4 months, and forever to go
Sobrang distracted ako ngayon. May 2 finals pa ako ehh :( So eto na.. magtytype na ko dito para matapos na ang lahat....
Hello, kung di mo ko kilala, ako si Amelia. Di ko tunay na pangalan dahil nakakahiya. Hahahaa.. And it doesn’t matter anyway.
Nagtytype ako ngayon kasi may bumabagabag sa kalooban ko. Masikip na siya. Kaya eto na.. para matapos na ang lahat..
Also five months ago, natutunan kong magmahal sa isang taong di ko aakalain na dumating sa buhay ko.
Pare, masarap ang feeling na yun. Yung feeling mo siya na talaga.. (AT Sana siya nga)
I felt I won the lottery kasi nga naman mabuti siyang tao, matalino, may prinsipyo sa buhay, realistic. Dati noon, hindi yan ang hinahanap ko..
Dati, kesyo may glasses na, at valedictorian sa school. Oks na. Magugustuhan ko yung glasses for almost 6 years. Pero ngayon... iba ehh..
First love? Walang siguru-siguro. Siya nga ang first love ko.
Ang problema? Bumalik sa bansa niya after 1 week ng pagsasama namin.
Masakit syempre. Iniyakan ko ng iniyakan. Pero kahit na ganoon pa man, pinaramdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Aba! Pinadalhan ba naman ako ng chocolates, tea, at yung mug niya na galing sa bansa niya. Theme pa nga nung mug ay love, at binigay daw yung ng parents sa kanya. Mahal din ang pagpapadala nun. Halos 1/4 ng rent niya ang halaga nun.
Mahal ko rin siya sobra. Kahit na minsan may mga pagkakaiba kami, o kaya hindi pagkakaunawaan, sa huli, nagbabati kami at hindi na nauulit yung mga pagkakamali na yun.
Pare, gustung-gusto ko na siya makasama pero kailangan ko maghintay ng isa pang taon pag babalik siya. Madali lang yun kasi .. para sa akin mabilis ang 2 years.
Kanina lang sinabi niya sa akin na iniimagine niya ako na nakatira sa bahay niya, at kung ano daw yung ginagawa ko dun. Aww. Sana nga magkatotoo.
Pero nasa environment ako na kung saan ang mga tao dito, dinadaan lang ang relationship. Yung isa nga akala ko may boyfriend dati ngayon, may bagong boyfriend ulit pagkatapos ng 2 months. Yung isa naman papalit-palit. OMG NAKAKAINIS KASI AKO NANINIWALA AKO NA SYA NA TALAGA.
Nakakatakot minsan kasi naiisip ko na paano kung di na kami talo. kung wala na yung forever na nasa isip ko. Nakakatakot lalo na’t wala siya sa tabi ko. Hindi sa dahil wala akong trust sa kanya na hindi sya mambabae, kung di dahil baka sumuko na siya. Ayoko. Ayoko. Ayoko.
PUTANGINA pa ‘to. May mga taong nagsasabi sa akin na hindi daw maglalast ang unang relationship. BAKIT MO YUN SASABIHIN SA AKIN? PUTA. Hindi mo ba alam ang nararamdaman ko, at ang nararamdaman niya.
Mahal na mahal ko siya. PUTANG INA WAG MO KO TAKUTIN.
Pero pare, nanalo ako sa lotto. One in million chances. At eto nanalo ako.
Napakabait niya, practical, realistic sa buhay, matalino na yung tipong yung mga pag-uusapan n’yo sobrang lalim, ang ngiti niya, yung jokes niya na minsan corny, at ang pagiging genuine niya. HONEST. Eto ang kailangan ko..
At syempre bonus ang kagwapuhan niya.
Alam mo habang tinatype ko ‘to. Naisip ko na yung mga taong nagsabi sa akin, baka iba ang experience nila. Baka nga di sila nag-work out. Pero kasi... di nila alam ang relationship namin ng mahal ko. Wala silang alam na ang unang nakikita ko sa araw-araw ay siya. Na ang huling taong nakikita niya bago siya matulog ay ako. Na kahit minsan busangot ang mukha ko, hinahalikan pa rin niya ang telepono niya (na parang hinahalikan ako). Na meron kaming pagsasamahan na walang katulad. Na minsan kahit magkaiba kami ng relihiyon, siya pa nga ang nagpapatatag ng panata ko sa Diyos. Na siya ang kumakanta ng Tagalog kahit hindi niya lenggwahe yun. Na minsan nag-sosorry agad at nag-uusap ng masinsinan kapag nag-away kami. Na etong tao na ito ang dahilan na naniniwala ako sa pag-ibig kahit yung mga magulang ko ang dahilan ng pagbigay sa akin ng maling konsepto ng pag-ibig. Na nagbigayan kami ng oras para sa isa’t-isa (3-6 hours) kahit na minsan may gagawin pa kaming mga homework. Na sa 24 oras, siya ang tumatakbo sa isip ko. Hahaha. Oo nga pala. Nagpick-up line sa tagalog na hindi pa daw ako napapagod sa kakatakbo sa isip niya. Hahaha.
So sa lahat ng taong nagsasabi sa akin na walang forever.
Eto na ang sagot ko:
“Hindi n’yo pa kasi nahahanap.”
Nahanap ko na. At mamahalin ko siya ng buong-buo. Ang kapangitan at kagwapuhan niya sa isip, salita at gawa. Mamahalin ko siya kahit galit ako sa kanya o kaya naman pag hindi ko nakakausap.
Hihintayin kita, kulta. Wag ka mag-alala hindi ako susuko para sa akin, sa’yo at sa ating dalawa.
Sana ikaw din.
Kasi sa simula pa lang, nanalo na ako nung nakilala kita.











