Kagabi, umiiyak ako. Bigla ko naalala si Tatay at Nanay. Doon kasi sa movie na pina-nood ko, yung Tatay, proud na proud sa anak niyang first year college. Tapos na-realize ko, sa edad kong 34 years old, at kung buhay pa silang dalawa, magiging proud din kaya si Tatay sa akin kapag nairaos ko 'ton huling taon ko sa college? Uupo din kaya silang dalawa sa audience kapag dumating ang araw ng graduation ko kagaya ng pag-upo nila noong high school graduation ko? Matutuwa kaya sila na kahit papano, may nakatapos sa kursong gusto nila? (at Angeles City) https://www.instagram.com/p/CFGurHxB32b/?igshid=1l2jx8o6kl45i









