wi-fi ng kapitbahay? Ang pasensya ko di basta-basta nauubos pero ang 4G ko konting-konti na lang! Bilis!”
JOHN ARCILLA AS HENERAL LUNA:
“Lumampas ka na punyeta! Sabi ng magdahan-dahan. Meron tayong mas malaking kaaway kaysa sa mga traffic enforcer. Ang ating mga sarili.”
"Kumanan o Mag-Uturn? Pumili ka!”
LIZA SOBERANO:
“In 200 meters, turn right. Ohmygosh. I don’t want na. I’m shy na.”
MAM CHARO:
“Dear Driver, Pagsapit ng sampung metro, kumanan. Pagkarating sa iyong napiling destinasyon, hulaan ang title ng episode ngayon. Nagmamahal, Ate Charo”
ZENAIDA SEBA,
“Sa buwan ng Hulyo, mas mainam na kumanan pagkalipas ng 200 metro. Malas ang mag-Uturn. Magiging malapit ka sa aksidente dahil kulay lavander ang panty mo. Tandaan, hindi hawak ng mga bituin ang kapalaran natin. Mayroon tayong traffic light, gamitin natin ito.”
TITO BOY:
“Kaibigan, usap tayo. Now naaaa!! Let’s do the fast talk. Kanan o kaliwa? In 300 meters, Red Light or Green Light? Lights on or Lights off?”
JANINA SAN MIGUEL:
“Well, In 100 meters, turn right. B’coz there was the wa- they’re, they was the one who’s… very… Hahahaha… Oh I’m so sorry, Ahhmm… left pala. Oh my god… I told you I’m so confident. hahahahah. Sorry guys because this was really my first trip ever b’coz I’m only 17 years old and ahahaha I, I did not expect that we came from U-turn. Hmmm, so… but I said dot our family is the most important persons in our life so left talaga. Thank you.”
THE BREAK-UP CHECKLIST
Ayon sa survey, sa sampung relasyong nauuwi sa break-up, walo ay naghihiwalay ng walang proper closure at ang dalawa naman ay nauuwi sa morbid na saksakan. Bakit? Dahil hindi nabibigyang linaw ang bawat detalye kung bakit nga ba sila nag-break dahil sa matinding bugso ng feelings.
This checklist is provided para masagot ang bawat tanong na minsan ay nakakalimutang itanong during break-up at upang maiwasan ang hanging questions in the end. #BreakingUpTheEngineerWay
—-
DIRECTION:
1. Answer the following questions ng walang pag-iimbot at buong katapatan.
2. Right minus wrong. ( Kahit man lang ngayon dapat sigurado ka na.)
3. The more diin the handwriting, the more na atat na atat kang kumawala sa akin.
4. Late submission will not be accepted. ( Gaya ng rejection na nararamdaman ko ngayon.)
5. Write legibly. Kahit ngayon man lang para mabigyan mo ng linaw kung ano ba talaga.
6. No erasures. Mahahalatang hindi sincere.
7. No cheating. Paulit-ulit na kasi. Hindi ka pa ba nagsasawa?
QUESTIONS:
1. Ano ba talagang problema? May ginawa ba akong mali?
( “It’s not you, it’s me.” is not aacceptable. Try another stupid excuse.)
*Please provide another sheet kung madami kang dapat ipaliwanag.
2. Am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?
( Skip this question kung di ko kasing ganda si Liza Soberano. )
3. Kelan mo pa naisip na gusto mo ng makipaghiwalay?
A. Nung last monthsary/weeksary/daysary natin?
B. Nung last time na nag-away tayo?
C. Nung narealize mo na meron ng mas higit sa’kin.
4. In line with question #3, bakit mo pa pinatagal?
A. Dahil alam mong maayos pa natin ito dahil mahal mo ako. #Hoping
B. Dahil naaawa ka na lang sa’kin. ( Awa is a big word.)
C. Dahil takot ka na baka ipa-bash kita sa mga followers ko sa peysbuk?
D. Dahil hinihintay mo pang matunaw ang mga fats ko sa tagiliran.
5. Para kanino ka na bumabangon ngayon? May iba na ba? ( If wala, proceed to #9. ) Pero ang lakas ng kutob kong meron. So please specify the details ng bago mong kinahuhumalingan.
Complete name pati middle initial ng lola niya.
FB account
Exact home address
School/office address
Suking tindahan
Restaurant na madalas kainan. ( At paboritong orderin.)
Exact location kung saan nag-aabang ng jeep.
Oras kung kelan umuuwi ng bahay.
Location ng mga CCTV sa kanto nila.
Bonus Points: Make a quick sketch of him/her nang maipablatter ko na agad. *Stick figure is not allowed.
6. At what point ka biglang nahulog sa kanya? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.
7. Masarap ba siyang iVersace on the foor? Arrange the following depending upon the level of sarapness.
McDo Fries
Hawaian Pizza
Me ( Choose me. choose me. )
Jollibee Chicken Joy
Me ( Choose me. choose me. )
Ellen Adarna
Me ( Choose me. choose me. )
Yung Bago Mo.
8. Anong meron siya na wala ako? Give atleast 3. ( Tatlo lang please. Mas masakit kapag nilahat mo.)
9. Kelan mo naramdamang hindi mo na ako mahal? State the complete date, exact time, maging ang eksaktong alignment ng mga planeta at bituin.
( Bitch please, “Hindi ko alam. Basta ko na lang naramdaman.” is not a valid answer. Napakaprimitive. )
10. Minahal mo ba ako dahil kelangan mo ako o kelangan mo ko kaya minahal mo ko? Explain thru essay form in not less than 20 sentences.
11. Yung huling beses na sinabi mong mahal mo ako, totoo pa ba yun o sinabi mo na lang just to convince yourself na mahal mo pa ako?
*Write your answer in hieroglyphics or in alibata form. Feel free to choose between the two. Ako na bahala magtranslate para hindi sapul.
12. Ganun na lang ba talaga kadali yun? Calculate the speed using the formula,
speed = distance / time
where,
t= tagal ng pinagsamahan nating dalawa and
d= distance ng feelings natin sa isa’y-isa ngayon.
*Don’t use calculator. Bilangin gamit ang daliri.
13. Can we still work this out?
13.1 If yes, choose the correct venue kung saan mo gusto.
A. Gold’s Gym
B. Fitness First
C. Free Zumba Class at Rizal Park.
13.2 If no, sino ang mas matigas, ikaw o si Bash? Identify using Mo’s Scale of Hardness then pakiuntog ng ulo mo sa pader.
Bonus Question:
14. May gusto ka pa bang sabihin for the last time? You can say anything you want except the following statements,
1. “Mahal pa rin kita.” (‘Cos we both know na kalokohan lang yan. Wag na nating i-sensationalise ‘to. You still love me but you just love me in a different way now. )
2. “Can we still be friends?” ( Sus. Pakunswelo mo lang yan. Gusto mo lang ng ka-Fubu. Malibog! )
3. “Kung tayo talaga, tayo pa rin sa huli.” ( Pa-destinty destiny ka pang nalalaman. Tanginamo?! )
ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWAN
Sabi kasi nila, kelangan daw ng closure para tuluyan kang makapagmove-on. Kelangan mong malaman ang eksaktong dahilan kung bakit kayo naghiwalay para maging malinaw sa’yo ang lahat. ‘Cos not knowing can be the worst feeling of all.
Pero kapag ba nasagot lahat ng tanong mo makakamove-on ka na nun? Maniniwala ka ba sa isasagot niya o may ineexpect kang sagot para sa kanya dahil naka-plot na sa utak mo yung mga gusto mong marinig? Di ka na ba masasaktan? Kung ganon din lang eh di sana ginawa na lang tableta o capsule yang closure na yan at ipinagbili na lang sa botika.
Ang closure ay isang malaking excuse lang para paulit-ulti mong sabihin sa sarili mo na mahirap magmove-on. Na dumedepende ka pa rin sa kapirasong salitang pwede mong marinig sa kanya para masabi mong okay ka na.
When one ends a relationship, that’s it! Tapos na. Wala ng Book 2. Wala ng Part 2. The End. Hindi ka na pwedeng humirit pa ng 4-hrs finale para mai-justify ang ending niyong dalawa. Wag mong idepende ang feelings mo sa taong iniwan ka na.
No matter how it ended, kesyo bigla na lang hindi nagparamdam o nalaman mo na lang na may iba nang kinakalantari or nagkaroon kayo ng formal break-up sa harap ng 7eleven habang sinisimot ang tirang yelo ng Slurpee, yun na yon. You. Broke. Up. Ano pa bang closure ang kelangan? Hindi ka na niya mahal. Hindi pa ba sapat na closure yon?
Minsan kinakailangan mo lang ng closure dahil meron kang “ideal way” ng pakikipagbreak. May gusto kang paraan kung paano kayo maghihiwalay. Kase ang gusto natin ay yung breakup na hindi tayo masyadong masasaktan. Yung “medyo masakit na break-up” lang. Eh wala naman kasing ganun. Break-ups never happen the way we want them too. Unless may pa-eulogy pa kayo sa isa’t-isa habang kumakanta ang Madrigal Singers ng ‘Hindi Kita Malilimutan” or may pa-impromptu kayo habang lumalaklak ng beer.
Ang konsepto ng closure ay hindi para sa iniwan at sa nang-iwan. It’s between you and yourself that you have to work things out. Wag mong ipaubaya sa “konsepto ng closure" yung kahihinatnan ng damdamin mo. Tamad mo magmove-on eh no? Sariling sikap tayo hoy. Ang issue dito ay hindi na tungkol sa’yo at sa kanya. Sa’yong sa’yo na ‘to. Ito yung kung paano mo tatanggapin sa sarili mo na tapos na ang lahat ng meron sa inyo at hindi na pwedeng ibalik pa. ‘Cos a break-up alone is already a closure.
Case closed. Uwian na. Walang nanalo. Pareho kayong talo.
‘BREAK-UP’ CODE OF ETHICS (16 UNWRITTEN RULES NA WRITTEN NA NGAYON)
In accordance with its primary values and ethical standards, this set of guidelines is issued by a certain “Alagad Ng Pag-ibig” na sobrang bihasa at eksperto pagdating sa pighating dulot ng break-up in order to help other mangingibig overcome the same kind of tragedy and to protect the world from devastation and to unite all people within our nation. ( wahhht?)
They say that the hardest part of losing someone comes in two ways. (1) Saying goodbye ( During break-up) and (2) Learning to live without them ( Post break-up syndrome.)
So, eto na yun.
DURING BREAK-UP. ( Yung tipong on-going pa lang ang mga break-up dialogue niyo sa isa’t-isa ganun.)
1. Wag na wag siyang hahabulin kapag bigang nagwalk-out. Bigyan ng justification kung ano ang itinadhana. Um-exit ng naaayon sa haba ng laylayan.
2. Kung ikaw naman ang magwawalk-out, wag na lumingon pabalik in slo-mo. Nakasakay na siya ng jeep.
3. Wag ng humirit ng isa pang kiss kung nakipag-break na. ( kahit gustong-gusto mong lapain yung labi niya kasi naman ang kissable kasi kaya ang hirap i-let-go ganun.)
4. Pero kung talagang mapilit siya, magpaubaya. Pumikit. Yakapin siya ng mahigpit at damhin ang moment sabay pisil sa masels. Dahil baka last na yun.
5. Pero wag na wag rumequest ng ‘break-up sex’ para mabigyang conviction ang finale. Ito ay ipinagkakaloob lamang 1-week bago matapos ang 3-month rule kung gusto mong ma-extend ang moving-on process kasi may sayad ka sa utak.
6. Gumawa ng The Break-Up Checklist para iwas-buckle during confrontation scene.
7. Tadjakan mo kapag humirit ng, “Can we still be friends?”. Isa yang ultimate dynamic portal para muli ka niyang balikan just in case hindi magwork-out ang huling relasyon niya.
8. Don’t ever go into bargaining like, “Magbabago ako para sa’yo”. Kahit ano pang gawin mo, buo na ang desisyon niya. Magbago ka para sa sarili mo hindi para sa ibang tao, then install Tinder.
9. Kahit gaano ka pa kagalit, wag na wag mong sasampalin. Very teleserye yon. Napakabasic. Bayagan mo sabay takbo.
—–
AFTER BREAK-UP ( Yung the day after and so on, ganun. )
10. Walang bawian ng gamit na ibinigay mo na. Unless hindi mo pa tapos hulugan.
11. Kung balak mong maghiganti, siguraduhing hindi lalampas ng 10k pesos ang damage to property. Baka bigla kang singilin wala ka namang pambayad.
12. Huwag agad i-block sa FB after mag-break. Ang unang mag-block, weak. Dapat kunware chill lang. Para makita niya yung mga future lalandiin mo para kunware ikaw yung una nakamove-on. #RevengeOfTheFallen.
13. Kahit gaano ka pa kalasing, wag na wag tatawagan si ex para lang sabihing siya pa rin ang mahal mo. Inuman lang walang iyakan. Wag suicidal.
14. Ikaw ang iniwan or nang-iwan, it really doesn’t matter at all. Hindi mo kelangang magpa-presscon sa social media. Wala kayong upcoming movie.
15. Wag agad palitan ng “single” ang relationship status sa FB. ( Baka magbago pa isip niya just in case meron kayong Break-up sex.)
16. Iwasang ang mga self-destructive na kanta sa videoke gaya ng “Dahil Mahal na Mahal Kita” at “Pusong Ligaw” lalo na’t wala pang 1 week kayong nagbbreak. Torture yan.
17. Wag i-delete ang nudes na sinend niya sa’yo nung kayo pa. Yun ngang pumupunta ng bertdeyan may pa-souvenir sa guest bago umuwi. Dapat ikaw din meron. Kakailanganin mo din yan gabi-gabi kapag walang wala na.
—-
Pero seriously, kesyo ano pang rules yan, sabi nga, the best way to deal every break-up is to always love yourself. Maling tao man ang paulit-ulit mong mahalin, pero kahit kailan hindi naging mali ang magmahal. Natapos man ang kwento niyo, pero di pa tapos ang kwento mo. Kaya wag kang mapagod. Magmahal ka lang ng paulit-ulit at babalik din yan sa’yo.
FB page: TunayNaPagibigBlog